Fight For My Sons Right Chapter 1-10

  • You Can Use Demo as Registered User :
    user:demo pass:dohdemo


Fight For My Sons Right Chapter 1-10






Written by: KoryanangNegra


Introduction

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁


"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"




Table of  Content

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁












Chapters 1-10

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁




Chapter 1

"Pakakasalan mo si Karen sa ayaw at sa gusto mo Simon Andres. Ikahihiya ka ng iyong Lolo at ng iyong mga magulang sa oras hindi mo panagutan ang babaeng iyong nagalaw," wika ni Senyora
Loreta sa kanyang panganay na apong lalaki.
Wala akong narinig na tugon mula kay Senyorito ngunit batid ko ang kanyang abot langit na pagtutol sa nais mangyari ng kanyang Lola.
Si Senyorito Simon Andres Sto.Domingo ay ang tagapag-mana ng Hacienda Sto.Domingo at ng Iahat ng pagmamay-ari ni Senyora Loreta na matagal ng biyuda ni Senyor Andres
Sto.Domingo. Sabay nam ang binawian ng buhay sa isang car accident ang mga magulang ni Senyorito Simon kaya naiwan sila ng kanyang nakababatang kapatid na babae sa pangangalaga ng kanilang 1.01a Loreta. Wala na kasing ibang anak si Senyora Loreta at si Senyor Andres maliban sa Arna ni Senyorito.
Kaya naman batid ko kung gaano pinahahalagahan at minamahal ni Senyorito ang
kanyang Lola Loreta na siyang tumayong ina at ama simula ng maagang namayapa ang kanyang parehas na magulang.
Nakahalukipkip sa isang sulok ng kama at mahigpit na hawak ang kumot na tumatakip sa aking hubad na katawan. Yukong-yuko at sumasakit ang ulo habang pinipilit alalahanin ang mga pangyayari naganap kagabi. Ngunit kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maalala. Basta pagmulat ng aking mga mata ay narito ako sa ibang kwarto at napasigaw sa gulat sapagkat katabi ko na si Senyorito na himbing na himbing sa pagtulog habang nakayakap pa sa aking bewang at parehas kaming walang kahit na anumang kasuotan sa katawan at ramdam na ramdam ang pananakit na sumisigid sa aking katawan lalo na doon sa gitnang parte na nasa pagitan ng aking mga hita. Pakiwari ko ay may kung anong delubyong dumaan sa katawan ko na para bang binugbog at latang-lata.
Anong nangyari? Paanong may nangyari? Hindi talaga alam!
Matay mang isipin ay wala akong maala-alang kahit ano!
Kahit isang anag-ag man ng kahit anong naganap kagabi ay blangko sa isipan 1<0.
Tanging naalala ko Iam ang ay tumutulong
ako sa paglilinis ng buong mansyon kahapon at ng sumapit ang dapit-hapon ay dumating si Senyorita Selene na bunsong kapatid ni
Senyorito Simon at nakipagkwentuhan pa sa akin na lubos kong ipinagtaka sapagkat sa ilang taon ko rito sa mansyon na naglilingkod ay noon lamang siya naging magiliw sa akin.
Si Senyorita Selene ay halos kaedaran ko lamang ngunit malayong-malayo ang kanyang modernang itsura kung ikukumpara sa probinsyanang kagaya ko. Madalas ko naman siyang batiin kapag nagkikita kami dito sa mansyon ngunit kahit kailan ay wala akong matandaang bumati siya pabalik o kahit pagtugon man lang ng isang ngiti. Kaya naman laking pagtataka ko ng sa mga oras na iyon ay naging magiliw siya sa akin na para bang kay tagal na naming magkakilala. Kinamusta niya pa ang aking pag-aaral at kung ano na ang kalagayan ng kalusugan ni Nanay sa ospital  At pagkatapos? Wala na akong maalala!
Kaya ano ang sitwasyong ito?
Anong nagawa ko?
Ano na lamang ang sasabihin ko kay Nanay oras na malaman nya ang pangyayaring ito. Paano ko ipapaliwanag na wala akong alam dahil wala naman akong maalala.
llang buwan ng nakaratay si Nanay sa pribadong ospital na pagmamay-ari ng mga pamilya Sto.Domingo. Na-comatose siya matapos ma-aksidenteng mabangga ng isang lasing na driver na lulan ng kotse ang tricycle kung saan siya nakasakay pauwi sa mansyon galing sa pamamalengke. Nabagok ang ulo ni Nanay na siyang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Nasa piitan na ang iresponsableng driver sa tulong na din ni Senyora Loreta. Nakapagbayad din naman siya ngmalaking halaga sa nagawa niyang kapabayaan.
Ngunit kaya bang pagalingin si Nanay ng halagang kanyang ibinigay?
Kaya bang ibalik ang dating sigla at malusog na pangangatawan ng pera?
Kaya bang tumbasan ng halaga ang oras upang hawiin ang lungkot at palitan ng masasayang ala-ala ang mga araw na hindi kami magkasama ni Nanay?
Si Nanay na lamang ang meron ako dahil wala naman akong kinagisnang Tatay mula ng isilang at magkaroon na ako ng muwang dito sa mundo. Ayon sa kwento ni Nanay, nawala na lamang na parang bula ang aking ama ng kanya na akong pinagbuntis at wala na siyang anumang
naging balita mula ng araw na ito ay umalis.
Kaya naman nagsumikap si Nanay na palakihin akong mag-isa. Naroon ang pasukin niya ang ibat-ibang trabaho gaya ng paglalabada, paglalako ng iba't-ibang paninda. Naranasan niya rin ang mangalakal ng basura para may ipambuhay lamang sa akin. Kaya itinatak ko sa puso at isipan ko na susuklian ko sa pamamagitan ng pagigingmabuting anak kay Nanay ang kanyang mga ginawa para sa akin. Hindi nga ako nakikipagbarkada o nakikipag socialize dahil tutok ako sa pag-aaral para makatapos ng matiwasay at matumbasan ang bawat pagpatak ng pawis, pagod at sakrispiyo ng aking pinakamamahal na Ina.
Pero ano itong ginawa ko? Ano ang iginante
Kay Senyora Loreta?
Hindi ko alam kungpaano ko siya haharapin at kakausapin lalo sa bagay na ito. Sinusuportahan niya ako sa pag-aaral at tinulungan sa pagpapagamot kay Nanay tapos ngayon malalagay ako sa sitwasyong ito?
Makikita niya lamang akong walang saplot sa katawan sa ibabaw ng kama sa isang kwarto pa ng lalaki.
At higit sa lahat ng kanyang APO!
Si Senyorito Simon!
Paanong nagawa sa akin ni Senyorito Simon ang bagay na ito?
Paano niyang nagawang lapastanganin ang pagkakababae 1<0?
Ang buong pagkatao ko?
Hinahangaan ko pa naman siya sa kanyang kababaang-loob at pagiging mabuti sa lahat ng mga trabahador ng hacienda.
Kaya hindi ko lubos-maisip na magagawa nya sa akin ang bagaya na ito.
At isa pa, ano na lang din ang mukhang ihaharap ko kay senyorita Daphne na limang taon ng karelasyon ng Senyorito?
At sa pagkakaalam ko ay engaged na silang dalawa.
Napaiyak na lamang ako sa naghuhumiyaw na katanungan sa aking magulong isipan dahil wala talaga akong maalala kung bakit at paanong may nangyari sa amin ni senyorito.
"liwan ko na kayongdalawa para makapag-usap kayo ng masinsinan at paasikaso ko na sa lalong madaling panahon ang mga dapat ayusin sa pagpapakasal ninyo."
Mga salitanginiwan ni Senyora bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid ngunit hindi ko talaga maitaas o maiangat man lamang ang aking ulo. Hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o dahil sa wala na talaga akong maiharap pang mukha sa kanya.
Naiwan kaming dalawa ni Senyorito Simon sa loob ng silid.
Dinig ko ang mabilis na pagtambol ng aking dibdib na para bang nais ng lumabas sa aking lalamunan.
Parehas kaming walang kibuan ni Senyorito. Hindi ko naman din alam kung ano ang sasabihin ko.
Kung saan ako magsisimula.
Nais kong magtanong ngunit wala akong maapuhap na kahit anong salita.
"Ganito ka ba ka-desperada?" kalmado ngunit may laman ang katanungang nagmula sa kanya.
Kaya naman napa-angat ang aking mukha at sinalubong ang kanyang malarnig na titig.
"Sana nagsabi ka na langsa akin kung magkano ang kailangan mong pera at ng hindi umabot sa ganito?" dugtong niya. Napatingin ako sa kanya habang
naguguluhan.
Ano ang kanyang nais pakihulugan?
Malamig ngunit kababakasan ngdilim ang kanyang mukha habang nakikipagtitigan sa akin na tila sinusuri ang bawat sulok ng aking pagkatao.
Ako ang unang umiwas ng tingin sapagkat hindi talaga makayanan ng utak ko ang kahihiyang kinasasangkutan sa kasalukuyan.
Nagtataka naman ako kung bakit tila naumid ang akingdila. Nakalimutan ko na kung paanong magsalita dahil gusto kong itanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyangtinuran ngunit nanatilingtikom ang aking bibig. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kabilang side ng kama.
Awtomatikong napaiwas ang aking mga mata sapagkat wala man siyang kahiya-hiyang tumayo ng walang kahit anongsaplot sa katawan. Naglakad at humugot ng kung anong damit mula sa built in cabinet at nagderecho sa loob ng sariling banyo nitong kanyang silid.
Narinig ko ang malakasna paglagaslas ng tubig mula sa banyo. Marahil ay naghihilamos na o kaya aya naliligo na si Senyorito.
Kaya naman sinamantala ko na ang
pagkakataon at dahan-dahan akongtumayo.
Ramdam ang sumisigid na kirot at hapdi sa aking pribadong katawan pero hindi ko na inintindi pa.
Luminga-linga pa ako para hanapin ang aking kasuotan. Hindi naman ako nabigo na mahanap sa ibat-ibang parte nitong silid na tanging piping saksi sa kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Senyorito. Mabilis akong nagbihis at hindi na inalam kung baligtad o tama ang pagkakasuot ng aking pagkakasuot at madaliang nilisan ang silid sa takot na maabutan pa ni Senyorito Simon.
Ngunit napaisip akong muli sa kanyang mga sinabi kanina.
Desperada? At anong ibig sabihin niya na dapat nagsabi na lamang ako kung magkano ang kelangan kong pera?
Nais niya bang palabasin na gusto ko siyang perahan dahil lang sa may nangyaring sekswal sa aming dalawa?
Totoong kailangan ng pera sa pagpapagamot ni Nanay pero hindi ko kailanman naisip na gumamit o manloko ng kapwa. Lalong-lalo na ang gamitin ang aking katawan.
Napasalampak na lamang ako sa sahig ng aming munting bahay ng makarating ako sa gin awa kong paglakad-takbo.
Pakiramdam ko hinang-hina ako.
Hindi ko na nga alam kung ano ba ang mayroon bukas dahil sa kalagayan ni Nanay at  ngayon nga ay dumagdag pa ang pangyayari ngayong araw.
"Kung bangungot man po ito.
Pakiusap PO, gisingin ninyo na po ako." Patuloy na pagsusumamo ng munting tinig sa 100b ng aking isip.
Ano na ang mangyayari ngayon?
Napaiyak na lamang akung muli sa sitwasyong aking kinasasadlakan.
"Nay, please gumising na kayo. Kailangan ko po kayo Nay. Pakiusap, gumising na po kayo." lumuluha kong dalangin habang mariing nakapikit ang aking mga mata.
Mahirap pala talaga ang nag iisa ka.
Walang kasama, makausap at karamay. At tila wala man lamang kahit isang nagmamahal.



Chapter 2


"Desperadang mukhang pera."
Napatigil ako sa mabilis na paglalakad ng marinigng mga salita buhatsa umpok ng mga kababaihan na mga kapwa ko estudyante sa Unibersidad kung saan na sa pangalawang taon pa lamang ako sa kursong aking kinukuha.
"Kawawa naman baka kasi wala ng pagkuhanan ng pera kaya ginamit ang katawan.ll At sabay-sabay silang nagtawanan.
Ang tunog ng tawa nila ay ang sakit sa tenga.
Wala silang binabanggit na pangalan pero ilang beses ko na silang naringgan ng ganung mga salita sa tuwing madadaanan ko sila.
Imposible ba na isa lamang ang topic nila sa tuwing pwede kong marinig ang anumang kanilang pinag-uusapan?
Naikuyum ko ngmahigpit ang aking mga palad at ipinikit ng mariin ang aking mga mata at saka nag buntong-hininga ng malalim at ipinagpatuloy ang deretsong paglakad patungo sa aking silid-aralan at hindi na lamang nagpa-apekto sa mga pagpaparinig nila.
Kahit sa 100b ng mansyon kungsaan na ako nakatira ngayon ay madalas kong mahuling nag uumpukan ang mga kasambahay o kaya ang mga trabahador sa bukid habang may mahinang bulungan ngunit agad namang magsisitigil kapag nakita na nila ang aking presensiya. Kaya hindi ko maiwasang manliit sa aking sarili.
Wala naman akong ginagawang masama ngunit daig ko pa ang isang inaakusahang kriminal kung kanilang husgahan.
Batid ko ang kanilang iniisip patungkol sa akin dahil minsan ay narinig ko ng hindi sinasadya ang isa sa mga kasambahay ng mansyon na nagsasalita ng mga hindi kanais-nais na paratang laban sa akin.
Desperada at lahat gagawin para sa pera kaya pinikot ang tagapagmana ng hacienda.
Pero alam ng nasa Itaas na hindi ako ganung klaseng tao.
Isang linggo na ang lumipas ng maikasal ako.
00, tama. Kasal na ako.
Simpleng kasalan lamang ang naganap dahil madalian. Nais sana ng Senyora Loreta ng isang malaki at bonggang kasal ngunit turnanggi ang senyorito sa ideya na kung tutuusin ay siya
rin naman na nais ko.
Sabi nila, masaya ang araw ng kasal.
Pero mukhang hindi aplikado sa tulad ko. Bukod sa wala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko na walang iba kundi si Nanay.
Hindi ko pa gustong ikasal.
Disi-otso pa lamang ako.
Hindi pa nga ko nagkaroon ng kasintahan o kahit ng manliligaw man lang.
Higit sa lahat.
Paano ko magiging masaya kung nakasira ako ng isang magandang relasyon na ilang taon na any binilang.
Feeling ko isa akong kontrabida sa teledrama na nang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan.
Sinubukan kong magpaliwanag kay
Senyorita Daphne tungkol sa pangyayari ngunit isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi
"Mang-aagaw! Akala ko pa naman mabuti kang babae pero ahas ka pala." kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa tinig niya ng mga sandalingiyon.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang
pagptitimpi sa kung anumang nararamdaman. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang dahil hindi ko naman alam kung paano ko dedepensa dahil hanggang ngayon ay wala akung maalala sa nangyari samen ni Senyorito Simon nung gabinfgyun.
"Wala ka na sigurong maisip na paraan para ipantustos sa pag aaral at pampagamot sa Nanay mo kaya nagawa mong pikutin ang nobyo 1<0." nanlilisik ang mga matang paratangsa akin ni Senyorita Daphne.
"Senyorita Dapnhe hindi totoo yan. Wala talaga akong alam kung paanong nangyari yun.l' At naramdaman ko ang sakit ng humigpit ang anit ko sa pagsabunot niya sa buhok ko.
"Sinungaling! Alam mong malakas ka kay Lola Loreta na siyang ginamit mo para makaahon ka nga naman sa hirap. Instant Yaman nga naman." Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang mga kataga ay pabalya niya akong itinulak na siyang dahilan ng pagkakasalampak ko sa sementadong am ing kin atatayuan.
Sobrang sakit ng naramdaman ko sa pagbagsak pero mas nanaig ang sakit at kirot sa puso ko dulot ng masasakit na salita galing kay Senyorita Daphne.
Pagkatapos niya akong itulak ay mabilis siyang naglakad palayo sa akin. Matapos ang insedenteng naganap sa pagitan namin ay nabalitaan ko na lamang isang araw ay lumipad na raw pa ibang bansa si Senyorita Daphne matapos ang kasal namin ng kanyang nobyo.
Bakit pakiramdam ko ang sama-sama kong tao sa lahat ng mga pagbabagong nangyari? Wala nga akong alam o kahit anumang matandaan.
Ano bang mahirap intindihin don?
Lahat ng mga nakakasalubong ko ay tinitingnan ako ng may kahulugan na waring sinasabi na ako ay iwasan dahil isa akong mang-aagaw at mukhang pera.
"Desperada na kaya nagawang pikutin ang isangmayamangbinata."
00, ganyan ang mga paratang nila sa akin.
Sino ba naman nga ako?
Isang simpleng babae na anak ng isang katulongsa mansyon. Mahirap lamang at kung hindi sa free scholarship na binibigay ng
Unibersidad ay hindi ako makakapag -aaral.
Pero libre man akong nag-aaral.
Pinaghirapan ko pa rin ang magsunog ng kilay para ma perfect score sa at makuha ang full scholarship.
Hindi ako katangkaran sa taas kong 5'2.
Hindi rin ako sexy dahil akala mo payat pa ko kawayan.
Hindi rin ako maputi bagamat mana ko kay nanay na matangos ang ilong. Ang mga mata ko ay malamang namana ko sa hindi ko nakikilalang tatay sapagkat hindi naman almond shape ang hugis ng mga mata ni nanay..Manipis lamang ang aking labi na laging maputla kaya naman natatawag akong anemic. Maganda naman ako sabi ng Nanay dahil malamang na sasabihin niya 'yon dahil anak niya ako at nag iisa pa.
"Nag-iisa na nga lang ako Nay, tinutulugan mo pa ako. Gumising na sana kayo para naman hindi ko maramdaman na nag-iisa lamang ako at walang karamay," bulong ko sa kawalan at saka marahang pininusan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
"Sa bahay ko sa QC kami maninirahan.ll
Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain sa hawak kong kubyertos sa aking narinig. Narito kami ngayon sa hapag kainan at sabay-sabay naghahapunan sa isang lamesang pahaba na may dalawampung upuan. Magkatabi ngunit malayo ang distansya ko kay Senyorito Simon katapat niya sa upuan sa kabilang side si Selene at si Lola Loreta naman bilang ulo ng pamilya ay nakaupo sa sa pinakagita ng lamesa.
"Paano ang pag-aaral ng asawa mo? Ipapa transfer mo?" tanong agad ni Senyora na tawagin ko na rin daw na Lola sapagkat apo niya na ako at legal na asawa na ako ng kanyang apo.
"Bakit kailangan niya pang mag-aral? Kaya ko siyang pakainin ng higit tatlong beses sa isang araw Lola." May pagkasarkasmong sagot ng aking asawa sa kanyang Lola.
Asawa? Aking asawa.
Parang ang gaan sa pakiramdam na ang isang gwapong binatang mayaman ay akin ng asawa.
Pinilig ko ang aking ulo para sa kahiya-hiyang iniisip.
"Pero sayang naman at gustong-gustong makatapos nitong asawa mo hindi bat Dean'lister ka iha?" baling na tanong sa aking ni Lola Loreta. "Lola, hindi niya na kailagan pang mag-aral. Gusto na sa loob lamang siya ng bahay at magbantay maghapon. Ganun naman dapat ang babaeng asawa hindi po ba?" may diin sa pagkakasabi ni Senyorito Simon.
May punto naman siya pero, titigil ako sa pag aaral?
Ganung buong buhay ko iyon ang naging pangarap ko?
Ang makatapos para makahanap ng disenteng trabaho na may mataas na sweldo para kahit paano ay mapagpahinga ko na si Nanay sa pagtratrabaho at kahit paano ay maiahon ko siya sa kahirapan.
"Okay, total mag-asawa na kayo at ikaw ang padre de pamilya, na sayo na ang lahat ng desisyon," wika ng Senyora habang hinihiwa ang karne ng baka sa plato nya.
Maya-maya ay bumalingsa akin ang Senyora at nagwika.
"Karen, alam kong gustong-gusto mong makatapos pero ang isang asawang babae ay dapat nagpapasakop sa kanyang asawang lalaki at isa pa tama naman arng apo ko. Kayang-kaya ka niyang buhayin at ibigay ang lahat ng naisin mo." Nakangiting saad ng senyora at tumingin sa akin.
Nais ko sanang tumutol sapagkat ayokong ihinto ang pangarap ko dahil lang sa nag-asawa na ako.
Hindi ko na isinatinig pa.
"Huwag kang mag alala iha, ipapalipat ko sa ospital sa lungsod ang Nanay Karina mo. Mas magagamot sya doon ng husto dahil sa mas advance ang mga gamit ng ospital.'l Dagdag ng Senyora
Tama.
Kailangan ni Nanay na gumaling.
Mas makakabuti sa kanya ang advance na teknolohiya ng ospital sa lungsod.
Sana nga ay matulungan talaga ang Nanay ng sa ganun ay gumising na siya.
"Wow! Jackpot ka talaga girl!
Nakapag-asawa ka ng isang binatang bilyonaryo.
Libre pa sa gamutan ang Nanay mo." Bulalas ni
Selene habang nakatingin sa gawi ko at mas lalo  tuloy hindi matuloy ang pagkain ko sa kanyang sinabi.
 
Tawag ni Senyora sa tinig na nagbabanta sa nais tumbukin ng sinasabi ng kanyang babaeng apo.
"Why Lola? May mali po ba sa sinabi ko? ll painosenteng tanong naman ng Senyorira na patuloy langsa pagkain na tila balewala lang ang mga pagtitig ng Senyora.
"Si Karen ay asawa na ng kuya mo. Kaya ano
man ang kaya nating ibigay para sa kanya ay ibibigay naten dahil karapatan nya na yun bilang may bahay na ng kuya Simon mo. Kaya dapat igalang mo sya bilang hipag mo. Maliwanag ba Selene?" striktong paliwanag ng Senyora. Umirap pa sa hangin si Selene bago pa sumagot.
"Okay fine, Lola."
Samantalang si Senyorito Simon ay tahimik lamang na kumakain na tila walang pakielam.
Gusto ko sana siyang kausapin ng masinsinan tungkol sa mga bagay na dapat kung linawin. Ngunit sa tuwing lalapitan ko siya ay agad siyang lumalayo. Sa tuwing tatawagin ko ang pangalan niya ay para bang hindi niya ako naririnig.
Parating nakaseryoso ang kanyang mukha, tiim-bagang at kung wawariin ay mananakit sa orasna may nagkamali na siya ay kantiin o hawakan.

 


Chapter 3


"Lagi kayong mag-iingat sa bahay ninyo iha, alagaan mong mabuti ang sarili mo at ang asawa mo. Hayaan mo at naniniwala ako na gagaling ang Nanay Karina mo sa ospital na paglilipatan sa kanya."
Bagamat nakangiti alam kong malungkot si Senyora Loreta sa aming pag-alis. Ngayon na kasi ang luwas namin ni Nanay papuntang lungsod.
Naroroon kasi ang trabaho ng asawa ko na dapat niya ng asikasuhin aya naman nauna na siyang lumuwasdahil sa darni ng natambak na trabaho .
Sa pagkaka-alam ko si Senyorito Simon na ang namamahala ng kumpanya na dati ay ang Senyora pa angtumatayong namamahala. Dahil hindi na rin kaya ng Senyora ang lumuwas-luwas at ma-stress sa mga problema dulot ng negosyo. Kaya naman sa murang edad ay sinanay na si Senyorito na pamamahalaan ang kanilang kumpanya kaya ng siya ay makatapos sa pag-aaral sa ibang bansa at magbalik Pilipinas ay agad ng ipinasa ng Senyora ang buong kapangyarihan sa nag-iisang apong lalaki para pamahalaan ang kanilang mga negosyo.
Lulan kami ni Nanay ng isang ambulansya deretso sa isang sikat at pribadong ospital sa Makati na kung saan kasosyo din ang pamilya ng napangasawa ko.
"Nay, ipangako mo na lalaban ka.
Huwag na huwag po kayong susuko at huwag niyo po akong iwanan." Naluluha kong kinuha ang payat na kaliwang kamay ni Nanay at inilagay ko sa aking pisngi at hinalikan. Doon man lamang ay maramdaman ni Nanay ang wagas na pagkasabik ng pangungulila at  pagmamahal ko para sa kanya.
Na-ulila rin ngmaaga sa kanyangmga magulang ang aking Nanay Karina. Kaya naman ng magka-nobyo at sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong pamilya kaya maaga niya na rin akong ipinagbuntis. Ngunit isang araw daw ay nagpaalam sa kanya ang aking ama na maghahanap ng trabaho sa ibang lugar na siya namang sinang-ayunan ni Nanay sapagkat kailangang-kailangan na ng pera para makaipon na siyang gagamitin sa araw ng aking pagsilang.
Ngunit hindi sukat-akalin ni Nanay na pagkatapos ng araw na iyon ay wala na siyang magiging balita sa aking ama. Noong una, umasa raw si nanay na babalikan kami ni Tatay. Pero lahat daw ay may hangganan kaya tinanggap na ni Nanay na hindi na kailanman ito babalik. Sabi ni Nanay, siguro raw ay hindi pa handa ang Tatay ko sa mga responsibilidad kaya naman kami ay iniwan. Walang-wala noon si Nanay at mabuti na lam ang at naawa ang mag-asawang Senyor at Senyora Sto.Domingo at kinuha siyang hardenera sa mansyon at doon na nga siya nagtrabaho. Nang maka-ipon si Nanay, tinulungan pa siya nina Senyor Andres at Senyora Loreta na makabili ng maliit na lote at mapatayuan ng simpleng bahay para sa kung sakaling maisipan ng umalis ni Nanay sa mansyon ay may matutuluyan na kaming mag-ina. Hanggang sa mangyari nga ang hindi inaasahang trahedya sa buhay namin ni Nanay.
Batid kong hindi na birong halaga ang nagagastos ng Senyora sa pagpapagamot kay
Nanay. Lalo na ngayong nasa lungsod na kami.
Alam kong masyado na kaming lubog sa utang na 100b sa mahal ng mga gamot at bayad sa mga doktor, mga nurse at sa mga aparatong nakakabit sa katawan ni Nanay.
Ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha.
Si Nanay lang ang meron ako.
Siya lamang ang nag-iisa kong pamilya.
Ang nag-iisa kong karamay, kakampi at bukod tanging taong nagmamahal sa akin.
Kaya naman kahit sabihin nilangna pinikot ko raw ang Senyorito para sa aking pansariling pangarap.
Na mukha akong pera.
Na isa raw akong malandi.
Sigel. pagbintangan na nila ako.
Paratangan na nila akong lahat.
Pero alam ko naman sa sarili ko kung ano an g totoo.
Wala na akong pakialam sa sasabihin nila o sa kung ano pa mang maging tingin nila sa pagkatao ko.
Dahil ang gusto ko lang ay ang gumaling ang Nanay ko..
At pikit mata kong tinatanggap na kailangan ko talaga ng tulong pinansyal na meron ang Senyora at ng kanyang apo. 00 na!
Mukha na akong pera!
Desperadang-desperada na talaga ako madugtungan lang ang buhay ng nag-iisang taong mahal na mahal ko.
"Senyorita Karen, narito na po tayo sa bahay ninyo," hayag ni Manong Raul na siyang nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan buhat sa malayo na nitong narating.
Akrna ko sanang bubuksan ag pintuan sa 100b ng sasakyan ngunit maagap akong naunahang buksan ni Manong Raul na siyang napag-utusan na ako ay ihatid dito sa bahay buhat sa ospital kung saan ko na iniwan sa pangangalaga ng mga doctor at nurse si Nanay. Ayoko man siyang iwanang mag-isa ngunit hindi maaari.
"Salamat PO, Manong." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya ng ako ay makalabas sa sasakyan.
Agad kong iginala ang aking mga mata. Isang malaking kulay asul na gate angnasa aking harapan at nakapaligid ang nagtataasang pader na nagsisilbing harang upang hindi makita ang anumang nasa 100b ng bakuran.
"Pasok na kayo sa 100b, Senyorita." Pag-aya ni Manong Raul matapos buksan ang gate upang ako ay makapasok.
Magiliw akong nagpasalamat sa may edad na driver bago ako tuluyang pumasok sa 100b ng bakuran.
Naisara ko na ang gate bago ko narinig ang
ugong ng paalis na sasakyan. Bilin kasi ni Manong ay pagpasok ko sa gate ay agad kong isara at doon lamangsiya aalis.
Napanganga ko sa ganda at lawak ng bakuran.
Nalalatagan ng berdeng bermuda grass ang paligid. May nalalakihang mga paso, mga banga na mayroong mga naglalakihan mga halaman na nakatanim ngayon ko lamang nakita sa tanan ng akingbuhay.
Sa gitna ng malawak na kapaligiran ay matatagpuan ang isang modernong mansyon na nagsusumigaw sa karangyaan.
"Glass house?" bulong kong tanong sa aking sarili. Dahil ang nakikita kong malaking bahay ay gawa sa purong salamin.
Nangingiti ako sa ganda ng aking mga nakikita habang naglalakad. Pakiramdam ko isa akong karakter ng isang libro ng pantasya habang naglalakad patungo sa isang palasyo.
Kumatok na ako sa malapad na pintuan na gawa sa makapal at mamahaling kahoy ngunit wala pa rin nagbubukas.
Naghanap pa ako ng doorbell ngunit wala naman akong makita.
Akrna na sana akong kakatok muli ng
biglang itong bum ukas at iluwa ang seryosong mukha ng isang lalaki.
Si Senyorito Simon.
Batid ko sa sarili ko na matagal ko na rin hinahangaan ang Senyorito na ngayon nga ay akin ng legal na asawa.
Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?
Matangos ang ilong at may natural na mapupulang labi na parang bang naka-lipstick.
Matangkad at malalapad ang balikat tulad ng mga napapa nood kong artista na alaga sa gym ang katawan.
Ang kilay niya ay makakapal at may mga matang maamo na para bang inaantok at natatakpan pa ng malalantik ng pilikmata.
Magiliw din siya sa mga trabahador sa hacienda gaya ng kanyang mga Lolo't Lola at mga magulang.
Matalino.
Buo ang 100b na hawakan ang lahat ng negosyo ng kanyang pamilya bagamat 23 years old pa lang.
"Tatayo ka na lamang ba riyan at tatanga?" kaswal na tanong niya sa akin na hindi man lang nagbago ng ekspresyon ng mukha.
Seryoso.
"Magandang araw PO, Senyorito." Kimi at nahihiya ko pang pagbati sa kanya.
Turningin siya sa akin na tila may nais sabihin. Kumikibot-kibot ang labi ngunit nanatilingnakatitig lang.
Yumuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay tumatagos sa aking pagkatao ang uri ng kanyang mapang-usig na paningin.
"Mabuti naman at kilala mo kung sino ako at kung sino ka." Maya-maya ay sabi niya.
Humakbang pa siya papalapit sa akin at huminto ng ilang dangkal sa aking harapan.
"Lilinawin ko lamang ang mga bagay-bagay sa pagitan nating dalawa. Asawa lang kita sa papel at kapag nasa paligid ang presensiya ni Lola." Deretso niyang sabi.
"Hinding-hindi kita kikilalaning asawa ngayong araw na ito, maging bukas o magpakailanman, maliwanag ba?" dugtong niya sa kalmado at malinaw niyang pagpapaliwanag sa kung anong estado ng aming relasyon. 
Nakayuko pa rin ako pero sunod-sunod akong tumango bilang pagsang-ayon sa lahat ng kanyang mga sinabi.
Ano pa ba nga ba ang aasahan ko sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon?
"Good at isa pa nga pala, total sanay ka naman sa gawain. Ikaw na rin ang gagawa ng lahat ngdapat gawin dito sa 100b at labas ng bahay. Doon banda ang maid's quarter at doon mo dalhin ang mga gamit mo dahil doon ang magiging kwarto mo." Sabay turo niya sa gawing kaliwa ng bahay.
Tumango na lang ako ulit at hindi na nagkomento pa.
"At wala sana akong mababalitaan na kahit anong makakarating na salita kay Lola.
Niintindihan mo ba? Hindi naman siguro ganun ka-kapal ang mukha mo para magsumbong pa sa laki ng pabor na binigay sayo ng Lola ko at isa na doon ang pagpapagamot sa Nanay mo para pasamain pa ang 100b niya sa mga bagay-bagay na nararapat lang naman igawad sa mga katulad  mo. Hindi ba?" tango pa rin ang isinagot ko kahit ang totoo ay nais ko ng lumubog sa kinatatayuan ko sa mga pang-iinsultong naririnig ko mula sa bibig ng aking asawa.
"Umpisahan mo na ang pagluluto dahil nagugutom na ako. Isinunod mo agad ang paglilinis ng buong bahay dahil ilang buwan na ang nakalipas ng huling malinis ito.ll
Sunod-sunod niyang utos sa akin at saka na siya muling umakyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay.
Mabilis na tumulo ang luha ko pagkaalis ni Senyorito sa harapan ko at mabilis ko rin itong pinahid.
Hindi ito ang oras ng drama para umiyak ako.
Masakit pala talagang nasasampal ng katotohanan.
Katotohanan na ang pagiging asawa ko sa isangtulad ni Senyorito Simon ay hanggang papel lang.




Chapter 4


Mabilis akong burnangon sa sa malambot na sofa ng marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Senyorito Simon. Dali-dali akong naglakad ng patakbo upang pagbuksan siya ng pinto. Halos magdadalawang buwan na kaming magkasama sa iisang bubong ngunit madalang pa sa patak ng ulan kung umuwi siya ng maaga clito sa bahay. Madalas ay hatinggabi na o kaya naman ay madaling araw na kung siya ay dumating. Kaya naman madalas akong puyat sa kahihintay sa pagdating nya at madalas kung minsan talaga ay dito na ako sa sofa natutulog kapag hindi ko na kayang labanan ang aking antok.
Katulad ngayon, halos mag aalas-dose na ng hatinggabi ngunit kararating niya lamang. Ako naman bilang nangakong aalagaan ang aking "asawa 'J ay matiyagang naghihintay.
Hindi niya ako kinikibo kahit pa anong gawin kong pakikipag-usap sa kanya.
Sa katunayan, all around kasambahay ang naging papel ko dito sa 100b ng bahay. Mabuti na lamang at tinuruan ako ni Nanay kung paano mamuhay ang isang babae at kahit paano naman ay marunong naman akong magluto ng ilang klase ng ulam. Isa rin kasi sa mga hinahangaan ko sa ugali ni Senyorito Simon ay hindi siya masyadong mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant sa labas. Mas sanay kasi siya sa lutong bahay dahil doon Sila sinanay ni Senyora Loreta sa probinsya namin.
Mabilis kong binuksan ang Pinto at agad ko ngang nakita na bumaba na siya sa kanyang mamahaling kotse. Pasuray-suray siyang lumakad na tila nahihirapang ihakbang ang mga paa. Awtomatiko akong napatakbo sa kanyang kinaroroonan upang siya ay alalayan dahil sa palagay ko ay anumang oras ay babagsak siya.
"Ano ba! ll asik niya sa akin at pabalang na iwinasiwas ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso.
"Sinabi ko ba na alalayan mo ako?!" mabalasik niyang tanong at nagniningas pa sa galit ang kanyang mga mata ng matalim na matalim na nakatingin sa akin.
"Gu-gusto ko lang naman na tulungan kang maglakad." Pautal kong sagot.
At hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.
Sinakop ng malaking kanang kamay niya ang aking leeg at ipininid ako sa Pinto. Mahigpit niya akong sinasakal at talagang hindi na ako makahinga. Konting-konti na lang ay malalagutan na ko ng hininga. Hinahampas ko ang kanyang mga kamay para ako ay pakawalan ngunit kita ko sa kanyang nag-aapoy na mga mata ang galit at hindi ko maaninag man lang kahit ang anino ng awa.
"Lumpo ba ako para tulungan mo?! At sino ba ang nagbigay ng pahintulot sayo na hawakan mo ako?!" galit na galit niyangtanong. Pilit ko pa rin namang inaalis ang kanyang kamay sa aking leeg.
"Para malaman mo! Nandidiri ako sayo! Ayoko na hawakan mo kahit angdulo ng daliri ko! Dahil sayong babae ka nawala sa akin si Daphne. Dahil sayo iniwan niya ako!! Naririnig mo! Dahil sa kalandian mol Dahil sa kadesperedahan mong pikutin ako ng may panggastos sa pagpapagamot ng Nanay mo! At anong akala mo ha?! Pag-aaralin din kita?! Ha?!" sigaw niya sa pagmumukha ko habang mahigpit pa rin akong sakal.
Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay sa paraan ng pagsakal nya sa akin ngunit ganun na lamang ang pasasalamat ko ng binitawan niya na ang leeg ko. Sunod-sunod ang ang naging pag-ubo ko habang hinahabol ang sariling hininga. llang saglit pa bago ako
nakapadama ng ginhawa.
"Akala mo siguro dahil nauto mo ang Lola ko ay ganun mo na lang din akong mauuto? Pasalamat ka dahil mas mahal ko ang Lola ko kaysa sa sinuman sa mundo kaya niya ako na papayag na pakasalan ka! ll at dinuro-duro niya pa ako sa mukha garnit ang kanyang hintuturo sa kaliwang kamay. Napapapikit na lamang ako sa panduduro niya na para bang isa akong kriminal na inakusahan ng krimen na hindi ko naman ginawa at wala akong alam sa ibinibintang niya.
"Sa susunod na humaharahara ka pa sa daraanan ko ay baka mapatay na talaga kitang babae ka. Huwag kang masyadong naglalapit sa akin. Dahil kahit lasing ako ay hindi ko makakalimutan kung sino ka at anong klaseng babae ka!" sigaw niya ulit habang sinabunutan naman ang aking buhok.
"Alam mo ba kung gaano ako galit na galit sayo dahil nawala ang babaeng mahal ko?! Ang babaeng gusto kong makasama at maging asawa!
Sinira mong lahat! Sinira mo ang kinabukasan ko! Ang kinabukasan namin ni Daphne!" asik niyang muli habang mahigpit pa rin ang hawak sa buhok. Sa wari ko ay tila maghihiwalay na angsa anit ang aking buhok.
Itinaas niya ang mukha ko at inilapit sa
harap ng kanyang mukha. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy ng alak sa kanyang mainit na hininga.
"Hindi ko matanggap na sa isang mababang uri ng babae lamang ako nagpakasal. Sa mababang uri ng babae na handang gawin ang lahat para sa pera!" saka niya ako malakas na pahagis na binitawan ang aking buhok na siyang nagingdahilan din para mawalan ako ng panimbang at bumagsak ang aking buong katawan. Tumama pa ang balakang ko sa isa sa tatlong baitang na gawa sa marmol paakyat sa pintuan ng bahay sa lakas ng pwersa ng kanyang pagtulak.
Turningin pa siya sa akin na hindi ko kababakasan talaga ng anumang awa sa mukha. Wari pa ngang nasisiyahan siya sa pag ngiwi ng aking mukha dahil sa sakit na nararamdaman. Bago pa siya nag martsa papasok na bahay ay dinuro niya pa kong muli at minura ng ilang ulit. Maya-maya nga ay narinig siguro sa buong kabahayan ang malakas niyang pabalibag na pagsara sa Pinto.
Naiyak ako hindi lamang sa sakit ng katawan na inabot ko. Kundi maging sa masasakit na salita na narinig 1<0.
Bakit ba wala akong maalala ng gabing lyon?
Bakit hindi ko maalala ng maipagtanggol ko naman ang sarili ko?
Naghalo na ang luha, pawis at sipon ko.
ldagdag pa ang masakit sa aking katawan na hindi ko alam kung ano ang uunahin haplusin upang maibawasan ang kirot.
"Kaya mo 'yan, Karen. Kayanin mo lahat para sa Nanay mo. Kailangan niyang gumaling para magkasama na kayong muli. Kaya magtiis ka dahil kailangan mo ng pera ng mga Sto. Domingo para may pang gamot ang nanay ko." Pilit akong ngumingiti at inaalo ang sarili. Pinipilit ko rin na makatayo mula sa pagkakatumba sa malamig na sahig bagamat ramdam na ramdam ko na para akong nabalian ng buto. Bugbog na bugbog ang katawan ko at pakiramdam ko ang kapal ng anit ko dahil sa pag sabunot na ginawa ni Senyorito.
"Para sayo Nay, magtitiis ako.ll Determinado kong wika sa aking sarili habang halos gumapang papasok sa loob ng bahay. Kahit anong pagtatangka kong turnayo ay lalo lamang nadadagdagan ang sakit ng katawan 1<0. Pinilit ko na lamang umusad kahit hirap akong gumalaw. Gumapang ako paunti-unti hanggang makarating sa tarangkahan ng pintuan ng bahay. Muling tumulo ang luha ko ng dahan-dahan akong turnayo habang nangungunyapit sa mga pwedeng hawakan ng aking mga daliri upang makatayo lamang at buksan ang pinto ng bahay.




Chapter 5


"lha? bakit parang pumapayat ka at bakit ang putla ng kulay ng balat mo? May dinaramdam ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Senyora Loreta na bumadha ang pag-aalala sa mukha habang sinisipat-sipat pa ang aking kabuuan. Wari bang may hindi tama sa aking katawan at kanyang hinahanap.
Nagulat na lang ako ng tawagan ako kahapon ni Senyorito Simon mula sa kanyang opisina at nagmamadali akong inutusan na ilipat ang lahat ng mga gamit ko sa kanyang kwarto dahil paparating ang Senyora para raw dalawin kaming dalawa dito sa kanyang bahay. Dali-dali naman akong sumunod at madaliang inayos ang lahat ng mga garnit ko patungo sa katapat na silid kung saan natutulog si Senyorito Simon. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga gamit at damit ko kaya mabilis kong naisalansan at naiayos sa kuwarto ni Senyorito Simon.
"Po? Hindi ko po napapansin." Nagtataka ko namang naging sagot habang kinakapa ko pa ang aking pisngi. Ewan ko ba? Nito kasing mga
nakaraang araw ay parang wala akong ganang kumain. Tuwing tatangkain kong kumain ng kahit ano ay isinusuka ko at ayaw tanggapin ng sikmura ko. Kaya heto na ang naging resulta, lalo na akong naging payat.
"Inaabuso mo ba ang katawan mo iha? Baka sa trabaho mo dito sa loob ng bahay ninyo ay nakakalimutan mo nang kumain at alagaan ang sarili mo? Karen, humpak na humpak ang pisngi mo. Ang kulay mo hindi normal. Para ka ng puting papel sa pagka-putla. Pagsasabihan ko ang asawa mo na kumuha na ng makakasama ninyo dito sa bahay ng hindi ikaw ang gumagawa ng lahat. Bakit ba kasi wala kayong kasambahay?"
Ngumiti na lamang ako sa mga sinasabi ng Senyora.
"Lola, ako po ang may gusto na huwag ng kumuha pa ng kasama dito sa bahay dahil po kaya ko naman ang mga gawaing bahay." Pagtatakip ko sa desisyon ng asawa ko.
"Pero ang Iaki kasi nitong bahay para sarilinin mo ang mga trabaho. Nakita mo na ba angsarili mo salamin? Mukha kang pagod na pagod at ibinababad sa sukang sasa sa sobrang putla. Halina ka nga at magpunta tayo sa ospital ng mapa check-up kita." Pag-aya sa akin ng
Senyora Loreta at hinamig pa ang aking kanang
kamay.
"Hindi na po kailangan Lola, pahinga lang po siguro ang kailangan ko. Minsan po kasi hindi ko mapigilan angsarili ko na gumawa ng gurnawa dahil hindi po ako sanay na nakaupo o nakahiga lang maghapon sa bahay.ll Pagtutol at paliwanag ko sa nais gawin ni Senyora. Dahil ayoko na siyang mag alala pa sa akin.
"l insist iha, para mabigyan ka na rin ng mga multivitamins. Iba kasi ang pagkahulog ng katawan mo. Halos dalawang buwan pa lang kayo dito ay ganyan na ka payat ang katawan mo at ka putla ang kulay ng balat mo."
Ekseheradong komento ng mabait na matanda. Para matapos na rin ang usap ay pumayag na rin ako sa nais ng Senyora. Upang mapanatag na rin ang kanyang kalooban tungkol sa aking kalagayan ay sumangayon na ako. Para na rin madalaw ko si Nanay sa ospital. Dahil nga sa laging masama ang aking pakiramdam ay hindi ko nadalaw si Nanay nitong mga nakaraang araw. Samantalang halos tumira na ako sa ospital noong mga nakaraang linggo dahil sa araw-araw akong dumadalaw sa kanya.
"Dra. Clemente, how ls my grandson's wife?
May sakit ba sya?" agad naging tanong ng
Senyora ng inabot ng isang babaeng nurse sa
babae rin na Doktor ang papel na naglalaman ng mga resulta ng Laboratory test na ginawa sa akin kanina. Kinuhanan ako ng dugo at ihi na kailangan daw talaga para malaman kung mayroon ba akongsakit. Binasa naman ng doktora ang nilalaman ng resulta ng tahimik ngunit dahil sanay na siya sa kanyang gawain ay saglit niya lamang itong pinasadahan ngtingin. 'Yung tipong sinulyapan niya lamang pero alam niya na ang ibig sabihin.
"Senyora Sto.Domingo, walang sakit ang ang asawa ng iyong mahal na apo.ll Nakangiting sagot ng may edad na rin na Doktora na kagalang-galang sa kanyang puting-puting kasuotan. Nakasukbit pa sa kanyang leeg ang stethoscope na kanyang ginamit kanina sa akin. Mayroon siyang suot na salamin sa mata, kulot ang kanyang buhok na umabot lamang sa ilalim ng kanyang tainga.
Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Buong akala ko ay mayroon na rin akong sakit.
Ang totoo ay kinakabahan din kasi ako sa pwedeng maging resulta base na rin sa mga kakaibang nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan.
"Congratulations! She's pregnant!"
masayang lahad ni Dra.Clemente na nakipag shake hands pa kay Senyora Loreta.
Pumapalakpak pa sa tuwa ang Senyora at mahigpit akong niyakap at mariin din akong hinalikan sa noo.
"Congratulations! Karen! Magiging Mommy ka na.ll Masayang pagbati sa akin ng Senyora na tinanggal pa ang salamin sa mata at pinahiran ang luha.
"Lola, bakit po kayo urniiyak? ll nag-aalala kongtanong.
Ngumiti ng matamis ang Senyora at muli akong niyakap.
"Umiiyak ako sa tuwa, Karen. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong alam ko na magkakaroon na ako ng apo sa tuhod,'l lahad ni Senyora habang nakayakap pa rin sa akin.
Pregnant.
Buntis ako.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Parang ayaw mag sink sa utak ko kahit alam  ko naman ang kahulugan ng mga salitang narinig ko mismo sa bibig ni Dra.Clemente.
Ganito ba ang pakiramdam ng first time na malaman ang pagbubuntis?
Shock.
Hindi makakilos?
Walang mahanap na salita?
Pero isa lamang ang ibig sabihin. May isang buhay na nilalangsa 100b ng aking sinapupunan. May isisilang akong sanggol ilang buwan mula ngayon.
Sanggol?
Sanggol na manggagaling sa akin?
Sa akin.
Tila napuno ng magkahalong saya at pananabik ang puso ko. Waring maiiyak ako na hindi ko maintindihan kung bakit.
Wala sa 100b na nahaplos ko ang aking impis na tiyan saka nakangiting tila nangangarap sa kawalan.
Magiging Nanay na rin ako?
Magigingisang lna?
Hindi naman mapunit ang malapad na ngiti sa labi ng Senyora na masayang nakikipag-kwentuhan kay Dra. Clemente na panay paalala sa mga vitamins na iinumin ko, sa pagkain na dapat ay kainin ko at magingsa mga bagay na dapat iwasan ko.
Naisip ko tuloy kung ano ang magiging
reaksyon ni Senyorito Simon na magiging Tatay na siya.
Akalain ko ba.
lyong hindi ko maalala na pangyayari ay nagbunga pala.




Chapter 6


"iha, iabot mo na sa asawa mo ang regalo mo." Nakangiting utos sa akin ni Senyora Loreta na mas excited pa sa akin na ibalita sa "asawa ko" ang resulta ng Ultrasound ko. Kung saan nakita at kumpirmadong buntis nga ako. Eight weeks na raw akong buntis ayon sa resulta.
Dalawang buwan na pala akong nagdadalang tao. May isang buhay na sa aking sinapupunan. Sumasabay na sa aking bawat paghinga. Ang bawat pintig ng puso ko ay siya rin  namang pintig ng puso niya.
Ngayon pa lang ay nasasabik na ako sa kanyang pagdating. Nais ko na siyang makita. Nais ko na siyang ipaghele kagaya ng ginagawa sa akin ni Nanay noong bata pa ako. Ngunit hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot. Natatakot ako na baka hindi pa ako handang maging isang Ina. Lalo na ngayon at wala sa tabi ko si Nanay na magiging Lola na ng una kong anak. Marami pa akong hindi alam sa buhay kaya kailangan ko ang paggabay sana ni Nanay. Sana nga lang ay gumising na siya.
Napatingin ako kay Senyorito Simon na
naghihintay sa ibibigay kong kong sobre sa kanya. Dahil napunta sa kungsaan ang isipan ko ay hindi ko napansin na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa papel na aking hawak.
Atubili man akong iabot ang sobreng kulay puti na naglalaman ng resulta ng ultrasounds ng baby ko ay napilitan na akong jabot dahil ayoko naman na sirain ang kasiyahang nadarama ni
Senyora. Nakatitig naman sa akin si Senyorito Simon at waring inuusig ako sa paraan ng kanyang pagtingin.
Inabot naman niya ang sobre sa aking kamay at pahitamad na binuksan sa harapan  namin ng kanyang Lola. Para bang hindi naman siya interesado at napilitan lang sumunod sa utos ng kanyang mahal na Lola.
Hindi ako humihinga sa sobrang kasabikan na rin sa kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
"Ano ito? Ultrasound?" naka arko pa ang kilay niya ng magtanong.
"Yes! Congratulation! APO! Magiging Daddy ka na!" masayang bati ng Senyora sabay yakap ng mahigpit sa Senyorito na hindi mababanaag ang kasiyahan o anumang reaksyon ng pagkagulat sa gwapong mukha.
"Magiging Daddy ka na kaya dapat alagaan
mong mabuti itong asawa mo. Kaya naman pala nangangayayat at namumutla ay dahil naglilihi  na." Bilin ng Senyora na hindi maalis ang abot tengangngiti.
"Oh, bakit para namang hindi ka makapagsalita riyan? ll untag ng Senyora kay Senyorito na nakatingin at pinagmamasdan ng mabuti ang resulta ng ultrasounds.
Para nga naman siyang namatanda. Tila natulala at lampasan na ang pagtitigsa papel na binabasa.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"Well, Lola, nagulat lang siguro ako. Na shock. Hindi lang siguro ako makapaniwala na magiging Daddy na pala ako,ll saad niya at saka malapad na ngumiti .
Napabuntong-hininga ako ng palihim. Akala ko pa naman ay hindi siya matutuwa na magkaka-anak na kaming dalawa.
"Hindi ninyo alam kung gaano ninyo ako napasayang mag-asawa sa regalong binigay niyo sa akin. Pwede na siguro akong mamahinga sapagkat nakakasiguro na akong may apo na ako sa tuhod at may bagong salinlahi na naman ang ating pamilya." Lahad ng Senyora na malapad pa rin ang mga ngiti.
"Lola, ano po bang sinasabi mo? Anong mamahinga? Huwag naman kayong magsita ng ganyan dahil matagal pa tayong magkakasama.ll saway naman ng aking asawa sa nais ipahiwatig ng kanyang Lola.
Turningin sa nakabukas na bintana si
Senyora na tila may pinagmamasdan sa malawak at kulay asul na kalangitan.
"Matanda na ako mga apo. Sapat na sa akin ang makita ko kayong dalawa ni Selene na nakapagtapos na ng pag-aaral at may kanya-kanya ng propesyon. Gusto ko pa sana na hintayin ang na magkaroon rin ng asawa at mga anak si Selene pero sa edad kong ito ay mukhang hindi ko na mahihintay pa."
"La, matagal pa ho kayong mabubuhay.
Bibigyan pa namin kayo ng maraming apo ni Selene. Ilang buwan mula ngayon ay isisilang na ang unang apo ninyo sa tuhod," sabi naman ni
Senyorito Simon na hinawakan pa sa kamay ang
Senyora.
Mapusyaw na ngumiti ang mabait na matandang babae at saka tumingin sa aming mag-asawa.
"Basta pangako mo sa akin apo na hindi mo pababayaan ang asawa mo at ang mga magiging anak ninyo. Lagi mo silang maging prayoridad sa
lahat ng bagay na gagawin mo buhay kagaya nang ginawa ng Lolo mo sa amin ng Papa mo at ang ginawa rin ng Papa mo sa Mommy mo at sa inyong dalawa ni Selene.ll
"Lola, para namang pupunta na kayo sa malayong lugar kung makapag bilin po kayo," wika ko naman.
Nagbuntong-hininga muna ang matandang babae. Bagamat matanda at kulubot na ang balat ay bakas pa rin ang kagandahan ng mukha na kahit pa nalipasan na ng panahon.
"Hindi natin masasabi kung ano ang meron sa bukas. At saka ano pa ba ang nais ko sa buhay? Halos naman ay mayroon naman ako. Bahay, mga mamahaling alahas, mga sasakyan, mga ekta-ektaryang lupain na mayroong mga iba't-ibang pananim, may matatag na negosyo at higit sa lahat ay mayroon akong mapagmahal na mga apo. Kaya ako pa ba ang pwedeng naisin ko sa buhay? Ayoko naman na mabuhay na nakahiga na lamang at pinapakain sa higaan. Pinapalitan ng diaper dahil dumumi at umihi na sa kobre kama o kaya ay parang baby na hinuhugasan ang aking puwet.ll Mahabang pahayag ni Senyora Loreta na sinundan niya ng mahinang pagtawa kaya naman napangiti na lang din kami ni Senyorito Simon.
Marahil ay nagiging totoo lamang sa sarili ang matandang babae. Wala naman talagang makapagsasabi kung ano ang mayroon sa bukas. Tulad na lamang ng aksidenteng nangyari kay Nanay. Ang pagpapakasal ko ng wala sa oras kay Senyorito Simon at itong pagbubuntis ko. Lahat naman talaga tayo ay pupunta sa kamatayan.
Ngunit ang hiling ko lang, sana naman ay magtagal pa ang buhay ng Senyora Loreta. Siya lang kasi ang nakikita kong aking kakampi lalo na at wala pa ring malay si Nanay sa ospital. Gusto ko pang matagal na makasama si Senyora Loreta. Pakiramdam ko kasi kapag nariyan siya sa paligid ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil mabuti ang pakitungo niya sa akin. Gusto ko pa siyang mas lalong kilalanin sa mga susunod pang araw na magkakasama.
 




Chapter 7


Pumasok na ako sa 100b ng banyo para maglinis ng aking pagod na katawan.
Pakiramdam ko ngalay na ngalay ang mga binti at paa ko sa gayong kung tutuusin ay halos nakaupo lang naman ako maghapon at kumakain. Galing kami sa paboritong restaurant ng Senyora Loreta. Band ang ala-singko ng hapon ay bigla na lang siyang nagyayang lumabas ang mabait na matandang babae dahil gusto niya raw kumain sa labas bilang selebrasyon na malapit na siyang magkaroon ng apo sa tuhod.
Ganito pala ang pakiramdam na may taong lubos na nagmamahal sa isang anak na hindi ko pa sinisilang maliban sa akin.
"Excuse me, l'll take this call."
"You may go, iho."
Matapos tanguan ang kanyang 1.01a ay tumayo na si Senyorito Simon sa lamesa kung saan kami sabay-sabay na kumakain.
"Kumain ka ng kumain, Karen. Puro masustansyang pagkain ang mga inorder ko para sayo at para sa apo ko."
Nilagyan pa ni Senyora ng pagkain ang aking
plato. Halos mapuno na nga ng iba't-ibang putahe ang plato ko. Hindi ko alam kung karne ba ng baboy o karne ng manok o karne ng baka ang nginunguya ko. Hindi naman ako pamilyar sa mga pagkaing nakahain sa lamesa namin. Ngunit panigurado ng mga mamahalin base na rin sa łasa at sa magagarang presentasyon.
"Karen iha, wala ka bang pinaglilihian o 'yung bagay na gustong-gusto mong kainin o makita o maamoy?” sunod-sunod na tanong ng Senyora habang naglalagay na rin ng pagkain sa kanyang plato.
Saglit akong nag isip.
Wala naman akong maalaala na mga ganung bagay. Maliban na langsa nagsusuka ako kapag naamoy ko 'yung sabon na ginagamit sa kwarto ko. Kaya nga simula noon ay hindi ko na ginamit. Shampoo na langdin ang ginagawa kong panglinis sa aking katawan. Napangiwi tuloy ako ng maalaala ang ka wirduhan ko. Baka kapag nałaman ng ibang tao na shampoo rin ang ginagamit kong pan sabon sa katawan ay pagtawanan nila at ako sabihin na napaka ignorante.
Ngunit may kinalaman ba dito ang aking pagbubuntis?
Ito ba 'yung tinatawag nilang paglilihi?
Ang weird naman pala talaga.
"Karen, ngayong nagdadalang-tao ka na. Huwag ka sanang mag pagkagutom. Dalawa na kayong nangangailangan ng sustansya ng pagkain. Tandaan mo, huwag na huwag kang magpapa stress sa kakaisip dahil mararamdaman din ng anak mo kung ano ang nararamdaman mo." Paalala ni Senyora Loreta.
"Opo, Lola, tatandaan ko po ang lahat ng mga bilin ninyo," sagot ko naman habang dahan-dahang ngumunguya at nalalasahan ang pagkain.
"Akala mo siguro hindi ko napapansin ang malamig na pakikitungo ninyong dalawa isat-isa ni Simon. Matanda na ako para hindi mapansin ang mga baga-bagay sa paligid 1<0. Papunta pa lang kayo ay pauwi na ako," turan ng Senyora habang nakatingin lamang sa hinihiwa niyang karne.
"Ano PO, Lola?" tanong ko na wari bang nagkamali lamang ako ng narinig.
"Karen, hindi ka mahirap mahalin.
Naniniwala ako na matutunan din ni Simon na mahalin ka. Lalo at magkakaroon na kayong dalawa ng anak. Kaya iha, huwag mo sanang susukuan ang apo ko. Alam kong magiging mabuti kang asawa at nanay ng mga magiging
anak ninyo." Ginagap pa ng Senyora ang aking kamay para pisilin na waring pinapahatid sa akin na mapanatag ako sa anuman ang aking pag-aalinlangan.
"At isa pa iha, huwag mong hahayaang ma-api ka. Hindi na uso ngayon ang pa awa at pamartir na bida. Ang uso ngayon ay mga palabang bida-kontrabida. Kaya naman matuto kang ipagtanggol ang sarili mo at ipaglaban ang karapatan mo. Lalo na ngayon na magkaka-anak ka na. Paano mo ipagtatanggol ang anak mo sa mapanghusgang mundo kung ang mismong sarili mo ay hinahayaan mong apihin ng ibang tao.ll Payo pa ng Senyora na at tumigil sandali para urninom ng tubigsa baso.
"Isa ka ng legal na Sto.Domingo. Kaya naman gusto kong matuto kang lumaban. Akala mo ba hindi nakaratingsa akin ang kung paanong pagsalitaan ka ng kung anu-anong masamang paratangsa lugar natin. Hindi masama ang lumaban hanggat alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang masama at naniniwala akong mabuti kang tao Karen. Natutuwa ako na sa isang responsable at napakabait na babae ko iiwanan ang aking apong si Simon." Dagdag pa ng
Senyora na ipinagpatuloy na ang pagkain.
Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata.
Nakakataba ng puso ang mga sinabi ng Senyora. Nais ko mang itanggi ang kanyang hinala sa amin ng apo nya ay itinikom ko na lamang aking mga labi dahil ayoko na siyang mag-isip pa. Sapat na sa akin ang malaman na naniniwala siya na wala akong ginagawang masama.
Matapos akong mag-bihis ay lumabas na ako ng c.r.
"Ang akala mo siguro ay ganun mo ako kadaling mapapaniwala at mapapaikot?" napahawak pa ako sa tapat ng aking puso ng nagulat sa boses ni Senyorito na nasa labas na pala ng pinto ng c.r.
"A-anong sinasabi mo, Senyorito?" Nagtataka kong tanong.
Turnaas pa ang gilid ng kanyang labi habang mataman akong tinitingnan.
"Ang galing mo rin namang umarte. Bilib na talaga ko sa talento at katalinuhan mo."
"Ha? Ano bang mga sinasabi mo?" nahihiwagaan kong tanong ulit. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi niya.
"Akala mo siguro ganun ko na lamang tatanggapin na ako ang tatay niyang anak mo?
Hindi mo ako maloloko. Hindi ako kasing bait ni
Lola Loreta para mauto mo."
Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa kanyang mga tinuran.
"Senyorito, ano po ba ang sinasabi mo? "Shut Up!" sigaw at pag putol niya sa anumang aking sasabihin.
"Hindi ko nga maalala na nagalaw kita nung gabing magkasama tayo sa kwarto tapos ngayon gusto mo akong paniwalain na ako ang tatay ng dinadala mo? Ah, alam ko na, siguro nagpagalaw ka sa kung sinong boyfriend mo o kahit sinong lalaki mo at siguradong mabubuntis ka para nga naman mapaako mo sa akin. Dahil 'yon talaga ang plano mo, ang pikutin ako at ipaako sakin ang-"
Pak!
Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ni Senyorito lumagapak ang kanan kong kamay. Hindi ko nais manakit ngunit sobra naman ang pananalita at pang iinsulto niya sa sa akin bilang babae.
Na tahimik siya at marahil ay nabigla.
"Marahil ay wala akong naalala sa kung ano man ang nangyari sa atingdalawa ng gabing iyon. Pero huwag na huwag mo akong paratangan ng mga kung anu-anong bagay na
kahit kailan ay hindi ko naisip na gawin." Kuyom ang palad ko habang nagsasalita. Pigil na pigil ko ang galit ko. Nais ko siyang sigawan ngunit nasa kabilang kuwarto lam ang ang Senyora. Ayokong marinig niya ang anumang sigalot sa pagitan namin ni Senyorito Simon.
"Bakit? nainsulto ka ba? Kunwari ay nagmamalinis pero mukha kang pera at desperada.ll Kaswal niyangturan na para bang nakakasiguro siyang ganun akong klase ng babae.
Tinitigan niya ako ng nang uuyam niyang mga mata na parangsinasabi na "hindi ako naniniwala sayo." at saka siya dumukwang at bumulong sa kaliwa kong tenga.
"Hinding-hindi kita matatanggap bilang asawa. Gayundin ang batang sinasabi mong anak 1<0." Saka niya ako nilampasan at isinara ang pintuan ng banyo.
Hindi ako agad makaalis sa kinatatayuan 1<0. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng bawat himaymay ng kalamnan ko sa mga narinig kong pang-iinsulto sa aking pagkatao.
Nais kong umiyak ngunit parang walang luha ang gustong umalpas sa aking mga mata.
Kaya kong tanggapin lahat ng masasakit na salita pero huwag naman sana nyang idamay ang anak ko na hindi ko pa pinapanganak pero kanya ng itinatwa.
Wala sa sariling nakayakap ako sa aking manipis na tiyan.
"Anak, tandaan mo mahal na mahal ka ni Mama kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka rin ni Lola Karina mo gayundin si Lola Senyora. Kaya huwag ka ng malungkot sa mga narinig mo sa Papa mo," bulong ko sa isipan ko habang hinahaplos-haplos ang manipis ko pa na tiyan.
"Tama si Lola Senyora, kelangan ko talagang lumaban hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sayo anak."
 




Chapter 8


"Sir, pwede mo ba akong ibili ng inihaw na manok? lyong nakapwesto sa gilid ng daan tuwing hapon mamayang pag-uwi mo galing sa trabaho? Gustong-gusto ko kasing kumain ng inihaw na manok. Maibibili mo ba ako?" tanong ko kay Senyorito Simon ng makita siyang naghahanda na para pumasok sa trabaho ngayong um aga.
Ewan ko kung bakit naghabilin pa ako kay Senyorito pero bigla na lamang kasing burnuka ang bibig ko at kusang nagsalita ng makita siyang patungo na sa malaking pintuan at palabas na ng bahay para pumasok na sa kanyang opisina. Mula kagabi ay gustong-gusto ko nang kumain ng manok. Pero ang gusto ko ay inihaw na nanggaling mismo sa mga nag iihaw ng manok na matatagpuan sa gilid ngdaan. Basta doon ko gustong manggaling ang gusto kong kainin.
Kapag hindi nagmula roon ay hindi na bale. Ayokong kumain ng ibang Il-Ito ng manok. Basta naramdaman ko na lang na 'yun ang gusto kong kainin. Nangangasim at naglalaway ako kapag nakikita ko sa imahinasyon ko ang manok na dahan-dahang iniikot sa ibabaw ng nagbabagang uling upang maihaw ng husto. Tila naaamoy ko rin ang atsarang gawa sa papaya na kadalasan ay pa give away ng mga nagtitinda dahil lyun daw ang masarap na panghimagas pagkatapos kumain ng inihaw ng manok. Nanubig ang king bagang at lalo akong nagutom.
Hindi ko alam kung narinig ba ni Senyorito ang inihabilin ko sa kanya. Tulad naman kasi ng normal na araw ay hindi man niya naman ako pinapansin o kahit nilingon man lang. Pero may bago pa ba sa bagay na 'yun? Dalawa lang kami  dito sa bahay ngunit hindi man lang kami naguusap. Mayroon na nga kaming kasama sa bahay. Mismong si Senyora Loreta na ang nag-hire para may tagapaglinis na dito sa bahay at ng sa ganun rin ay maalagaan ko ng husto ang aking sarili dahil sa pagbubuntis ko. Stay-out ang aming kasambahay, magsisimula ng alas-otso ng urnaga at uuwi ng ala-singko ng hapon. Kaya naman pagdating sa gabi ay wala na akong nakakausap. Gusto ko san ang gumamit ng cellphone ngunit maging ang wifi password ay hindi ko naman lamang alam kung ano. Ayoko namang magtanong kay Senyorito Simon at baka ma stress lang ako kapag ako ay kanyang sininghalan at pagsabihan ng kung anu-anong mga masamang salita. At isa pa, iniiwasan ko na awayin niya ko sa harap ng aming bagong kasambahay. Ayoko rin naman malaman ng ibang tao kung paano niya ko tratuhin bilang asawa o bilang tao.
Ayoko rin naman magload ng magload dahil baka agad maubos ang pera na hawak ko at hanapin niya ang ibinibigay niyang allowance para sa mga gastusin dito sa bahay at paratangan na naman ako ng mukhang pera o kaya ay naman ay mangungupit ng pera na hindi naman sa akin.
Nagbuntong-hininga na lamang ako.
Paano kaya ang pakiramdam ng naglilihi ka tapos may asawang tagabili ng mga gusto mong pagkain? lyong tipong gigisingin mo siya sa gitna ng hatinggabi para lamang mag hanap ng bukas na tindahan dahil nagugutom ka at may nais kang pagkain na gustong-gusto mong kainin.
Sa tuwing may nais kasi akong pagkain ay ako ang lumalabas para burnili sa palengke. Ayoko rin naman na mag-utos dahil kaya ko namang gawin at isa pa hindi ako sanay na mag-utos lalo pa at para ko ng Nanay si Manang Lorna para utusan ko.
Si Manang Lorna ay ang kasambahay namin. Masipag at pulido magtrabaho sa mga gawaing-bahay. Nakita ko sa galaw niya na sanay na sanay na siyang kumilos kahit pa napakalaki nitong buong bahay. Idagdag pa ang malawak na
bakuran sa labas. Halata sa kulubot na kamay ni Manang Lorna ang kasipagan niya.
Pati sa pananalita ay magalangsi Manang. Ilang beses kong pinapaalala na 'wag niya na akongtawaging "Ma'am Karen" at "Karen" na lang. Halos thirty-years na raw siyang namamasukan bilang kasambahay kaya naman sanay na sanay na siya sa anumang dapat gawin. Ayon pa sa kanya, gusto na raw siyang patigilin ng mga anak at apo niya sa pamamasukan ngunit siya lamang ang ayaw tumigil. Hangga't kaya raw ng katawan ni Manang Lorna ay mamasukan siya kahit pa kaya na siyang buhayin ta pakainin mga anak.
Nakuwento ko na rin ang tungkol sa kalagayan ng Nanay ko kay Manang Lorna. Bigla tuloy nakong nawalan nang sasabihin ng magkomento siyang napakaswerte ko raw at nakapag-asawa ako ng mayaman na binata at sinusuportahan ang pagpapagamot sa ospital ni Nanay.
Kung alam lamang ni Manang angtunay kong kalagayan ay baka mas isipin njiyang mas mapalad siya kaysa sa akin.
liling-iling na lamang ako habang inaalala ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay na mayroon ako.
00 at komportable akong magkuwento ng tungkol sa buhay ko pero maliban sa kung paano ako naging asawa ng isang Simon Sto.Domingo. Ganun pa rin ang kalagayan ni Nanay. Walang pagbabago pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na magigising siya isang araw.
Napapangiti ako sa tuwing iniisip na apat na buwan na lang ay ipapanganak ko na ang aking unang anak.
Napupuno ng galak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang heartbeat nya kapag ako ay nagpapa-checkup sa aking Obygne.
Ngunit mas masaya siguro kung kasama ko Senyorito. Hindi ko kasi maiwasang mainggit sa ibang buntis na nagpapacheck-up dahil kasama nila ang kanikanilang mga asawa na panay ang alalay sa tuwing naglalakad, tatayo o uupo man lang sila.
Samantalang ako pangitingiti lamang habang nakatingin sa kanila.
'Yung tatay kasi ng anak ko halos hangin lang kami para sa kanya. Hindi nga makuha na kamustahin man lang kahit ang anak man lang niya.
Hindi ko pa alam kung ano ang kasarian ng
baby ko ngunit kahit lalaki siya o babae ang importante ay malusog sya.
Madalas akong tawagan ng Senyora para kamustahin Hindi nya naman ako madalaw muli pagkat malayo rin ang lungsod sa aming probinsya. Naiintindihan ko naman sapagkat matanda na siya at marami na rin ang iniindang masakit sa katawan.
Si Senyorito?
Ganun pa rin naman.
Parang wala lang ako dito sa bahay. Kapag mayroon siyang nais sabihin ay dinadaan niya na lamang sa tawag na hindi pa siya ang gurnagawa kundi nag-uutos pa sa kanyang sekretarya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Ngunit urnaasa pa rin ako na balang-araw ay matatanggap niya kahit man lang ang magiging anak niya.
 




Chapter 9


Pasimple pa akongsumilip sa bintana ng hawiin ko ang makapal na kurtina na tumatakip rito. Narito ako sa aking sariling kwarto at matiyagang naghihintay. Mula rito ay tinatanaw ko ang bagong dating na asawa ko. Excited akong salubungin siya para sa inihaw na manok na hinabilin ko sa kanya kaninang umaga. Ngunit maliban sa bag na itim na naglalaman ng kanyang personal laptop ay wala na siyang anuman pa na bitbit. Nawala ang pag-asang inaasam ko. Laglag ang balikat ko sapagkat urnasa talaga akong bibilhan niya ako.
"Baka naman nakalimutan niya lamangsa 100b ng kotse." At muli akong naghintay kung may babalikan ba siya sa kotse kanyang kotse. Ngunit sino ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko mismo. Masyado akong umasa na bibilhan niya ako kahit alam ko naman na wala nga siyang pakialam sa akin at kahit pa sa batang pinagbubuntis ko na siya ang ama.
Maya-maya ay narinig ko na lamang ang pagbubukas at pagsara ng pintuan ng kanyang kwarto.
"Ano pa bang aasahan ko? nausal ko na wari pang nais kung urniyak. Pinipigilan kong huwag urnalpas ang mga luha ko. Aarninin ko, medyo sumama talaga ang loob ko pero ako naman ang may kasalanan. Sana pala ako na ang burnili kaninang maliwanag pa sa daan. Masyado kasi akong urnasa. Naiyak ako angtuluyan, hindi dahil sa tiniis kong gutom sa pag-asang bibilhan niya ako ng inihaw na manok kung hindi dahil sa katotohanan na wala naman talagang siyang pakialam akin at sa batang dinadala ko na anak niya.
Pinahid ko ang mga luhang nagsi- alpas sa aking mga mata. Binuksan ko ang aking cabinet at naghanap ng puwedeng isuot bilang pananggalang sa lamig ng hangin ng gabi sa labas ng bahay. Ako na lamang ang lalabas at maghahanap ng inihaw na manok. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng aking kwarto. Walang ingay akong naglakad kagaya ng isang magnanakaw na takot mahuli. Maingat ko rin na isinara ang gate upang hindi makalikha ng ingay kahit langitngit man lang. Agad kong isinuot ang balabal sa aking katawan ng maramdaman ang malamig na dapyo ng hangin sa aking balat. Pinandungan ko rin ang aking ulo dahil maharnog na. Ayon kasi sa mga naririnig ko dati sa probinsya ay bawal mahamugan ang isang buntis sa gabi.
Nagtanong na lamang ako sa mga guard ng village kung saan kami nakatira kung mayroon silang alam sa malapit na bilihan ng inihaw na manok at magalang naman nilang itinuro sa akin kung saan ang direksyon.
Nagtanong pa nga sila kung bakit ako mismo ang naghahanap gayong buntis ako. Nag boluntaryo pa ang isa sa kanila na siya na lamang daw ang bibili ngunit magalang kung tinanggihan sapagkat alam kung nasa trabaho sila.
"Mr. Sto Domingo, ayan na po pala ang asawa ninyo." Narinig kong sabi ng isa sa mga guwardiya ng malapit na ako sa gate ng village.
Nilingon ko ang kinakausap ng gwardiya. Ganun na lamang ang bumadhang gulat sa mukha ko ng makilala.
Si Senyorito Simon na madilim na madilim ang mukha na nakatingin sa akin habang nasa tenga pa ang cellphone na tila may tinatawagan. Anong ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko ay tulog na siya kaninang tumalilis ako ng bahay.
Naglakad siya patungo sa kanyang kotse na hindi ko napansing nakaparada pala sa harapan ng gate ng Village. Binuksan niya ito ang pintuan
katabi ng drivers seat.
"Sakay." Madiin niyang utos sa akin.
Nagmamadali naman akong sumakay na para bang isa akong batang pinapauwi ng Tatay.
Nagpasalamat siya sa mga gwardya bago siya sumakay sa sasakyan at mabilis na siyang nag maneho pauwi sa bahay.
Tahimik habangtinatahak namin ang daan pauwi ngunit ramdam kong galit siya sa akin. Nakalapat ang kanyang labi. Nakakunot ang noo at salubong ang makapal na kilay.
"Hindi mo ba alam na napaka delikadong lumabas sa gabi!? Boba ka ba o sadyangtanga!? " bulyaw niya agad sa akin ng sakto niyang maisara ang pintuan ng bahay ng parehas na kaming makapasok sa 100b.
Agad naman nangilid ang mga luha ko habang mahigpit ang hawak ko sa plastic na pinaglalagyan ng inihaw na manok na gusto kung kainin.
"Bu-mi-li lang naman ako ng inihaw na manok. Gustong-gusto ko kasing kumain talaga nito. Wala ka naman kasingdala kaya ako na ang bumili," utal-utal kong pangangatwiran.
"Ano bang meron sa pagkain na 'yan at sa darni ng pagkain dito sa 100b ng bahay ay iyan pa talaga ang gusto mo! Baka isipin ng mga taong nakakita sayo diyan sa labas ay ginugutom kita dito sa pamamahay ko! ll Madiin niyang singhal sa akin.
"Pasensya ka na,Senyorito. Hindi na mauulit." Nakayukong paghingi ko ng paumanhin.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil talagang gutom na ako.
"Hindi ko lang alam kung ano ang drama mo at talagang lumabas ka pa ng bahay ng dis-oras ng gabi para sa isang manok?" Asan ba ang utak mo? Naiwan ba sa probinsya?"
Tumingin ako sa kanya kahit nakikita kong pinipigilan niya ng sigawan ako ulit. Bakit ba ko lumabas ng gabi? Hindi ko nga naman naisip na delikado dahil sa nagugutom na talaga ako.
"Heto marahil ang pinaglilihian ko. Nagbilin  kasi ako sayo pero hindi mo naman ako binilhan 11 sabi ko na may himig pagtatampo.
Taas-baba ang adam's apple niya habang nakikinig sa sinabi 1<0. Alam kong may nais siyang sabihin ngunit mas pinili na lamang akong iwanan at nagtuloy na siya sa itaas ng bahay. Nag tuloy naman ako sa kusina at doon kumain.
Ewan ko pero walang ampat sa pagpatak ng luha ko habang panay ang subo ko ng manok.
Naiiyak pa ako sa tuwa dahil sa wakas ay nakabkain na ako ng inihaw na manok o maarin rin na naiiyak ako dahil ni wala naman pakialam sa akin ang asawa ko?
"Busog ka na ba anak? Hayaan mo laging kakain ng marami si Mama para maging malusog ka." Haplos-haplos ko pa ang tiyan ko habang kinakausap ko ang batang malapit ko ng ipanganak.
"Hayaan mo, sa tuwing may gusto kang kainin. Si Mama na lamang ang bibili.
Hinding-hindi na ko magbibilin sa Papa mo kasi lagi namang busy."
"Hindi anak, mahal ka ng Papa mo. Abala kasi siyang tao kaya malamang na nakalimutan niya 'yung pinabibili ko kanina."
Para akong tanga.
Niloloko ko na nga ang sarili ko dinadamay ko pa ang anak ko.
 




Chapter 10


"Nay, kamusta na po kayo dito? Pasensya na po kayo kung hindi na ako araw-araw nakakadalaw para kamustahin ang kalagayan ninyo. Huwag po sana kayong magtampo at magdaramdam. Doble po kasing pag-iingat ang ginagawa ko para po walang mangyaring masama sa akin. Umuulan po kasi nitong mga nakaraang linggo. Mahamog po sa labas at madulas ang mga kalsada. Ayoko naman pong magkasakit o kaya ay baka magkamali ako ng hakbang at bigla na lang po akong madulas kung saan. Alam niyo naman, baka madamay itong apo niyo sa tiyan ko kapag nagkaroon ako ng sipon, lagnat o baka mas malalang mangyari pa roon.ll Habang nagsasalita ay hinahaplos-haplos ko pa ang mahaba-habang kulay itim na itim  buhok ni Nanay. Ganun pa rin ang kanyang kondisyon. Wala pa rin pagbabago sa kabila ng modernong kagamitan na nakakabit sa kanyang katawan. Sa kabila ng mga magagaling at mga dalubhasang mga espesyalista na doktor. Ngunit naniniwala ako na habang buhay ay may pag-asa. Kung kaya naman patuloy lamang ako sa panalangin sa langit na isang araw ay diringgin
Niya ang lahat ng kahilingan ko. Isa na nga roon ang gurnising at gurnaling na sana si Nanay. Nawa'y muli siyang magmulat ng mga mata at muli akongtawagin sa aking pangalan.
Panalangin ko na isang araw ay tatayo na siya dito sa hospital bed at maglalakad na parang nagdahilan lamang kanya. Miss na miss ko na kung paano niya ako pagsabihan kapag may nakikita siyang mali sa ginagawa ko. Sabik na akong marinig ang boses niya at ang taginting ng tawa niya. Sabik na kong makita ang masigla niyang paggalaw lalo na kapag nasa harapan ng mga mahal na mahal niyang mga halaman.
"Nay, malapit na akong manganak. Sobra nga po ang paggalaw sa tiyan ko nitong apo niyo. Paglabas po nito ay baka sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang ikot. Baka kapag nakakalakad na siya ay kung saan-saan na siya makarating. Kung saan-saan ko na siya hahabulin." Nakangiti kong kuwento. Kinuha ko ang kamay ni Nanay at dinala sa aking umbok na tiyan.
"Nararamdaman niyo ba siya, Nay? Alam niya po siguro na narito ako sa inyo at gusto niyang magpasikat. Sobrang excited po siguro ang apo niyo na lumabas at makita na rin ang kanyang Lola. Kaya magpagaling na po kayo, Nay.
Kayo nga dapat ang kasama ko kapag manganganak na ako. Natatakot din kasi po kasi ako.
Ano po ba 'yung pakiramdam ng manganganak na? Totoo po ba na sobrang sakit sa pakiramdam kapag manganganak na? Marami nga pong ipinagbabawal sa akin na gawin at maging sa pagkain. Lalo na si Senyora Loreta panay po ang tawag at pag papaalaala ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Sobrang maalalahanin po ni Senyora, Nay. Itinuturing niya po ako na tunay na apo. Pero talagang kinakabahan po ako sa tuwing iisipin ko na manganganak na ako. Natatakot po ako baka hindi ko kasi kayanin 'yung labor na tinatawag. Baka hindi ko po kayanin umiri. Baka mapaano ang ang anak ko sa tiyan ko kapag hindi ko po siya agad nailabas. Sa palagay niyo ba, Nay ay kaya ko? Paano kung hindi pa ako handang maging Nanay? Paano po kung magkamali ako sa pagkarga sa kanya at mapilayan siya?" mga tanong ko sa aking Nanay.
Sana naman kahit boses ko ay naririnig man lang niya. Madalas kong mapanood sa mga teleserye at pelikula na kapag ang isang tao ay nasa coma ay maaaring gising ang kanyang diwa at naririnig nito ang mga boses ng tao sa kanyang paligid. Kadalasan pa ay gumigisingsa mahabang
pagkatulog na parang wala namang nangyari.
Sana nga ganun din ang mangyari kay Nanay. Gumising siya na parang wala lang ang mga nagdaang panahon na nakaratay siya ng matagal sa higaan.
"Nay, magigising naman po kayo hindi ba? Ang tagal niyo ng natutulog. Hindi po ba nakakapagod matulog? Hindi pa kayo nangangalay ng nakahiga? Hindi po ba ayaw na ayaw ninyong nakahiga lang at walang gin awa maghapon? Hindi niyo man lang nasaksihan na ikasal ako kay Senyorito Simon. Dapat nga po kayo ang katuwang ko lalo na ngayon sa sitwasyon ko. Ang hirap po pala talagang magbuntis, Nay. Mas naiintindihan ko po ang kalagayan ninyo noong panahong dinadala niyo pa ko sa iyong sinapupunan. Maswerte pa nga ho ako dahil may bahay akong masisilungan. May sapat akong pagkain at kung anu-anong mga vitamins at gatas na iniinom para sa sarili ko at sa baby ko. Samantalang kayo noon, halos manlimos na kayo sa lansangan may makain  kang kayo dahil iniisip niyo ang kalagayan ko sa tiyan niyo. Wala rin po kayong matuluyan noon. Kaya iniisip ko ngayon kung paano niyo po ba nakayanan ang lahat ng iyon, Nay? Paano po ninyo nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na kayo lang mag-isa dahil hindi na kayo inuwian ng Tatay 1<0?" Emosyonal kong pagsusumamo at  mga tanong. Alam kong naririnig ako ni Nanay kahit nakapikit siya at hindi gumagalaw.
Nagbuntong-hininga ako habang mataman nakatingin sa kanya. Alam kong may himala. Hanggat naniniwala ako na magigising si Nanay ay hindi ko siya susukuan.
"Nay, sana naman gumising ka na please. Para naman magabayan po ninyo ako sa tamang pagpapalaki sa aking magiging anak na apo ninyo. Alam niyo ba, Nay. Malapit ko ng malaman ang gender niya. Sabi ng doctor na tumitingin sakin sa pagbalik ko sa susunod na linggo malalaman ko na ang kasarian ng baby ko.
Excited na po ko, Nay." Masigla ko pag kuwento. Totoo naman kasi na excited na akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko. Wala naman kaso sa akin kung babae siya o lalaki. Tulad ng panalangin ng maraming magulang. Basta maipanganak ko siya ng normal at malusog ay isa ng malaking biyaya.
Nasa ika pitong buwan na ako ng aking pagbubuntis. Noong una ay ayoko sanang magpa-ultrasound para surprise ang kasarian ng aking anak. Ngunit na excite na rin kasi si Senyora Loreta na malaman ang kung lalaki ba o babae ang unang apo niya sa tuhod. Kaya naman
pinagbigyan ko na. Wala namang masama sa bagay na 'yun. Para alam ko na rin kung anong kulay ng mga darnit at iba pang gamit ang dapat kong bilhin.
 















 




Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url