Fight For My Sons Right Chapter 11-20

  • You Can Use Demo as Registered User :
    user:demo pass:dohdemo


Fight For My Sons Right Chapter 11-20






Written by: KoryanangNegra


Introduction

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁


"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"




Table of  Content

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁












Chapters 11-20

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁




Chapter 11


"Nay. 
Ginagap ko ang kamay ni Nanay at saka dinala sa aking pisngi. Hinalikan ko ito kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Nay, para sa inyo titiisin ko ang lahat.
Magtitiis po akong pakisamahan si Senyorito Simon kahit hindi maganda angtrato niya sa akin nang sa ganun ay manatili kayo dito hanggang sa gumaling kayo. Huwag po kayong mag-alala sa kalagayan ng buhay ko ngayon. Alam niyo naman na lahat kinakaya nitong nag-iisa ninyong anak. Lalo na po ngayon na kailangan niyo talaga ng maconfine dito sa ospital para mamonitor po kayo ng maayos. At saka kailangan ko talagang magpakatatag sa hamon ng buhay dahil magiging Nanay na rin po ako."
"Basta PO, Nay, pangako ninyo sa akin na gigising kayo at hindin po ninyo ako iiwan. Kayang-kaya ninyo 'yan, Nay. Saan pa ba ako magmamana ng katatagan sa buhay kundi sa inyo lang. Kaya huwag na huwag kayong susuko, Nay. Dahil hindi rin ako susuko at hindi rin ako magsasawang tumawag sa Itaas para gumaling
kayo." At lalong bumuhos ang mga luha ko. Dito ko lamang kasi naibulalas ang emosyon ko.
Ayoko sanang urniyak dahil baka makaapekto sa dinadala ko pero sino ba naman ang hindi maiiyak sa sitwasyon 1<0? Urniiyak ako upang mabawasan man lang kahit konti ang bigat na dinadala ko sa akingdibdib.
Nasa coma ang mahal kong Nanay. Ang nag iisang magulang na mayroon ako at ang nag iisang pamilya ko dito sa mundong ibabaw.
Kinasal nga ako sa isang mayamang binata. Marami ang nag-iisip na katulad sa isang fairytale ang kuwento ng love story ko. Isang mahirap na dalaga na ikinasal sa isang maituturing na buhay na prinsipe sa kasalukuyang panahon. Ngunit hindi naman nila alam ang katotohanan.
Katotohanang kung tratuhin naman ako ng aking naging asawa ay parang daig ko pa ang nakakadiring basura. Higit sa lahat at ang hindi ko matanggap ay idinadamay pa ang anak ko na anak niya rin naman.
"Pangako PO, Nay. Magtitiis ako para sayo at sa magiging apo ninyo." Ngumiti ako ng may pait at muling nagpaalam na sa aking Nanay. Matapos kong pasalamatan ang mga Doktor at nurses na nag-aalaga kay Nanay ay urnuwi na rin ako. Madilim na 100b ng kabahayan sapagkat
ginabi na ako sa pag-uwi. Sinabayan pa ng traffic dahil na rin siguro sa malakas na ulan na maghapon na yatang bumubuhos at parang walang planong huminto.
Mabilis kong hinanap sa aking sling bag ang susi ng bahay at agad itong Isinuksok sa seradura ng pinto.
"Nandito na pala ang babaeng sumira ng mga pangarap 1<0." Nagulat pa ko ng biglang may nagsalita ngtuluyan kong mabuksan ang malaking pintuan. Hinanap ko ito at natagpuan si Senyorito Simon na nasa sala at nakaupo sa sa malambot at malaking sofa habang may hawak na baso na may lamang alak. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo at tinahak ang direksyon kung saan ako nakatayo.
"Senyorito, lasing ka na naman pala." Bukod tanging nasabi ko sa kanya dahil napapansin ko na halos gabi-gabi ay umiinom siya ng alak na napakatapang ang annoy. Minsan ko kasing inamoy ang natirang likido sa babasaging baso na kanyang gin amit bago ko hinugasan. Napangiwi pa ang mukha ko dahil sa nakakahilong amoy ng alak. Ewan ko ba, ano ba ang mayroon sa alak at marami ang nahuhumaling na uminom nito? Bukod sa ang sama naman talaga ng lasa ay nakakahilo talaga. Ako nga na inamoy lang
medyo sumama pakiramdam ko. Ano pa kaya sila na halos araw-araw at magdamag na umiinom? "At ano naman ngayon kung Iasing ako? Bakit natatakot ka ba sa maaari kong gawin ulit  sayo?" mabalasik niyang tanong sa akin kasabay ng muli kung naalala kung paano niya ako sinaktan dati. Wari tuloy naramdaman kung muli kung paano ako kinapos ng hangin ng kanya akong sinakal. Naramdaman ko ang paghigpit ng anit ko tulad ng kanyang mahigpit na pagsabunot sa aking buhok.
"Sabagay hindi ka naman matatakot sakin kahit saktan pa kita araw-araw. Alam mo kung bakit?" inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko kaya naman mas lalo kung naamoy ang alak sa kanyang mainit na hininga.
"Dahil makapal ang pagmumukha mo!" asik niyang sabi sa mukha ko.
"Napaka-kapal ng mukha mo! Hindi ka na nakuntento na pinag-aaral ka ng Lola ko at kupkupin kayo sa Hacienda! ll malakas niyang sigaw.
"Utusan, katulong o kasambahay ang Nanay ko sa Hacienda ninyo kaya anuman ang meron kami na galingsa Hacienda ay dahil 'yun sa matapat na paglilingkod ng Nanay 1<0. At isa pa, pinaghirapan kong ipasa ang exam sa university para makakuha ng full scholarship para makapasok doon ng libre." Mahinahon kung sin agot ang mga paratang niya sakin.
"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?" seryoso niyang tanong.
Napa-atras pa ko ng isang hakbang dahil sa lapit ng mukha niya.
"Sinamantala mo na gustong-gusto ka ng Lola ko kaya naman malakas ang loob mong gawin ang nais mo. Alam mo rin siguro ang disgusto ng Lola ko sa girlfriend ko kaya naman mas lalo kang naglakas-loob na pikutin ako. Desperate woman." madiin nya pa kong hinawakan sa braso bago paasik na binitawan. Muntik pa akong mabuwal at matumba.
"May sarili kang opinyon at paniniwala at wala akong magagawa kung mali ang iniisip mo sa pagkatao ko." Malumanay ko pa rin na lahad.
Ngumisi siya.
"At anong pagkatao meron ka? Para sa akin isa kang walang kwenta at mananatiling isang basura!" patuloy niyang pang-iinsulto sa akin.
"Hindi dapat ikaw ang nandito sa mansyon kol Hindi dapat ikaw ang babaeng naririto. SI Daphne dapat! Pero dahil sa kahihiyan na ibinigay ko sa kanya kaya tuluyan niya na akong iniwan! Alam mo ba kung nasaan suya ha? Alam mo ba?! andun sya sa Amerika! At iniwan na ko rito. Kahit anong pagmamakaawa at  pagpapaliwanag ko sa kanya ay hindi niya na ako pinakinggan!" umiigting pa ang kanyang panga habang nagsasalita.
"Iniwan na ako ni Daphne. Iniwan na ko ng babaeng mahal na mahal ko at iyon ay dahil sayo! Lumayas ka na nga sa harapan ko! Dahil baka magdilim ang paningin ko at mawala sa isip ko na buntis ka!" madiin niyang pagtataboy sa akin saka siya burnalik sa pagkakaupo sa sofa at nagsalin muli ng alak sa baso.
Nakatingin lamang ako sa ginagawa niyang pagpapakalunod sa alak.
Ganun niya ba ko kinasusuklaman?
Ang swerte talaga ni Senyorita Daphne.
Bukod sa napakaganda na at napakayaman  ay mahal na mahal pa siya ni Senyorito Mon. "Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan! Lumayas ka sa harapan ko!" nagising ako sa pag-iisip ng bulyawan niya na naman ako ulit. Napansin niya sigurong hindi ako tumitinag sa aking kinatatayuan.
Umalis na lamang ako para wala na akong marinig na anumang masasakit pang salita. "Sana balang-araw maalala ko kung anong nangyari ng gabing yon." bulong ko sa aking sarili.
Napa haplos tuloy ako sa umbok kung tiyan.
"Nak, narinig mo ba ang pinag-usapan namin ng Daddy mo? Huwag mongdibdibin lyun ha. Nagbibiro lang siya. Lambing lang ng Daddy mo 'yun kay Mama." Nakangiti pa ko pang kinakausap ang sanggol sa aking sinapupunan.
 




Chapter 12


"Senyorito!" tawag ko kay Senyorito Simon ng makita ko siyang paakyat sa itaas ng bahay. Marami siyang hawak na mga papeles na marahil ay galing pa sa kanyang opisina at dito niya na Iahat tatapusin sa bahay. Alam kong masyado siyang abalang tao. Ngunit umaasa pa rin ako na bibigyan niya kami ng anak niya ng kahit konting oras.
"Senyorito sandali lang nam an." Tawag kong muli sa kanya. Ngunit tila wala siyang naririnig.
"Senyorito! Senyorito!" patuloy kong paghabol at sinadya kong lakasan ang boses ko upang kanya talagang marinig. Sa lakas ng tinig ko ay bingi na lang siya kung hindi niya pa ako papansinin.
Huminto naman siya sa pinaka gitnang bahagi ng hagdan.
"What?!" matigas niyang tanong at halata sa mukha ang ang pagka inissa akin ng ako ay kanyang marahas ng lingunin.
Ngunit binalewala ko lamang 'yun at pilit na ngumiti at pinasigla pa ang aking himig.
"Senyorito, schedule ko ngayon ng
ultrasound para malaman na ang gender ng baby natin. Samahan mo naman ako. Lagi ka ngang hinahanap ng doktor na tumitingin sa akin. Ang bilin niya ay isama raw kita kahit ngayon araw lang na ito." Masigla kong lahad dahil nga sabik  na sabik na rin naman ako sa kung anong kasarian mayroon ang anak ko. Lalaki ba o babae ang pinagbubuntis 1<0. Ang una kong anak. Ang pakakamahalin kong anak. Mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal ni Nanay sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti niya.
Wala akong mabasang anumang pagkasabik na reaksyon mula sa mukha ni Senyorito Simon. Nakatingin lamang siya at nakinig sa aking sinabi.
"Senyorito, hihintayin kitang matapos diyan sa mga gagawin mo," sabi ko sabay gawi ng aking mga mata sa mga papel na kanyang hawak.
"Sa palagay mo naman ay ba sasamahan kita sa kabaliwan mong Yan?" naging seryoso niyangtanong.
"Wala akong pakialam kung lalaki o babae man ang pinagbubuntis mo. Dahil unang-una hindi ko anak yan. Pangalawa, hindi kita kailanman matatanggap bilang asawa ko at lalong-lalo na ang magkaroon pa ako sayo ng anak.ll madiin niyang dugtong at saka niya ako
tinalikuran at mabilis na humakbangsa itaas ng hagdan.
"Senyorito, hihintayin kita. Mamamaya pa namang alas diyes ang schedule ko. Kaya alas nueve pa naman naman ang alis ko. Hihintayin kita kahit hanggang alas nueve y media." Pahabol ko ulit na parang hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi sa akin kani-kanina lang.
Muli naman siyang huminto sa paghakbang.
"Sabi mo nakapasa ka bilang scholar. Ibig sabihin matalino ka? Bakit hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin? Simple lang naman, wala akong pakialam diyan sa pinagbubuntis mol. Kaya huwag ka ng umasa na sasamahan kita sa kung saang impyerno ka pupunta.ll Muli niyang asik sa akin.
Hindi ako magpapatalo. Anak niya ang ipinagbubuntis ko. Kahit ilang ulit niya pang itatwa.
"Senyorito, hindi ka ba napapagod sa pagtanggi sa anak mo? Sa anak natin? Kahit anong galit ang gawin mo sa akin ay hindi na magbabago ang katotohanan na asawa mo ako at anak mo ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Kahit ilang beses mo pang itanggi ay wala ka ng magagawa. Kaya tanggapin mo na at samahan mo na ako sa clinic." Mahinahon kong patutsada
sa kanya.
Turnaas angsulok ng itaas na labi ni Senyorito Simon. Tila balewala rin naman sa kanya aking mga sinabi.
"Ibabalik ko ang tanong mo. Ikaw hindi ka ba napapagod sa pagpapanggap na santa? Wala naman si Lola Loreta rito para magpanggap ka. Hubarin mo na ang mapanlinlang mong maskara at ipakita mo kung ano ka talaga. Kung sino ka talaga at kung ano talaga ang tunay mong kulay. Wag ka ng mahiya dahil tayong dalawa lang naman dito."
Ang talas ng kanyang pananalita. Akala mo ay matagal na kaming magkakilala sa mga paratangniya.
"Kung makapagsalita ka ay parang kilalang-kilala mo ang pagkatao ko? Parang siguradong-sigurado ka na sa kung sino ako? Sa pagkakaalam ko sa sarili ko ay hindi ako ganun na klase ng tao. Hindi ako mapagpanggap at [along wala akong dapat na hubarin na maskara dahil totoo ako." Sagot ko naman din sa mahinahon din na tinig.
"Talaga ba? Kaya pala kung anu-anong balita ang nabalitaan ko sa mga tauhan ng hacienda tungkol sayo at sa pagkatao mo."
"Tauhan ng hacienda? Ano naman ang alam
nila sa akin at ano namang klase ng balita kanilang alam tungkol sa akin. Bahay at eskwelahan lang ang buhay ko at paminsan-minsan ay nagpupunta ako hacienda kapag kailangan ni Nanay ang tulong 1<0. Kaya ano ang maaaring alam ng mga tao sa hacienda tungkol sa akin?" naguguluhan kong tanong sa aking isip.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo Senyorito. Lalong-lalo na sa mga sinasabi ng mga tauhan ng hacienda tungkol sa akin. Dahil alam ko sa sarili kong wala akong gin agawang masama." Pilit kong pagtatanggol sa aking sarili.
"Syempre ganyan ang isasagot mo. Pero itatak mo sa isipan mo na kahit anong gawin. Wala akong pakialam sa inyo ng magiging anak mo kahit maglaho pa kayong dalawa." Mga iniwang salita ni Senyorito Simon bago ko narinig ang malakas na pagsara ng pintuan ng kanyang kwarto.
Parang sinaksak ako ng libo-libong kutsilyo. Ramdam ko ang sakit na tumagos sa bawat himaymay ng kalamnan ko. Ang kirot na pumipintig at nagdudulot ng pananakit ng aking dibdib. Uminit ang sulok ngdalawa kong mata ngunit tumingala ako sa itaas ng puting kisame upang ibalik ang pagbagsak ng nagbabadya ng
luha.
Gusto kong umiyak pero pilit kong pinigilan. Pilit kong iwinawaksi ang pakiramdam ng pagkabigo. Pilit kong iniisip na ayos lang ang lahat. Walang problema at pasasaan ba at magiging mabait rin ang ama ng batang aking dinadala.
Hilaw akong ngumiti.
Nag buntong-hininga ako ng ilang ulit upang lumuwag ang aking naninikip na pakiramdam.
"Ayos lang ako. Ayos lang ako.' Paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko.
"Kaya ko to. Kaya mo ang lahat ng ito, Karen. Huwag kang susuko. Kaya mo naman mag-isang magpa-ultrasounds diba?" bulong at pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Batid ko kasing nararamdaman ng aking anak ang anumang emosyon at damdamin na mayroon ako. Ayokong maramdaman niya na hindi siya tanggap. Kaya naman inaral ko sa aking sarili ang maging manhid.
Ang balewalain na lamang ang kanyang mga pang-iinsulto sa aking pagkatao at maging sa akinganak.
Sa sarili niya rin na anak.
 

 


Chapter 13


Wala pang alas diyes ng urnaga ay nakarating na ako ng clinic ni Dra. Clemente. Tulad ng inaasahan, karamihan na naman sa mga buntis na katulad kong magpa pacheck-up ngayong araw ay kasama ang kanilang mga kanya-kanyang asawa. At tulad din ng nakagawian ko, nagpunta ako sa isang sulok kung saan naroon ang pinakadulong upuan at doon tahimik na urnupo. Baka kasi may magtanong kung nasaan ang asawa ko at mataranta akong sumagot. llang ulit ko na kasing sinabi na nasa trabaho ang asawa ko sa tuwing may nagtatanong sa akin.
Kanina bago ko urnalis ng bahay ay naghintay ako hanggang pumatak ang alas nueve y media. Kagaya ng sinabi ko kay Senyorito
Simon ay hihintayin ko siya para samahan ako. Ngunit ano nga ba ang aasahan. Naghintay ako sa wala. Para akong tanga na tingin ng tingin sa itaas hagdan at umaasang siya ay bababa ng bakabihis at sasamahan ako dito ngayon sa clinic.
"Mrs. Karen Sto.Domingo."
Napaigtad pa ako biglang marinig ang
pagtawag sa aking pangalan. Dahil kilala na rin ako ng mabait na babaeng sekretarya ni Dra. Clemente ay napagawi na siya sa direksyon kung nasaan ako.
"Ma'am, kayo na po angsusunod. Halina na po kayo clito sa 100b." Magalang niyang pagyaya sa akin at bahagya pang iniawang ang kanina ay nakapinid na pintuan ng opisina ni Doktora.
Bigla akong dinuggol ng kaba. Nanlalamig ang aking pakiramdam. Gusto kong magpunta ng banyo na hindi ko mawari. Ganito ba ang pakiramdam ng isang Nanay na malalaman na ang kasarian ng kanyang dala-dalang anak? Nakakakaba?
Inayos ko aking sling bag bago ako dahan-dahan na tumayo at lumakad papasok sa silid kung nasaan si Doktora.
"Good Morning PO, Doc." Pagbati ko.
"Good morning Mrs. Sto.Domingo.ll Ganti naman niyang pagbati at saka tumagos sa likuran ko ang kanyang mga mata at tila may hinahanap. "Wala ka pa rin kasama? Nasaan si Mr. Sto.Domingo?" kunot-noo na tanong ni Doktora na kagaya parin ng dati angsuot. Puting uniporme at may nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg habang ang kanyang name template ay nasa kaliwang dibdib.
"Nakalimutan ko ho na sabihin sa kanya. Madalas po kasi talagang maaga siyang umaalis at kapag UmUWi naman po ng bahay sa hapon ay pagod na pagod na." pagdadahilan ko na lang. Ewan ko na lang din kong bilhin pa ni Doktora ang alibi ko gayong paulit-ulit na lang na parang sirang plaka.
Matapos ang ilang mga katanungan ay pinahiga na ako ni Doktora sa isang higaan na katulad ng sa hospital bed. Doon lang din matatagpuan sa kanyang opisina ngunit may kurtina na kulay dark green na sadyang ginawang harang upang magkaroon ng privacy. Maraming aparato ang nakapaligid sa higaan. Pinababa ni Doktora ang aking suot na kulay itim na leggins hanggang sa pinaka ibaba ng aking puson. May ipinahid siyang parang lotion sa ibabaw ng aking malaking tiyan. Mayroon siyang aparato na kinuha at saka inilapat sa akingtiyan habang nakatingin sa isang monitor.
Maingay na katulad ng isang television na walang signal ang naririnig kong ingay. Isang malabong pigura na black and white na tila gumagalaw ang nakikita ko naman sa monitor na malapit sa aking paanan.
"Mrs.Sto.Domingo, eto na ang anak mo.
Nakikita mo ba 'yang nasa monitor? Siya na 'yan." Muli akongtumingin sa monitor.
Kung kanina ay para akong mahihimatay sa kaba. Ngayon naman ay waring may anghel na humaplos sa aking puso ng marinig ang sinabi ni Doktora.
Bagamat hindi ko naman lubusang alam kung ano nga ba ang nakikita ko sa sinabi niyang monitor ay napangiti ako sapagkat siguradong hayun na ang anak ko.
"Boy po ba or girl? " excited kong tanong.
"Well, matutuwa ang Senyora Loreta nito dahil sigurado na ang susunod na salinlahi ng kanyang pamilya. Congratulations! iha, it's a boy! 
Nanlaki pa ang mga mata ko sa naibulalas ni Doktora.
Boy?
Lalaki ang una kong anak. Hindi ko maiwasang napaluha sa sobrang saya.
Lalong hindi ko mapangalanan ang pinaghalong saya at pagkasabik na aking nararamdaman.
"At okay naman ang kanyang lagay sa 100b ng tiyan mo." Dagdag pa ng Doktora.
llang sandali pa niyang inilapat sa aking tiyan ang hawak niyang bagay bago ako binigyan ng tissue upang punasan ang lotion o gel na kanyang inilagay sa aking tiyan kanina.
"Ipagpatuloy mo lam ang ang pag-inom ng mga vitamins." Bilin ni Doktora habang nagsusulat ng reseta ng mga vitamins na aking iinumin. Nakaupo na ko ngayon sa upuan tapat ng lamesa ni Doktora. Naririnig ko siyang nagsasalita ngunit lutang pa ako sa saya na nararamdaman dahil nalaman ko na ang kasarian ng aking unang anak.
"Sa lahat naman ng first time magka-baby ay si Mr. Sto.Domingo ang parang hindi excited. Wala ka man lang kasama na nag punta ka rito? Delikado sa gaya mo na buntis ang naglalakad ng mag-isa. Baka kung ano ang mangyari sayo ay hindi ka agad maisugod sa ospital." may himig na pag-alala sa boses ng mabait Doktora.
"Busy po talaga ang asawa ko sa trabaho. Ayoko naman po siyang abalahin pa dahil marami na po siyang iniisip. Gusto ko rin po kasi siyang sorpresahin." Pagtatahi ko ng dahilan.
Totoo naman na abala na tao si Senyorito Simon. 'Yun nga lang, kapag ang isangtao ay mahalaga at mahal mo. Kahit gaano pa karami ang ginagawa mo ay iiwan mo para mabigyan ng oras. Hindi kami mahalaga sa kanya. Kaya hindi niya kami binibigyan ng importansya.
"Heto ang mga kailangan mo pang vitamins.” Inabot sa akin ni Doktora ang reseta. "Salamat po Doktora, alis na rin po ko.” Magalang kong pagpapasalamat at pamamaalam.
Tumayo na rin si Dra.Clemente ng tumayo ako.
"Mag-ingat ka sa   Karen. Pakaingatan mo ang anak mo dahil siya ang kasalukuyang tagapagmana ng mga St0*Domingo at ipaabot mo ang masayang pagbati ko sa buong pamilya mo. Lalong-lalo na kay Senyora Loreta.” Pahabol na bilin ni Doktora.
Ngumiti ako at maga[ang na sumagot ng "opo.ll Ngunit may halong pait.
"Tagapagmana? Mula't-mula nga ay hindi siya tinatanggap na anak ni Senyorito Simon na kanyang ama. Maging tagapagmana pa kaya? At isa pay walang halaga sa akin kung tagapagmana man ang anak ko o hindi. Ang maha[ag sa ngayon ay maipanganak ko siya ng maayos at ligtas,ll sabi ko sa aking isipan.
Tumuloy ako sa pribadong kwarto ni Nanay.
"Nay, lalaki po ang unang apo ninyo.” Masaya ko pang niladlad ang resulta ng aking ultrasounds at ipinakita ang larawan ng aking anak kay Nanay na nananatiling nakapikit lamang.
"Heto po siya, Nay." Inilapit ko pa sa mukha ni Nanay ang ultrasounds na hawak ko.
"Excited na po ko, Nay! Ano po kaya ang itsura ng anak ko? Kamukha ko kaya o kamukha ni Senyorito? Sana kamukha na lamang ni Senyorito para siguradong gwapo." Kinikilig pa ako habang ini imagine ang gwapong mukha ng senyorito na maging kamukha ng aking anak.
Iniisip ko rin na baka magbago na ang isip ni Senyorito kapag nalaman niyang magkakaroon na siya ng Junior. Kaya naman matapos lamang ang ilang sandali ay nagpaalam na ko kay Nanay. Excited na akong ipaalam kay Senyorito ang kasarian ng aming unang anak.
 




Chapter 14


Sabik na sabik akong urnuwi ng bahay. Hindi maalis-alis ang malapad na ngiti sa aking labi. Gusto kong mag tatalon o kaya ay mag sisigaw sa sobrang saya na aking nararamdaman. Magiging Nanay na ako at isang sanggol na lalaki ang magiging panganay ko. May lalaki na sa pamilya namin dahil pareho kaming babae ni Nanay. Halos takbuhin ko ang 100b ng bahay ng bumababa na ako sa Taxi ng aking sinakyan  pauwi. Mabuti na lamang at flat shoes ang gamit kong sapatos at hindi ako natapilok. Pagpasok ko ay nabungaran ko na naman na paakyat sa itaas ng hagdan si Senyorito Simon. Nagmadali na naman akong lumakad at hindi alintana ang malaki kong tiyan para siya ay abutan bago makapasok sa kanyang silid.
"Senyorito Simon!" malakas kong pagtawag na may halong galak sa aking boses.
"Nakapagpa-ultrasounds na ako!" masaya kong sabi na tila hindi narinig ang mga sinabi  niya kaninang urnaga ng banggitin kong nais ko sanang magpasama sa kanya sa ospital.
Tumigil naman siya sa kanyang paghakbang
at pahitamad akong nilingon.
"So?! " sarkastiko niyangtanong at saka muling humakbang paitaas ng hagdan.
Dahil makulit ako at gusto ko talagang ipagduldulan sa kanya na anak niya ang batang na sa sinapupunan ko. Humabol ako sa kanya at nagmamadaling umakyat din ng hagdan.
"Heto 'yung ultrasounds ko. Dali tingnan mo naman." Pamimilit ko sa kanya ng naabutan ko. Iwinagayway ko pa sa harapan niya ang ultrasounds na hawak 1<0. Ngunit hindi man lang niya tinapunan kahit isang sulyap at nagtuloy-tuloy lamang siya sa pag-akyat ng hindi ako pinapansin.
Ngunit ayoko talagang magpatalo.
Sinundan ko pa rin siya kahit nahihirapan na akong humakbang dahil sa dobleng bigat na dinadala ko. Una ang bigat ng sarili kong katawan at ang bigat ng anak ko sa loob ng aking malaking tiyan. Nang maabutan kong muli si Senyorito Simon ay agad akong humawak sa kanyang kanang braso upang hindi hindi siya agad makaalis.
"Ano ba! ll mabalasik niyang bulyaw sa akin at marahas niyang inalis ang pagkakapit ng kamay ko sa kanyang braso na dahilan para mawalan ako ng balanse.
Hindi napaghandaan ng aking katawan na ganun ang kanyang magiging reaksyon sa aking paghawak. Kaya naman nawalan ako ng panimbang at tuluyang nabuwal sa hagdan.
Mabilis akong nagpagulong-gulong.
Naghanap ang kamay ko ng makakapitan ngunit sadyang wala akong mahanap at sa isang iglap ay tuluyan akong bumulusok hanggang sa unang baitang ng hagdan.
"Karen! Karen!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Senyorito sa buong kabahayan sa magkasunod niyang pagtawag sa aking pangalan. Maririnigdin ang kanyang nagmamad aling yabag habang bumababa para ako ay saklolohan.
Nahihilo ang pakiramdam ko habang masakit ang aking malaking tiyan na akin ng sapo sa dalawa kong palad. Waring may kumikirot ngunit hindi ko pa matukoy kung saan banda.
"Karen!" muling tawag sa pangalan ko ni Senyorito ng siya ay tuluyang makababa.
Nagmamadali niya akong dinaluhan.
Kita ko sa kanyang gwapo at madalas na seryosong mukha ang tunay na pag aalaala sa nangyari sa akin. Agad niya akong binuhat tulad ng sa buhat sa isang bagong kasal at saka siya nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Senyorito, si baby baka napano na siya?
Ang taas ng baitang kung saan ako nadulas. Sumasakit angtiyan 1<0. May kumikirot at napakasakit." Puno na ng luha ang aking mga mata dahil sa pag-aalala sa pwedeng maging kalagayang ng anak 1<0.
Paano kung may masamang mangyari sa anak 1<0?
Paano kung mawala siya?
Paano kung mamatay siya?
Punong-puno ng mga nakakatakot na katanungan ang aking isipan. Halo-halong emosyon na ang aking nararamdaman. Takot, pagkalito, pagkabalisa at kung anu-anong negatibong pangyayari ang nakikita ko sa aking imahinasyon.
Naramdaman ko naman na maingat akong pinaupo ni Senyorito sa 100b ng kanyang sasakyan. Sa harap niya ako inilagay at maingat niya akong nilagyan ng seatbelt. Hindi siya nagsasalita habang nagmamadali sa lahat ng kilos.
Lalo akong nahihilo dala ng aking pagkahulog. Lumalala na rin ang sakit na aking
nararamdaman sa akingtiyan at balakang.
"Ang sakit-ahhhh!" hindi ko na napigilan na hindi dumaing sa nararamdamang sakit.
"Dadalhin na kita sa pinakamalapit na ospital." Narinig kong sabi niya at mabilis na pinapaandar ang kanyang mamahaling kotse. Hindi ko napansin na nabuksan niya na pala ang gate.
"You're bleeding!"
"Ha?" naguguluhan kong tanong at sinundan kung saan nakatingin si Senyorito Simon.
Sa aking binti.
Sa aking binti na may umaagos na dugo.
Agad akong urniwas ng tingin. Ayokong makita ang buhay na dugo na umaagos mula sa akin.
"Dinudugo ako? Diyos ko, Panginoon, huwag naman PO. Huwag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa anak ko. Baka hindi ko na kayanin. Huwag naman po sana." Taimtim kong panalangin habang nakapikit ang aking mga mata.
" Just hold on. Bibilisan ko pa ang pagmamaneho," wika ni Senyorito Simon habang sa harap na ng sasakyan nakatingin. Panay din ang kanyang pag busina ng malakas sa bawat nakakasalubongnamin.
Natataranta na ba si Senyorito Simon sa pwedeng mangyari sa kanyang anak?
Naghihingalo na ba ako at anu-ano na ang iniisip ko.
Ngunit habang lumilipas ang oras ay patindi na ng patindi ang sakit na aking nararamdaman. Waring hindi ko na kaya. Daing na ako ng daing sa sakit. Hindi na ako mapakali ngunit pinipigilan kong kumilos dahil baka lalong mapahamak ang anak ko sa 100b ng aking sinapupunan.
Makalipas pa ang ilang minuto ay huminto ang aming sasakyan. Maya-maya ay binuksan na ni Senyorito Simon ang pintuan ng sasakyan at kanya na akong pinangkong muli.
"Sir, dito PO." May mga naririnig na akong boses sa paligid. Waring nagkakagulo sila. Ngunit parang nawawalan na ako ng lakas para imulat pa ang aking mga mata. Marahil ay nasa emergency na kami ng isang ospital.
"llang buwan na siyang buntis, Sir? Kayo po ba ang asawa? Bakit po siya dinugo?" sunod-sunod na mga tanong.
"1 1 m not sure. Maybe six to seven months.
Bakit ba angdami ninyongtanong?! Pwede bang
unahin at asikasuhin na muna ninyo ang pasyente! Hindi niyo ba nakikita na dinudugo  galit na sagot ni Senyorito Simon sa sinumang nagtatanong.
Hindi na malinaw sa akin kung ano pa ang kanilang pinag usapan dahil may mga lumapit na sa akin upang ako ay gamutin.
Maya-maya pa ay ipinasok na ako sa isang kwarto. Ngunit naging blangko na sa akin ang mga surnunod na pangyayari.
 




Chapter 15


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata na inaantok pa.
Malabo ang anag-ag na aking nakikita.
Muli akong pumikit at muling nagmulat.
Kumurap-kurap ako.
Paulit-ulit kong ginawa hanggang sa masanay na ang paningin ko sa liwanag sa paligid.
Kulay puti.
Puting kisame at puting ilaw.
Nasaan ako? Naguguluhan kongtanongsa aking isipan.
Sigurado akong hindi ito ang kwarto kong gar-nit. Kulay pink ang kulay ng pintura ng silid ko at hindi kulay puti.
At saka bakit parang amoy gamot na parang amoy alcohol na hindi ko mawari?
Nasaan ba ako?
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may mga maalaalang tagpo sa aking isipan. Naging malinaw sa alaala ko ang lahat. Mula sa pagpapa
ultrasounds ko hanggang sa aksidente akong mahulog sa mataas na baitang na bahagi ng hagdan. Naalala ko kung paano sumakit ang akingtiyan.
Kung paano ako dinugo at itinakbo sa ospital.
Tama na sa ospital ako.
Naramdaman kong may kumikirot sa isang bahagi ng aking tiyan sa ginawa kong pagkilos.
"Iha, huwag kang basta kumilos baka bumuka angtahi mo." Si Senyora Loreta ang nagsalita.
Anong baka bumuka angtahi?
Oonga pala.
Na caesarean ako.
Kailangan na raw kunin ang sanggol sa sinapupunan ko dahil delikado na kung siya ay mananatili pa ng matagal sa 100b ng katawan ko.
Ang anak ko.
Bigla akong napaluha ng maisip ko ang aking kaawa-awang anak.
"Senyora, ang baby ko PO?" Agad kong nagingtanong. Hindi ko pa kabuwanan. Kaya hindi pa siya dapat ipanganak. Kulang na kulang siya sa buwan.
"Huwag ka ng mag-alala ligtas ang baby mo, iha. Ayos ang anak mongsi Santino. Napaka gwapong bata at sigurado akong paglaki niya ay kamukhang-kamukha siya ng Papa niya." Nakangiting sagot ng Senyora sa aking katanungan.
Gurnaan ang pakiramdam ko ng malaman na ayos lang ang kalagayan ng anak ko.
Santino?
Santino ang pangalan ng anak 1<0?
Ang gandang pangalan.
Bagay na bagay sa isang anghel.
Malamang si Senyora ang nagbigay ng magandang pangalan kanyang apo.
"Pe-pero hindi ko pa po kabuwanan? Okay lang po ba siya? Baka po kulang ang mga daliri niya? Baka hindi pa buo ang mga organ niya? Nasan po siya? " nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanp ang anak ko. Akma pa akong baba sa higaan ng mabilis akong pigilan ni Senyora Loreta.
"Karen, iha, huminahon ka. Ligtas ang anak mo. Kumpleto ang bahagi ng katawan niya. Kailangan niya lang munang manatili sa incubator dahil nga sa kulang pa siya sa buwan.
Pero maniwala ka, malakas at matapang ang anak mo. Kaya makakayanan niyang mabuhay." ginagap ni Senyora ang kamay ko at niyakap ako. Hinaplos-haplos pa niya ang aking likod upang ako ay mapakalma.
"Malakas ang anak mo iha, parang ikaw. Kaya ang dapat mong gawin ay magpalakas din ng sa ganoon ay mapuntahan mo siya. Pero sa ngayon ay mahina ka pa. Kaya dapat ay magpahinga at magpalakas ka ulit. Higit sa lahat, manalangin lagi tayo sa mabilis na recovery ni Santino." Mangiyak-ngiyak si Senyora Loreta habang nagsasalita.
"Pe-pero Senyora. 
"Lola." Pagputol ni Senyora sa sasabihin ko. "Nakalimutan mo na ba na Lola mo na ako?
Ayoko ng tinatawag mo akong Senyora. Maliwanag ba Karen?"
Turnango-tango ako bilang tugon sa mga sinabi ng mabait na matanda.
"Na-nasaan po si Senyorito Simon?"
Iniwas ko ang aking mga mata kay Senyora upang hindi niya mabasa ang anurnan na nararamdaman ko sa kanyang apo.
"Umuwi na muna iha, pinag pahinga ko na rin. Wala pa siyang tulog at puno ng dugo ang kanyang suot na damit. Ayaw nga niyang urnuwi
pero pinilit ko na rin."
"G-ganun po ba?" tanging nasambit ko. Waring ayokong maniwala.
"Hindi ko na itatanong kung ano ang nangyari. Kung bakit naaksidente ka at umabot sa panganganak mo ng wala sa oras. Ipinagtapat na sa akin ni Simon kung bakit ka nadulas sa hagdan. " May pait sa himig ng Senyora at mabigat na nag buntong-hininga.
Natigilan ako.
Sinabi kaya ni Senyorito ang katotohanan?
"Humingi siya ng tawad dahil aminado siyang kasalanan niya ang lahat. Pasensya ka na, iha. Hindi ko na palaki ng maayos si Simon. Ako na ang humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga pagkukulang. " Malungkot na wika ng Senyora.
Naluha ako.
Hindi langdahil sa muntik na akong mawalan ng anak. Naluluha rin ako dahil sa lungkot na aking nasisilayan sa mga mata ni Senyora Loreta.
"Lola, huwag po kayong humingi ng tawad  sa akin dahil wala po kayong masamang ginawa kailanman," wika ko naman.
Sumilay ang ngiti sa labi ng Senyora. Ngiting
may halong pait.
"Malalampasan din natin ang pagsubok na ito, Karen. Maiuuwi rin natin agad si Santino sa bahay. Kaya dapat na paghandaan mo ang mga dapat mong gawin. Kailangan mo ng pag-aralan kung paano siya alagaan."
"Opo, Lola, ngayon pa lang ho ay nasasabik na akong alagaan siya. Sabik ko na siyang kargahin at ihele po sa aking kandungan.ll Matapat kong tugon kay Senyora.
"Naniniwala akong magiging mabuti kang Ina, Karen. Maayos kang napalaki ng Nanay mo sa kabila ng mag-isa lamang siya sa buhay habang ikaw ay lumalaki."
Napangiti ako.
"Ngunit sa ngayon ay hindi mo pa pwedeng kargahin si Santino. Baka bumuka ang tahi mo. Kaya magpagaling ka na muna. Pihong napaka kulit at napaka likot ng apo ko dahil lalaki." Hinaluan pa ni Senyora ng pagtawa ang kanyang sinabi.
Marami nga ang nagsasabi na malikot ang batang lalaki kumpara sa batang babae.
Ngunit kahit gaano pa kalikot o kakulit ang anak ko ay anak ko siya. Gusto ko na siyang puntahan kung saan man siya naroon. Gusto ko
siyang sulyapan kahit saglit lang.
Ang anak ko.
Ano kaya ang kanyang itsura?
Totoo kaya na kamukha niya sa kanyang paglaki ang kanyang Papa?
Papa?
Si Senyorito Simon.
Sapat na ba ang paghingi niya ngtawad? Muntik kaming mamatay ng anak ko ng dahil sa kanya.
Muntik ng mawala si Santino ng dahil sa walang puso niyang ama.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at pumikt ng mariin upang tapusin na ang aking pagluha at pag-alala sa kung anu-anong negatibo. Nakita ko sa aking balintataw si Nanay.
Hindi ako pwedeng burnitaw .
Para kay Nanay.
At ngayon nga ay para na rin sa anak 1<0.
Si Santino.
 




Chapter 16


Nakauwi ako ng bahay galing sa ospital ngunit hindi ko kasama si Santino. Ayon sa doktor, kailangan pa na obserbahan ng mabutl ang kalusugan ng anak ko. Bago naman ako umuwi ay nasilip ko siya. Umiyak ako ng umiyak habang pinagmamasdan siya sa malinaw na salamin na nagsisilbing harang ng silid niya. Awang-awa ako sa anak ko. Napakaliit niya ngunit kung anu-anong aparato ang nakadikit sa katawan niya. Ayokong sanang urnuwi at iwan siya sa ospital ngunit kinakain ako lalo ng lungkot pag iniisip kong ilang hakbang lang ang pagitan naming mag-ina. Kaya labagman sa kalooban ko ay mas pinili ko ng umuwi. Sinubsob ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga kung anu-anong libro tungkol sa tam ang pag-aala ng sanggol. Pati sa youtube ay halos limasin ko ang lahat ng mga video tutorial. Paulit-ulit kong pinapanood kung paano buhatin ang bagong panganak na sanggol.
Kung paano ang tam ang pagpapaligo, pagdadamit, paglagay sa crib at kung anu-ano pang mga bagay basta tungkol sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi rin ako nag mimintis sa pag-inom  ng mga vitamins upang magbalik ang lakas ko.
Hindi ko rin nakalimutan urninom ng gamot para sa mabilisang paghilom ng sugat ko sa tiyan kung saan kinuha ang anak ko. Maliit na pahalang na tahi sa ibabang bahagi ng aking ang puson ang maingat kong nililinis araw-araw.
Matapos ang isang buwan na pananatili ni Santino sa ospital. At lumabas na sa pagsusuri ng mga doctor na kaya na ng katawan niya ang mabuhay ng walang kung anu-anong aparato sa katawan ay inalis na ito sa kanya.
Sa wakas, matapos ang isang buwan naming paghihintay ay naiuwi na namin siya sa mansyon ng kanyang Papa. Hindi rin umuwi si Senyora sa probinsya hanggat hindi niya natitiyak na ligtas ako at ang kanyang unang apo sa tuhod. Giliw na giliw siya sa sanggol na palagi lamang tulog. Waring isang anghel na natutulog.
Kamingdalawa ni Senyora Loreta ang sumundo kay Santino sa ospital.
Hindi ko mapangalanan ang nag-uumapaw  na saya ng ibigay na siya sa akin. Ingat na ingat ko siyang kinarga sa aking kandungan. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko na nahahawakan ko na siya. Kailan lang ay sa ultrasounds ko lang siya nakikita. Sa 100b lamang ngtiyan ko nararamdaman ang kanyang pagkilos. Ngunit heto na siya, karga ko na. Nakikita ko na at
nahahawakan.
"Sigurado akong tuwang-tuwa ang aking namayapang asawa, ang papa at mama ni Simon kung saan man Sila naroroon ngayon dahil mayroon na silang napaka-gwapong apo.
Malamang din na inggit na inggit Sila sa akin dahil naririto ako at inaalagaan ang munting anghel na natutulog. "masayang lahad ng Senyora habang pinagmamasdan si Santino na natutulog sa kulay asul niyang crib.
Agad na nagpagawa si Senyora Loreta ng sariling kwarto ang aking anak. Kulay baby blue ang kulay ng pintura at maging ang lahat ng mga bagong garnit sa loob nito. Mula sa mga bagong damit hanggangsa mga laruan na matagal pa sigurong masusuoot at malalaro ni Santino.
"Bueno iha, paano ba to? Ayoko man umalis pero magpapaalam na ako. Kailangan ko sa hacienda. Nauunawaan mo naman siguro na kailangan ako ng mga tao roon." Malungkot na pagpapaalam ni Senyora. Kung ako ang masusunod ay ayoko siyang umalis. Kung pwede nga lang ay sumama na rin kami ni baby Santino sa kanya pauwi sa hacienda.
Simula ng makauwi ako rito sa bahay ng makapanganak ako ay hindi pa kami nagkikita ni Senyorito Simon. Hindi ako nagtatanong kung nasaan siya. Hindi ko alam kung urnuuwi siya dito dahil lagi lang naman ako dito sa 100b ng kwarto.
Sa totoo lang, ayoko na muna siyang makita.
Sariwa pa sa akin ang sakit na siya ang dahilan kung bakit nalagay kami ni Santino sa tiyak na kapahamakan. Siya ang dahilan kung bakit agad kung bakit kahit kulang pa sa buwan ay kinailangan ng alisin sa sinapupunan ko si Santino. Siya ang dahilan kung bakit sa nanatili pa sa ospital ang kaawa-awa kung anak.
Gusto ko sanang surnama na lang kay
Senyora sa pag-uwi ngunit paano naman si Nanay?
Napakalayo ng hacienda clito sa lungsod.
"Karen, alagaan mong mabuti ang sarili mo ha? Lalong-lalong na ang anghel kong si Santino.ll
"Opo, Lola, aalagaan kong mabuti si Santino at wag po kayong mag-alala. Maghihilom din po ang sugat ko."nakangiti ko namang tugon.
"Lola, salamat nga po pala sa pangalan ni Santino. Napakaganda po ang ibinigay ninyong pangalan. Ang totoo po wala talaga akong maisip na pwedeng ipangalan sa kanya."
Ngumiti ang Senyora sa akin.
"Hindi naman ako ang nagbigay ng pangalan kay Santino kundi mismong si Simon.
Ang Papa niya ang nagbigay ng pangalan niya. Hindi ko na lang naitanong kay Simon kung saan niya kinuha ang Santino. Malamang na baka isinunod niya na lamang sa kanyang pangalan.ll
Medyo nagulat ako sa nalaman. Hindi ko talaga sukat akalain na hindi pala si Senyora ang nagbigay ng pangalan kay Santino.
Si Senyorito Simon pala.
Siya pala ang nagbigay ng pangalan sa anak
Sa anak namin.
Tanggap niya na ba ang anak naming dalawa?
Tanggap niya na ba si Santino?
"Paano Karen, tutuloy na ako. 'Yung mga bilin ko sayo wag na wag mong kakalimutan. Alagaan mong mabuti si Santino at wag na wag kang magpapa-api kay Simon. Lumaban ka dahil na sayo ang lahat ng karapatan at ibinibigay kong lahat sayo ang lahat ng karapatan. Legal ka niyang asawa at ina ng kanyang anak. Kaya magpakatatag ka, Karen. Marami pang darating na pagsubok ngunit alam kung kayang-kaya mong lampasan ang lahat ng 'yon." bulong sa akin ng Senyora ng niyakap nya ko.
Gumawi din siya sa crib kung nasaan
payapang natutulog ang aking anak.
Hinaplos niya ang ulo nito at ngumiti.
"Mamimis ko ng sobra ang anghel na ito.
Mahal na mahal kita, apo ko.l' huling sinabi ni Senyora bago namin nilisan ang kwarto ni Santino.
Hinatid ko siya hanggang sa makalabas ng gate ang kotse na kanyang sinasakyan. Malungkot ko siyang tin atanaw hanggang sa hindi ko na makita.
Parang pakiramdam ko nag-iisa na naman ako.
Si Nanay hindi ko tiyak kung kailan muling gigising.
Habang si Senyora naman ay kailangan magbalik sa aming probinsya.
Wala na naman akong kaibigan.
At ang asawa ko?
Hindi naman asawa ang turingsa akin. Hanggang ngayon ay hindi man lamang sinisilip ang aming kalagayan.
Hindi man lamang kakikitaan ng pagkasabik sa anak niya.
Niyakap ko ang aking sarili saka tumingala sa langit.
Pumikit ako at urnusal ng panalangin.
Makaya ko sana ang bagong yugto ng buhay ko.
Isang mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago pumasok ng mansyon.
 




Chapter 17


"Senyorito, narito ka na pala. " Humakbang ako papalapit kay Senyorito Simon ng mamataan ko siyang pumasok sa 100b ng bahay.
Tamang-tama naman na [alabas kami ni Santino para siya ay aking paarawan sa magandang sikat ng araw ngayon. Alas-syete pa lang ng umaga at tamang-tama lamang sa balat ang init.
"Mabuti naman at umuwi ka na." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umaakto ako na parang walang masamang nangyari ng huli kaming magkausap. Gayun na muntik na kaming mapahamak na mag-ina.
Halos magdadalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Sa hatinggabi ay lihim din akong naghihintay kong darating siya ngunit wala talaga. Hindi talaga siya urnuuwi.
Minsan naman na nabanggit ni Senyora noong naririto pa siya na nasa isang business trip sa labas ng bansa si Senyorito Simon. Malamang na totoo at ngayon lang siya nakauwi galing sa kung saang bansa siya galing.
Tumigil naman siya sa paglalakad at bumalingsa amin ng kanyang anak.
"Tingnan mo si Santino, ang anak mo. Hindi ba kay bilis niyang lumaki. Kita mo 'yung pisngi  niya ang umbok na. Tumataba na rin siya hindi ba? ll sabay haplos ko pa sa mamula-mulang pisngi ng aking anak na tulog na tulog habang aking karga.
Tiningnan naman ni Senyorito ang anak. Pero agad din namang turnalikod at wala man  n aging kumento.
"Hindi mo man lamang ba ka kamustahin ang anak mo? Hindi mo man lang ba siya ka kargahin? ll pahabol kong sabi sa aking asawa.
Huminto siyang muli sa paglalakad.
"Buhatin mo naman ang anak mo at alam mo tama ang sinasabi nila na nakakatanggal ng pagod kapag may anak ka na." Lumapit ako sa kanya at inaabot si Santino.
Mataman langsiyang nakatingin sa akin at hindi kumikilos kahit inaabot ko na sa kanya ang kanyang anak.
"Hindi ko talaga alam kung saan ba nanggaling ang kakapalan ng mukha mo para ipa-angkin sa akin bilang anak ang batang 'yan." Madiin niyang sabi.
Medyo nagulat ako ngunit hindi ko pinahalata.
Binalewala ko na lamang ang narinig at pilit pa rin akong ngumingiti.
"Ang Daddy mo Santino, kung anu-ano ang sinasabi." Baling kong sabi sa aking anak na natutulog.
"Kahit anong gawin mo. Hinding-hindi ko matatanggap ang batang 'yan bilang anak ko. Una pa lang ay nilinaw ko na sayo ngunit sadyang makapal ang mukha mo.ll Mabalasik niyang sabi sa akin habant iniiwasan tumaas ang kanyang tinig.
Sumakit ang puso ko sinabi nya pero ayokong umiyak at makita na naman niya ang kahinaan ko. Hinding-hindi ako papayag na itatwa niya si Santino.
"Pagod ka na siguro kaya kung anu-ano na ang sinasabi mo? Mabuti pa siguro ay magpahinga ka na at saka muna lang kargahin ang anak mo." malumanay kong pananalita.
"Bingi kaba?! Tanga?! Anong hindi mo naiintindihan?" Bulyaw niya sa mukha ko. Mukhang nagulat maging si Santino sa kanyang sigaw kaya naman pumalahaw ng iyak ang kawawa kung anak.
"Sshhhh..shhhh...tahan na anak.. 11 pagpapatahan ko at hinehele-hele pa ang humihikbingsi Santino.
Tila natilgilan din naman si Senyorito Simon sa kanyang biglaang pagsigaw.
"Kung hindi mo ko matanggap bilang asawa mo. Hindi naman ako maka papayag na balewalain mo ang anak ko na anak mo rin." Balewalang saad ko at patuloy lamang sa paghehele.
"Gawin mo kung anong nais mo pero itatak mo diyan sa utak mo na kahit anong gawin at sabihin mo. Hinding-hindi kita kikilalanin bilang asawa dahil alam ko lang naman ang habol mo sa akin. Ang pera ko hindi ba? Ang kayamanang meron ako pantustos sa pagpapagamot sa Nanay mo na hanggang ngayon ay hindi pa gumigising at gusto mo pang ariin ko ang anak mo na hindi ko alam kung paano nabuo?!" asik niyang litanya. "Kahit nasa katinuan ako ay hinding-hindi ko sisipingan ang klase ng babaeng gaya mo." dagdag pa niyang pang-iinsulto sa akin.
Tumingin ako sa mukha niya ng diretso. "Isipin mo na ang gustong mong isipin.
Insultuhin mo na ang buong pagkatao ko. Pero hinding-hindi mo ko mapipigilan bilang Ina ng anak ko na ipagpilitan na ikaw ang Tatay niya." Madiin ko rin namang wika at matapang na sinalubong ang matalim niyang pagtitig sa akin.
"At hinding-hindi mo rin ako mapipilit.'l Muli
niya rin sagot sa mabalasik na mukha.
"Bakit hindi mo ipa-DNA test ang dugo ng anak 1<0?" suhestiyon ko.
Napangisi si Senyorito Simon sa narinig.
"At talagang hinahamon mo pa ako? Hindi ba't mas nakakainsulto sa pagkatao mo ang malaman na angsarili mong asawa at itinuturo mong ama 'I kuno" ng anak mo ay magsasagawa ng DNA test para matiyak kung ako nga ba ang tatay ng anak mo?"
Alam kong malaking insulto sa aking pagkatao kung magsagawa ng DNA test sa pagitan ni Senyorito at ng aming anak ngunit kung iyon lang din ang paraan para matanggap niya si Santino ay handa kong tanggapin kahit malaman man ng ibangtao. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Basta ipaglalaban ko ang aking anak. Ang karapatan ng aking anak .
Higit sa lahat.
Gusto ko ng pagtanggap.
Ang tanggapin ni Senyorito Simon si Santino bilang anak.
"Nakakainsulto? Hindi ba't matagal mo na akong iniinsulto? Pinaparatangan ng mga pagbibintangna hindi alam kung ano ba ang tunay kong pagkatao. Maaring masama ako sa
paningin mo pero hindi mo naman alam kung ano nga angtunay na ako dahil nabubulag ka ng galit mo," bigkas ko sa mahinahong tono ng boses.
"Puwede bang tantanan mo ko riyan sa drama mo! Kung wala kang pakialam sa mga sinasabi ko, pwes patas lang tayo dahil wala rin akong pakialam sayo. Lalong-lalo na riyan sa anak mo! ll mariin niyang salita bago kame iwanan ni Santino. Dinig ko pa ang malakas ng pagsara ng pintuan ng kwarto niya sa itaas. Binalingan ko ang sanggol na nasa aking bisig.
"Santino, anak ko. Huwag kang mag-alala kahit anong gawin ng Papa mo. Hinding-hindi niya ako mapapasuko. Ngayon pa ba na narito ka na anak. Kayong dalawa ni Nanay ang sandigan ko anak ko. Kaya sabihan mo 'yung guardian angel mo na gisingin na si Nanay Karina," bulong ko kay Santino na ngumi-ngiti pa habang mahimbing sa pagtulog.
"Tandaan mo anak ko ipaglalaban ka ni Mama sa Papa mo hanggang sa matanggap ka niya."
 




Chapter 18


"Mabilis na po siyang nakakadapa at gum agapang, Lola. At tama po talaga ang sin abi ninyo na malikot siya kapag lumaki. Dahil ngayon pa lang po ay napakalikot niya na. Kaya hindi ko na po siya itinatabi sa akin kapag ako ay natutulog. Baka po kasi mahulog siya sa kama ng hindi ko namamalayan. Napaka gutumin din po niya, Lola. Maya l t- maya po ay dumedede.ll masaya kong mga kwento Kay Senyora Loreta.
Tuwang-tuwa naman ang mabait na Senyora habang navivideocall kami at pinapanood niya ang mga ginagawa ni Santino na nasa apat na buwan na at napakabilis ng gumapang.
"Ang likot-likot na nga ng baby na 'yan.
Napaka gwapo na manang-mana sa Papa niya. Santino apo 1<0, si Mamita ito." Tawag ng Senyora sa apo niya. Tila nakakaintindi naman na tumingin sa screen ng cellphone si Santino. Pagkakita niya sa mabait na Senyora ay bumungisngis siya at tuwang-tuwa ng makita ang mukha ng mabait niyang Mamita.
Ikinawag-kawag pa niya ang ang kanyang maliliit na braso habang maingay na ipinapadyak naman
ang mga paa.
Mamita ang nais itawag ni Senyora sa kanya ni Santino. Ayaw niya raw mg Lola dahil 'yun na angtawag namin sa kanya. Kaya ngayon pa lang ay sinasanay ko ang anak ko na naririnig ang salitang Mamita.
"Tuwang-tuwa po siya Lola, kilalang-kilala niya na po ang boses ninyo." Natutuwa rin ako sa pagka bibo ni Santino. Lagi siyang nakangiti kapag kinakausap. Animo ay naiintindihan niya kung sinuman angsa kanya ay nakikipag usap.
Halos araw-araw naman kaming mag video call ni Senyora kaya naman hindi na nakapagtataka na kilala siya ni Santino. Lagi kamingtinatawagan ni Senyora sa araw-araw. Hindi raw kumpleto ang araw niya na hindi nakikita ang apo niya sa tuhod. Mahal na mahal niya ang anak ko at labis kong pinasasalamatan sa Maykapal ang bagay na 'yun.
Mas kilala pa nga ng anak ko ang kanyang Mamita kaysa sa sarili niyang ama. Madalang lang sa patak ng Lilan umuwi si Senyorito Simon dito sa bahay. Matutulog lango kaya naman ay may kukunin lang na garnit. Hindi rin siya nagtatagal na para bang napapaso dito sa 100b ng bahay. Kinakamusta ko naman siya ngunit sumasagot lang siya ng pabalang at kung minsan naman ay hindi ako pinapansin. Pinapapadama niya talaga na wala siyang pakialam sa kanyang anak na siya namang ikinalulungkot ko. Kung sanang ako na lang ang kanyang binabalewala at hindi dinadamay si Santino. Kahit sulyapan man ang kanyang anak ay hindi niya ginagawa. Madalas ay nasa business trip daw siya sa labas ng bansa. Hindi ko alam kung trabaho nga ba ang dahilan ng pag-alis niya ng bansa o pinupuntahan niya lamang ang babaeng tunay niyang mahal.
Si Senyorita Daphne na kasalukuyang din na nasa ibang bansa. Siguro ay doon sila lihim na nagkikita at nagsasama. Doon nga naman ay malayo at hindi malalaman ni Senyora Loreta.
Masakit man sa kalooban na ang lalaking aking pinakasalan at ama ng aking anak ay may ibang minamahal ay pilit ko na lamang binabalewala. Ayoko ng mag-isip ng mga kung anu-anong negatibong bagay dahil narito naman at kasama ko si Santino na isa na sa dahilan kung bakit ako nabubuhay at lumalaban. Binabalewala ko na lang ang kaisipang pinagtataksilan ako ng sarili kong asawa dahil wala naman akong magagawa. Matanda na siya at alam niya na kung ano ang tama at mali. Hindi ko na kailangan ipaalala sa kanya kung ano na ang estado niya at hindi ko na rin kailangan sabihin na asawa niya na ako at may anak na kami. Alam naman niya
siguro ang d apat gawin ng isang taong pamilyado na.
Kung sabagay.
Ano nga ba ang laban namin ni Santino kay
Senyorita Daphne? Siya angtunay na mahal ni Senyorito Simon. Siya ang nobya bago pa ako pumasok sa eksena ngwala akong alam. Siya ang dapat narito sa bahay at hindi ako.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Baliktarin man ang mundo ay hindi na mag-iiba ang katotohanan at ang kasalukuyan.
Ano naman kung hindi niya na kami uwian ni Santino dito sa bahay?
Ano naman ngayon kung mas mahal niya si Senyorita Daphne kaysa sa amin na mag-ina niya?
Hindi ko dapat ikabahala ang bagay na 'yun.
Ako naman ang asawa.
Ang Ina ng kanyang anak.
Kami ng anak ko ang legal niyang pamilya kahit anong gawin niya.
Mas lamang sa akin ang kaisipang anurnan ang mangyari ngayon o sa hinaharap ay ako at ang anak ko ang nakaka-angat sa lahat ng estado. Dahil sa mata ng tao at ng Diyos, kami ni Santino ang mas may karapatan sa kanya at sa lahat-lahat
ng meron siya.
Sige lang, kung tama nga ang hinala kong lihim silang nagkikita sa ibang bansa ni Senyorita Daphne ay mag-enjoy lang sila.
Sino ba ang nagkakasala? Ako ba? Ako ba ang tatawaging taksil?
Pero hindi nila ako maapektuhan.
Kaya kung inaakala ni Senyorito Simon na malungkot ako sa setup namin bilang mag-asawa at bilang isang pamilya. Pwes, siya ang dapat mastress sa akin dahil hinding-hindi ko basta isusuko kung ano ang karapatang na meron ako lalong-lalo na para sa anak ko. Ipaglalaban ko hanggat sa kaya 1<0. Titiisin kong marinig ang mga patutsada laban sa pagkatao 1<0. Magtitiis ako dahil isa na akong Ina. Kailangan ng anak kong si Santino ng isang Ina na proprotekta sa kanya.
Kung ako lumaki ng wala man lang kinilalang ama. Hindi ko naman papayagan na mangyari rin kay Santino ang parehas na kapalaran ko. Ang lumaking parang may kulang sa pagkatao dahil sa wala man langtatay na matatawag. Hindi nakaramdam ng pagmamahal galing sa isang tatay. Lihim akong naiinggit sa mga kalaro ko noong bata pa ako dahil may mga tatay sila. Kapag hapon o kaya ay pagabi na.
Darating na ang mga tatay nila galing sa trabaho.
Tuwang-tuwa silang lahat at nagtatakbuhan para salubungin ang kani-kanilang Tatay. Samantalang ako, nakatingin sa kanila at nangangarap na sana ako rin. Sana may Tatay din ako na darating at sasalubungin.
Alam mo 'yung pakiramdam na parang may kulang? Parang hungkag? 'Yung hindi buo? Waring may nawawalang parte sa katauhan mo na hindi mo naman matukoy kung ano?
 




Chapter 19


Nagtataka akong nag palinga-linga sa bahay ng mabungaran ang mga garnit sa sala. Tinanong ko agad si Manang kung kanino ang mga maleta at iba pang paper bags na may mga tatak ng branded na mga gamit. Nakatulog kasi kame ni
Santino matapos kaming kumain ng tanghalian. Anong oras na rin kasing natulog si Santino kagabi kung kaya pareho kaming puyat.
Pagdating ng madaling araw ay nagising na siya at hindi na natulog at naglaro na lang. Hindi talaga biro ang puyatan at tiyaga kapag may baby ka na. Kahit antok na antok pa ang mga mata ko ay pilit ko pa rin na iminumulat.
"Karen, dumating si Senyorito Simon kanina. Hindi ba tumuloy sa kwarto ninyo? ll sagot ni Manang. Waringtumalon ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Manang Lorna. Hindi ako sanay na Senyorita ang tawag sa akin kaya pinagpilitan kung Karen lamang kung ako ay kanyang tatawagin.
Walang alam si Manang Lorna kung anong klaseng relasyon meron kami Senyorito Simon. Mabuti na nga lamang at may isang Manang
Lorna na narito sa bahay. Siya ang gurnagabay sa akin kung paano ang tamang pag-aasikaso kay Santino. Iba rin kasi ang aktwal na itinuturo kaysa sa binabasa ko lang o pinapanood sa social media. Inalok naman ako ni Senyora Loreta na kung gusto ko raw ikuha ng Yaya si Santino para may kapalitan ako sa pag-aalaga ngunit tinanggihan 1<0. Nais kung ako mismo ang personal na mag-aasikaso at gagabay sa sarili kong an ak 1<0.
"Siguro po ay hindi niya na kami inistorbo ni Santino dahil po tulog na tulog pa kaming mag-ina. Hindi ko nga po namalayan na dumating na pala siya dahil po sa himbing na himbing talaga ako. Anong oras na rin po kasing natulog si Santino. Kanina naman po ay maaga siyang nagising." Palusot ko na lamang na sagot kay Manang.
Mukhang naniwala naman ang mabait naming kasama sa bahay at ipinagpatuloy na lang ang pagliligpit ng mga gamit sa kusina. "Manang." Muli kong paglapit kay Manang Lorna.
"Sige na PO, puwede na po muna kayong umuwi at magpahinga muna sa bahay ninyo." Magiliw kung sabi sa kanya. Sadya ko talagang hindi pinapapasok dito sa bahay si Manang kapag
narito si Seyorito Simon. Pinapauwl ko agad siya para na rin kung sakaling sigawan at awayin ako ng aking asawa ay hindi niya maririnig. Mahirap na rin at baka makarating kay Senyora Loreta. Ayokong sasama ang 100b ng mabait na Mamita ni Santino.
Ako ang personal na nagluluto kapag narito sa bahay si Senyorito. Kahit hindi niya naman ako itinuturing na asawa ay magandang gampanan ko pa rin ang tungkulin ng isang maybahay. Nagluto ako ng potserong baboy na alam kung isa sa mga paborito niyang ulam.
"Gutom ka na ba? Ipaghahain na kita. Kanina pa ako nakapag luto ng hapunan." Tanong at imporma ko kay Senyorito Simon na kagagaling sa itaas ng bahay. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nagpunta lang siya sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig na nasa plastic bottle. Naghain na lang ako ng pagkain sa lamesa kahit walangtugon na narinig.
Urnupo naman siya sa pinaka sentrong upuan ng dining table at nagsimulang nag sandok ng kanin at ulam.
Nais ko sana siyang bantayan habang kumakain dahil baka may kailangan pa siya ngunit mas prayoridad ko ang anak kong naglalaro ng tahimik sa kanyang crib.
Parang gusto kong umiyak.
Hindi man lamangtapunan ng kahit pahapyaw na sulyap ni Senyorito Simon ang kanyang anak.
Tumingala na lamang ako sa itaas para pigilan ang nagbabadyang luha na nais na naman kumawala sa aking mga mata.
Maya-maya pa ay natapos Senyorito sa pagkain. Urninom muna siya ngdalawang basong tubig at saka tumayo.
"Pwedeng paki bantayan mo muna si Santino? Ligpitin ko lang ang mga pinagkainan mo." Mahinahon kong pakiusap sa kanya.
Marahas siyang tumingin sa akin.
"At ano namang palagay mo sa akin? Yaya ng anak mo?" madiin niyang wika.
"Anak mo rin siya." Sagot ko sa mahinahon pa rin na tinig.
Tumawa siya ng pagak.
"Mag-ilusyon ka hanggat gusto mo. Pero hinding-hindi ko magiging anak ang anak mol" sikmat niya habang nanlilisik ang mga mata at umigting ang panga.
"Paulit-ulit mo man akong insultuhin ay hindi na magbabago ang katotohanan. Ikaw ang tatay ni Santino kahit anong gawin mong pagtanggi." Ganti ko naman na sagot.
"Kung hindi lang malalaman ni Lola. Magsasagawa ako ng DNA TEST para masampal ko sa makapal mong mukha ang kasinungalingan mo. Pero dahil nabilog muna ang ulo ng Lola ko kaya inunahan niya na ako tungkol sa DNA TEST!" asik niya.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Senyorito. Baka sayo maisampal ang katotohanan na sinasabi mo." Hindi na rin talaga ako mag papaaawat na magsalita.
Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.
"Napansin kong tumapang ka? Bakit kaya? Ah, alam ko na. Dahil ba alam mong mas kakampihan ka ng Lola kaysa sa akin na tunay niyang ako? ll paratang niya.
"Kapag nagsagawa ako ng DNA TEST tiyak na magagalit at sasama ang 100b ni Lola kaya hahayaan ko na lang muna ang ilusyong pilit mong pinapaniwala sa lahat ng tao lalong-lalo na kay Lola. Pero ako?" Tinuro niya ang sarili garnit ang kanyang hintuturo.ll Hinding-hindi mo mabibilog ang ulo 1<0. Hinding-hindi ko kikilalanin na anak ang sinasabi mong anak ko,11 sabi niya na itunuro rin ang kinalalagyan ni Santino.
"Isang babae lang ang pinangarap kong
maging Ina ng mga anak ko at si Daphne lang 'yun. Walang iba lalo na ang isang ilusyunada na desperada na mukhang perang gaya mol" saka niya padarag na itinulak ang plato at binagsak ang tinidor at kutsara na ginamit niya sa pagakain. Halos matumba rin ang bangko na kanyang inupuan ng siya ay biglang tumayo at malalaking hakbang na iniwan kami sa dining area.
Napatingin ako sa anak ko na nakatingin lang din sa akin habang nakasubo ang teether na hugis paa na kanyang hawak-hawak.
"Santino, behave ka lang anak ha. Ligpitin lang ni Mama 'tong mga pinagkainan ng Papa mo," turan ko sa anak ko na tila naintindihan ang sinabi ko at ngumiti rin kahit tulo [away ang laway sa walang sawang pagngatngat ng laruan.
Masarap pala talaga maging isang Ina. Kahit gusto mo ng maiyak sa sama ng 100b pero isang ngiti lang ng anak mo napapawi na lahat.
 




Chapter 20


"Hello! My dearest Sister-in-law!"
Medyo nagulat pa ako ng mabungaran si Senyorita Selene na prente at elegante na nakaupo sa sofa sa sala. Galing kasi kami sa likod ng mansyon at doon kami nag pahangin ni Santino.
"Hi! Senyorita." Kimi kong pagbating pabalik sa kanya. Hindi ko kasi alam kong paano siya pakikitunguhan lalo at nagulat ako na magpupunta siya rito ngayon.
"Gusto mo ba ng maiinom? Tubig, kape, juice? Nagugutom ka ba?" aligaga kong mga tanong.
"Don't bother. Hindi ako nauuhaw at [along nagugutom." Balewalang sagot niya saka ngumiti ng pinagmasdan si Santino.
"Oh! Santino right?" tanong niya habang nakatingin sa karga-karga kong anak na matamangdin na nakatingin sa kapatid ng kanyang ama. Tila kinikilala ang bagong dating at ngayon niya lang nakita ang mukha.
"Santino, come here my baby. " Pagtawag ni
Senyorita Selene habang itinaas ang dalawang kamay upang kunin si Santino. Sa pagkamangha ko ay sumama naman si Santino sa kanya ng kunin niya ito sa mga bisig ko. Palibhasa hindi pa naman marunong mangilala si Santino kaya agad surnama o pwede rin naman naramdaman niya na magkadugo silang dalawa.
"You know me baby? Kilala mo ba kung sino ako, ha?" tanong ni Senyorita Selene kay Santino na nakangiti habang hinahaplos ng maliliit na kamay ang makinis na mukha ng Tiyahin.
Niyakap naman ni Senyorita si Santino at pinugpug ng halik ang pamangkin. Tuwang-tuwa naman ang anak ko na tila nakikiliti sa ginagawa ng kanyang Tiyahin.
Akala ko pa naman ay baka magingsi Senyorita Selene ay ayaw kay Santino. Alam ko kasing bestfriend niya si Senyorita Daphne at isa rin siya sa galit dahil sa biglaan kong pag eksena sa relasyon ng kanyang kuya at matalik na kaibigan.
"Sorry, naman baby ko. Ngayon lang nakauwi si Tita Selene. " Muli niyang pinagahahalikan si Santino na panay ang hagikgik at tawa.
" Tama si Lola, napaka cute mo naman talaga. Love na love kita." Hindi pa napigilan ni
Senyorita na pisilin ang pisngi at ang matangos na ilong ng pamangkin. Giliw na giliw talaga siya sa anak ko. Wala akong makitang pagkukunwari sa kanyang kilos. Gustong-gusto niya talaga si Santino sa nakikita ko.
"You know what? Maraming pasalubong sayo si Tita." May kinuha si Selene sa isa sa mga paper bags na nakalapag sa carpeted na sahig ng sala. Maraming paper bags at siguradong libo-libo ang presyo ng mga bagay na nakasilid doon.
"This is for you baby." Isang ternong kulay asul na damit at short na tatak branded ang kinuha niya sa 100b ng paper bag. At parang nakakaintindi na talaga si Santino dahil pumapalakpak pa habang nakatingin sa darnit na pasalubong sa kanya. Nagustuhan niya siguro at nagpapasalamat sa Tiyahin.
"Ah! ah! Hindi lang ito ang pasalubong ni Tita sayo. Marami pa like toys, shoes and books." Inaabot ng anak ko ang hawak na laruan ni Senyorita Selene na isang single motorbike na galing din sa isa sa mga paper bags na dala niya. "You like this?" tanong niya sa pamangkin at agad inabot kay Santino ang hawak niyang laruan. "Kapag big boy ka na baby. I will buy the most expensive motorbike just for you." sabay halik sa namimintog na pisngi ni Santino.
"Oh! Don't call me, Tita. I want you to call me Mommy. Mommy Selene ang itawag mo sa akin,
Mommy?
Okay.
Mama naman ang itatawag sa akin ni
Santino kapag marunong na siyang magsalita. Para namang matagal na silang magkakilala samantalang ngayon lang sila nagkita at nagbonding.
Marunong palang makipaglaro ang hipag ko sa baby. Kung susuriin mo kasi ay wala sa sosyal na gaya niya ang maging magiliw lalo na sa isang batang makulit.
Lukso ng dugo ba ang tawag doon?
Bakit 'yung mismong ama ni Santino hindi nararamdaman kung anurnan ang meron sa lukso ng dugo na 'yun?
"Sorry, Karen wala akong pasalubong sayo. Alam ko naman kasing hindi tayo pareho ng taste sa kahit anong bagay. Alangan namang magpunta ako sa crowded na palengke at makipag siksikan sa mga tao just to buy you a cheap clothes diba?" nakangiti pa siya habang nagsasalita at nakatingin sa akin. 'Yung ngiting alam mong peke at mapang-insulto.
Nag buntong-hininga ako at saka pilit din ngumiti at sumagot.
"Okay lang, Senyorita. Ang maalala mo si Santino ay lubos na ang pasasalamat 1<0. Maraming salamat sa mga pasalubong mo sa kanya. Salamat rin at gusto mo siya." Taos sa puso kong sabi. Hindi katulad ng pakikisama niya sa akin ang kung paano niya tratuhin ang anak ko na pamangkin niya.
Alam kong walang halong kaplastikan ang pinaparamdam niyang pagmamahal at tuwa sa pagkakaroon ng isang pamangkin.
"And by the way may mga pasalubongdin ako para kay Kuya Simon. Tiyak matutuwa ang kapatid ko kapag nakita niya ang magazine na 'to."
Iniladlad ni Senyorita Selene ang magazine na hawak upang makita ko ng mabuti. Wala sa 100b ko naman na sinulyapan.
At ang cover lang naman ng magazine ay walang iba kundi ang babaeng mahal na mahal ni Senyorito Simon.
Si Senyorita Daphne na napakaganda, sexy at elegante sa suot niyang kulay itim na darnit at nakalantad ang maputi, makinis na balikat at  braso habang may hawak na mamahaling bag.
Napakaganda nga naman niya.
"Nakakainggit ang bestfriend ko hindi ba? Maganda na, napaka sexy pa. Kung kaya naman hindi nakapagtataka na maging sikat siya agad bilang modelo sa sa New York." Pag bibida ng hipag ko sa kanyang matalik na kaibigan at dating nobya ng kuya niya. Alam ko naman na gusto niya akong insultuhin. Pinapamukha niya sa akin na walang-wala ako kung ikukumpara kay Senyorita Daphne.
Alam ko rin naman na wala akong laban  kahit pa sa dulo ng buhok ng kanyang matalik na kaibigan. Sino ba naman ako? Marangal naman ang trabaho ni nanay bilang kasambahay sa mansyon ay hindi pa rin maikakaila na isa lang naman talaga akong hamak na tagasilbi rin sa kanilang mayayaman. Ngunit ganun pa man, pinalaki ako ni Nanay na dapat makuntento sa simpleng buhay na meron kami. Payo niya rin na huwag na huwag akong maiinggit kung ano ang meron sa iba dahil isa 'yung malaking kasalanan.
 















 




Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url