Fight For My Sons Right Chapter 21-30
Written by: KoryanangNegra
Introduction
▃▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁
"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"
Table of Content
▃▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁
Chapters 21-30
▃▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁
Chapter 21
"Ayoko ng ipakita kay Kuya ang ibang mga pictures ni Daphne sa isang photoshoot ng isang sikat na lingerie. Baka kasi magwala si Kuya sa sobrang sexy ng girlfriend niya. Possessive pa naman masyado ang kuya ko. Masyado siyang istrikto lalo na kapag ang usapan ay si Daphne. Sabagay, sa ganda ba naman ng kaibigan ko ay dapat lang na bakuran ng husto ni Kuya." Patuloy niyang kwento na parang hindi niya kilala kung sino ako sa buhay ng kuya niya. Para bang pinamumukha niya sa akin na wala akong halaga at balewala lang.
"Oppss!" sabay takip niya sa kanyang bibig na waring may nasabing hindi kanais-nais.
"Sorry, Karen, asawa mo na nga pala si Kuya.
Nakalimutan ko kasi sa bilis ng mga pangyayari.
Kailan lang kasi ay masaya pa kanilang relasyon Sina kuya Simon at Daphne hanggang sa sumama ka sa eksena. At saka mukha ka kasing yaya lang nitong cute na cute kong pamangkin." maarte niya pang wika habang diniinan pa ang mga salitang "yaya
"Siguro naman ay hindi ka napipikon sa mga sinasabi ko, Karen? At ano naman ang dapat mong ikapikon? Tama at pawang mga katotohanan lang naman ang mga sinasabi 1<0." Nakangisi niyangtanong.
Ngumiti lang ako bilang pagtugon.
"Totoo naman kasing maganda, sexy, rich and elegant si Daphne. Na sa kanya na ang lahat ng katangian na hinahanap ng Kuya ko sa isang babae." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo ni Selene habang pinupuri niya ang matalik na kaibigan.
"Compared to you. Anong klaseng fashion meron ka sa katawan mo. At ano ba 'yang suot mo? Basahan sa paa o pamunas ng maruming kamay? 'l dinugtungan pa ng isang mahinang tawa ni Selene ang kanyang mga sinabi. Nakataas ang kilay niyang pang-iinsulto sa at waring diring-diri habang sinusuri ang kasuotan ko. Nakasuot lang ako ng blouse na kulay brown at nakapadyama pa ako. Hindi ko rin matandaan kung kailan ko binili ang mga damit na ito.
Hindi ako interesado sa kung ano pa ang fashion ang sinasabi nila. Basta kasya sa akin at komportable akong isuot ay walang problem a. Wala akong pakialam kung bago o galing sa ukay-ukay ang darnit, sapatos at bag na meron ako. At kahit pa siguro nagkakamal ako ng salapi ay manghihinayang gastusin at ipambili ng mga libo-libong halaga ng mga branded na produkto. Tama na ako sa tig singkwenta o Maya at tig-isang daan presyo na maaring tawaran ng hanggang sampung piso.
"Kaya talagang nasaktan si Daphne ng pikutin mo si Kuya. Paano mo nagawa 'yun, Karen? Bilib ako sa lakas ng 100b mo. Imagine sinong mag-aakala na ang isang hamak na anak ng hardinera sa hacienda ay magiging asawa ng isang Bmbilyonaryong haciendero? Can you imagine that?" at patuloy siyang turnatawa habang ipinipilig ang leeg na nakamasid lang kay Santino na abala sa paglalaro sa hawak sa hawak na laruan.
Ako naman ay hindi na lamang kumibo sa patutsada sa akin ni Senyorita Selene at pinanuod na lamang sila ni Santino na naglalaro.
Ibinigay lamang sa akin ni Senyorita Selene si Santino ng ito ay mag-umpisa ng humikbi dahil siguro gutom na at kailangan ng matulog.
"Aalis na ako. Dumaan lang talaga ako para makita ang pamangkin ko at ibigay ng personal ang mga pasalubong ko kina Kuya at kay Santino.ll Paalam ni Senyorita Selene habang inaayos ang lukot ng suot na darnit. Kinuha niya na ang maliit na shoulder bag at isinukbit sa
kanyang makinis na balikat.
"Bye, my little angel. I'm gonna miss. Behave ka lang." At saka niya dinampian ng mabining halik sa pisngi ang mahimbing na natutulog na si Santino sa crib nito na nakapwesto dito sa sala. Nakasuot siya ng kulay puting crop top na labas ang kanyang mapuputing balikat at konting bahagi ng tiyan. Hapit na hapit sa kanya ng katawan ang kulay itim na jeans na kanyang suot pang-ibaba.
"Hindi ko na mahihintay pa si Kuya Simon dahil malayo pa ang biyahe ko. Uuwi na ako ng hacienda dahil malamang na hinihintay na ako ni Lola," sabi niya habang naglalakad ng mahinhin na akala mo ay isang modelo na rumarampa sa stage.
"Mag-ingat ka Senyorita at maraming salamat sa mga ibinigay mo kay Santino.ll Muli kong pasasalamat habang sumusunod sa kanyang paglakad papunta sa labas ng mansyon.
Tumigil naman siya sa paghakbang at umikot patalikod para harapin ako.
"You don't need to thank me. He's my nephew." Maarte niyang salita.
Sumaya lalo ang pakiramdam ko ng marinig ang kanyang mga sinabi. Dahil talagang itinuturing niyang pamangkin ang anak ko. "Salamat pa rin lalong-lalo na sa pagtanggap kay Santino bilang pamangkin mo." Nakangiti kong sabl.
Tumaas naman ang isang kilay niya sa narinig.
"Bakit ganyan ka magsalita? Akala mo ba ay hindi ko matatanggap bilang pamangkin si Santino? Okay, aaminin ko na hindi talaga kita gusto at si Daphne lang ang gusto kong maging hipag. Pero wala na akong magagawa. Isa pa, meron na kayong anak ni Kuya. Mahal na mahal ko si Santino kahit sabihin mo pa na ngayon lang kami nagkita." May halong inis sa kanyang mga sinabi.
"Hindi naman sa ganun Senyorita. Akala ko lang naman.ll Kakamot-kamot pa ako sa aking braso sa pagdadahilan.
Naningkit naman ang mata niya.
"You know what? Alam kong maldita ako pero hindi naman ganun kasama ang ugali ko lalo sa mga kadugo ko." Sabay suot ng aviator niya at lumabas na ng bahay. Tuloy-tuloy na sumakay sa mamahalin niyang sasakyang kotse na kulay puti at tuluyan ng umalis.
Nagpasya na akong balikan ang natutulog na si Santino sa kanyang crib. Tulog na tulog pa naman ang anak ko kaya nagliligpit-ligpit muna
ako. Muli akong nakita ang magazine kung nasaan si Senyorita Daphne.
"Ano nga naman ang panama ko sayo Senyorita Daphne?" bulong ko sa larawan niya sa magazine.
"lkaw na maganda at mayaman samantalang ako ay hindi na kagandahan ay isa pang hampaslupa.
"Pero wala naman sa akin 'yun. Hindi ako naghahangad na maging maganda o maging kasingsexy mo. Hindi ko rin hinahangad na mahalin ako ni Senyorito Simon ng gaya ng pag-ibig niya sayo." Patuloy kong pagka-usap sa larawan niyang buhay na buhay ang kulay.
" Ang tanging gusto ko lang ay ang tanggapin at mahalin ni Senyorito Simon si Santino bilang anak." At dali kong pinunasan ang luha kong kusa na naman bumagsak at dumaloy sa aking pisngi.
Chapter 22
Habangtulog na tulog pa si Santino ay iniwan ko muna siya sa kanyang crib. Inayos ko ang mga unan na nakapalibot sa kanya maging ang mga laruan na binigay ni Selene. Dahil wala si Manang ay kailangan na ako ang kumilos dito sa bahay. Mabuti na lang at marunong makisama ang anak ko at nakatulog ngayong umaga. Madalas talagang hindi ko siya maiwanan dahil umiiyak siya kapag hindi niya ako nakikita sa paligid. Madaling-araw pa lang kanina ay gising na siya at naglalaro kaya heto at himbing na himbing. Mabilis na akongtumungo ng kusina. Naalala kong namataan ko ng bumaba mula sa itaas ng bahay si Senyorito Simon. Panigurado ng nakaupo siya sa lamesa roon sa likod bahay na malapit sa pool at abalang nagbabasa.
Tarnang-tama at pagtitimpla ko siya ng kape at tatanungin ko na rin kung ano ang nais niyang ulamin upang mailuto ko na. Ngingiti-ngiti pa ako habang hinahalo ang pinaghalong kape at asukal sa tasa. Nang matantiya ko ng okay ay nagpasya na akong ihatid kay Senyorito Simon.
"Heto na ang kape mo, Senyorito." At maingat kong inilapag ang tasa ng kapeng aking
tinimpla sa bilog na lamesang gawa sa rattan na katerno ng mahabang upuan na gawa rin sa rattan. Doon prenteng nakaupo si Senyorito Simon habang abala sa pagbabasa ng ibat-ibang newspaper at panay din ang tipa sa kanyang laptop. Pirmis na nakakunot ang noo at seryoso sa kanyang ginagawa. Nakapambahay lamang siya, cargo Short at Plain na sandong kulay puti ang kanyang damit. Kitang kita ang perpektong muscle niya sa braso na hindi ko alam kung alaga ba sa gym o dahil batak din sa trabaho. Tsinelas lang na kulay itim angsapin ng kanyang paa.
Naalala ko tuloy ang buhay ang hacienda Sto. Domingo. Mas simple pa ang kasuotan niya noong naroon pa kami sa probinsya.
Kapag kasi nasa hacienda si Senyorito ay kusa siyang tumutulong sa mga gawain lalong-lalo na sa mga tauhan sa bukid.
Nagbubuhat ng mga kaban-kabang palay o bigas, ng mga tiklis ng mga iba't-ibang uri prutas. Kaya nga siya mahal ng mga tauhan sa hacienda dahil masipag at marunong siyang makisama sa mga ito. Hindi siya kakikitaan ng pagrereklamo sa kusang pagtulong na ginagawa. Lihim ko rin siyang hinangaan sa pagiging mababang loob niya sa mga trabahador sa hacienda Sto. Domingo. Lihim na paghanga na agad kong inapula dahil nakakahiya kung malaman ng iba.
Kaya hindi ko sukat akalain na ikakasal ako sa kanya at magkakaroon kami ng anak.
Mabuting tao si Senyorito Simon.
Sa akin lang naman siya bukod tanging galit na galit at dinamay pa ang anak naming si Santino.
"Senyorito, ano ang gusto mong ulam para ma pagluto na kita?" tanong ko na hindi mapigilang mangiti dahil sa wakas urnuwi na ang aking Il asawa" galing sa kung saan na business trip at kasama na namin ngayon ng aking anak clito sa bahay. Ang saya lang kasi ang isipin na kumpleto kami ngayon tulad ng normal na pamilya. Bihira lang mangyari ang ganito. Kahit pa hindi kami nagpapansinan ay isa ng malaking bagay na mas pinili niyang manatili dito sa bahay kaysa magpunta sa ibang lugar.
Tila wala namang narinig si Senyorito at patuloy lang sa pagbasa at panaka-nakang tumitingin din sa nakabukas na laptop.
"Senyorito, anong gusto mong ulam?" ulit kongtanong. Baka kasi hindi niya narinig ang una kong tanong kanina sa sobrang busy sa kanyang ginagawa.
Wala pa rin naging sagot. Para akong kumakausap sa pader o kaya naman ay sa hangin. Imposibleng hindi niya naman ako
naririnig gayong kaharap niya lang ako at dalawang beses na akong nag tanong. Ganun ba siya hulog na hulog sa kanyang ginagawa at hindi niya ako napapansin o talagang sinasadya niyang hindi pansinin ang presensya ko.
"Senyo-"
Hindi ko na naituloy ang pangatlong beses kong pagtangkang pagtatanong ng hampasin niya ng malakas ang ibabaw ng lamesa at saka ako binalingan ng mabalasik na tingin. Ano naman ang ginawa kong mali? Nagtatanong lang naman ako.
"Can't you see I'm busy?!" napapikit pa ko sa lakas ng boses niya at bahagyang pa akong napaatras.
"Bakit mo ba ako tinatanong ng walang kwentang katanungan!? May pakialam ba ako kung anong ulam ang lutuin mo o kahit hindi ka dugtong niya sa ganon pa rin na tono ng boses.
Oonga naman.
Ano nga naman ang pakialam niya sa kung anong lulutuin 1<0? Pwede siyang kumain sa labas kung nagugutom siya o kaya naman ay magpadeliver.
Masyado kasi akong nadala ng
pagpapantasya sa isang masaya at kumpletong pamilya.
Bakit ba ako umaarte na parang isang mabuting babaeng asawa sa isang lalaking asawa na hindi naman ako itinuturingna kanyang kabiyak? Bakit ba ako nagpapanggap na walang problema gayong lagi niya itong isinasampal ng kaliwa't kanan sa aking pagmumukha? Sampal na mas higit na masakit kaysa sa literal na ginawa.
"So-sorry, Senyorito. Pasensya ka na."
Paghingi ko ng dispensa habang nakayuko. Napahiya na naman ako kahit wala naman akong intensyon na maka istorbo. May bago pa ba? Lagi namang ganito. Ako lang ang matigas ang ulo.
"Pwede ba kapag naririto ako sa sarili kong bahay ay gusto ko ng katahimikan. Ayoko ng mga istorbo. So, please, leave me alone. Hindi ko ako kailangang kausapin at tanungin ng mga bagay na wala naman along pakialam." Madiin niyang pakiusap at saka mabilisang pinagdadampot ang mga dyaryong binabasa sa lamesa na bilog at itiniklop ang laptop na garnit at saka umalis.
Naiwan akong nakasunod na lang ng tingin sa kanya habang malalaki ang hakbang na binabagtas ang daan papasok ng bahay at umakyat ng hagdan papuntang itaas.
Naiwan din angtasa ng kape na aking itinimpla. Hindi man lang humigop kahit isang beses. Hindi nga nagpasalamat na naalala ko siyang itimpla ng kape ang tikman pa kaya? Malungkot kong kinuha ang tasa ng kape sa lamesa.
"Pinakatantya ko pa naman ang asukal at kape para wala siyang masabi sa lasa tapos hindi man lang niya tinikman.ll Mapait kong wika habang nakatingin sa maitim na likido na kanina lang ay mainit na mainit pa. Ngayon ay katulad na ng relasyon na mayroon ako sa aking asawa.
Malamig.
Chapter 23
"Karen, parang may lagnat si Santino?" sab• ni Manang Lorna habang idinampi-dampi pa ang kanyang kanang palad sa noo at leeg ni Santino. Pinasuyo ko muna kasingtingnan niya muna si Santino habang abala akong nagluluto ng hapunan. Afritadang karne ng baka ang aking kasalukuyan pa langna pinapakuluan.
"Ho?" tanong ko at sinalakay agad ng kaba ang dibdib ko sa sinabi ni Manang.
"Hindi naman po siya mainit kanina. Masigla pa nga po siyang naglalaro." Nagmamadaling akong naghugas at nagpunas ng kamay sa malinis at tuyong basahan. Nilapitan ko agad ang anak kong tahimik lang na nakahilig ang ulo sa balikat ni Manang Lorna.
Agad namang itinaas ng aking anak ang kanyang mga braso ng makita ako. Wala siyang anurnang reaksyon sa mukha hindi katulad ng normal niyang ginagawa. Agad siyang tatawa sa galak o kaya ay ngingiti na kapag hahawakan ko na siya. Paglapat ng kamay ko sa kanyang balat lalo na sa parte ng kili-kili kung saan ko siya binuhat ay naramdaman ko ang init. Mainit na hindi normal sa natural na temperature ngtao.
"Mainit nga po siya, Manang." Pag-alaala ko. Kanina lang ay okay si Santino. Kapansin-pansin nga ang pananamlay niya dahil pirmi lang siyang nakayakap sa akin. Hindi ako sanay na ganito siya dahil malikot at wala siyangtigil na baling ng baling kung saan kapag karga-karga ko.
"Agad mo na lamang painumin ng paracetamol para mawala ang lagnat. Basta orasan mo na lang at wag mong kakaligataan.ll Payo naman sa akin ni Manang na tumungo sa cabinet kung saan naroroon ang mga vitamins at paracetamol ni Santino. Pinagtulungan namin ni Manang na painumin ng gamot ang matamlay kong an ak.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng ilang minuto matapos ko siyang painumin ay bumaba na ang kanyang lagnat.
"Manang, salamat PO. Ingat po kayo sa pag-uwi. Mag off muna po kayo bukas." Pagpapa-alam ko kay Manang Lorna.
"Okay sige, pero kapag may lagnat ulit si Santino tawagan mo ako agad para may kaantabay ka. Mahirap nagkakasakit ang mga bata lalo at ganyang sanggol pa lang." Bilin sa akin ni Manang bago binitbit ang kanyang maliit na shoulder bag na naglalaman lang ng kanyang pera at cellphone. Habang naglalakad siya at nililingon niya pa kami ni Santino at nakangiting kumakaway.
"Bye, ka na kay Manang Lorna, nak," sabi ko kay Santino. Ngunit turningin lang siya kay Manang habang kumakaway sa amin. Hindi ganito si Santino. Hindi siya tumitigil ng kakaway kay Manang Lorna sa tuwing UmUUWi na ang matanda at lumalabas na sa gate ng aming bahay. Madalas nga na kahit wala na sa paningin niya si Manang at hindi pa niya binababa ang kanyang nakataas na kamay.
Palahaw na iyak ang nag pag gising sa akin sa mahimbing na pagtulog. Agad akong bumalikwas sa higaan at kinarga agad si Santino. "Santino, bakit anak? ll halos mapaso ang palad ko pagkahawak ko sa kanya.
Sobrang init ng kanyang katawan.
"Diyos ko! Santino, anak." Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta na ako. Naiiyak na ako. Nag-aapoy sa lagnat ang anak ko.
Bago matulog ay okay naman si Santino. Wala na siyang lagnat. Bakit ngayon ay parang mas lumala.
Pinainom ko muna ulit siya ng paracetamol. Pagkatapos ay nagdesisyon akong dalhin na siya sa ospital.
Kumuha ako ng pranela pambalot sa kanya. N agsuot lam ang ako ng jacket pampatong sa suot kung pantulog at saka ko kinuha ang bag at wallet 1<0. Binitbit ko rin ang kanyang feeding bottle na may powder milk na talagang nakahanda na kung sakaling magutom siya at manghingi ng gatas sa kanyang pagtulog. Nagmamadali akong lumabas ng bahay habang karga ang anak kong may sakit. Hindi kung nakita kung anong oras na ngunit napakadilim pa rin ng paligid at tanging ilaw sa mga poste at kabahayan ang nagsisilbing liwanagsa daan.
Walang pag-aalinlangan Kong sinuong ang kadiliman at halos takbuhin ko ang entrance ng Village.
Pagkakita sa akin ng mga security guard ay sila pa ang kusang pumara ngtaxi upang makasakay kaming mag-ina.
"Doc, kamusta po ang anak ko?" Agad kong tanong sa lalaking Doctor na nasa 50 1s na siguro ang edad. May katabaan ang katawan ng Doktor at napapanot na ang tuktok ng ulo ng pumasok sa inuukupahan namin na kwarto ni Santino. Dito ko siya tinakbo sa ospital kung saan din nakaconfine si Nanay.
May mga papel na binasa muna ang Doctor
na kinuha niya sa lalaking nurse na katabi.
"Well, may infection sa ihi ang bata kaya mataas at pabalik-balik ang kanyang lagnat." Sagot ng Doctor at isinauli na ang mga papel na binasa sa nurse.
Hinawakan niya ang stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg at saka sinuri ang dibdib at likod ni Santino na karga ko.
"Kailangan niyang mag take ng antibiotics for seven days." Dagdag ng doctor saka saka muling kinuha sa nurse ang resulta ng examine na ginawa sa dugo at ihi ni Santino. Marahil 'yun ang gamot na irereseta niya kay Santino.
"Paracetamol din every 6 hours kung nilalagnat pa siya. Kailangan naka oras ang pag-inom
At saka inabot sa akin ang reseta.
Pinaliwanag pa ng Doktor kung paano at anong antibiotics ang kailangan ni Santino. Anong oras at ilang beses sa isang araw dapat inumin. Lagi ko rin daw painumin ngtubig.
"Salamat sa Panginoon at bumaba na ang lagnat mo anak. Kinabahan ng sobra si Mama sayo." Sabay halik ko sa noo ni Santino. Nakatingin lang naman siya akin habang dumedede ng gatas sa kanyang feeding bottle.
Nakapag desisyon akong iconfine muna siya clito sa ospital dahil wala naman akong alam sa pag-aalaga sa batang may sakit. Tulad ng nangyari kagabi, tarantang-taranta ako dahil hindi ko alam kung ano angtamang gagawin. Wala akong mahingian ng tulong kahit alam kong nasa kabilang silid lamangsi Senyorito.
Nag-alinlangan talaga akong mag patulong dahil baka mapahiya lamang ako at anu-ano pa ang sabihin sa aming mag-ina. Ayoko namang magsabi kay Manang Lorna dahil nga alam niyang naririto at kasama ko ang aking asawa gayundin kay Lola Loreta. Ayoko siyang mag-alala pa. Matanda na siya para mag-isip pa ng mga bagay at baka makasama pa sa kanyang kalusugan. Ang importante ngayon at ang tuluyang gumaling si Santino.
Chapter 24
"Nanay, kamusta na po kayo? May sorpresa po ako ng data." Pangangamusta ko kay Nanay.
Karga ko ang nakaswerong si Santino habang naririto sa pribadong silid ni Nanay. Okay naman ang anak ko. llang oras na rin siyang hindi nilalagnat at bumalik na ang kanyang sigla. Kanina nga ay nakikipaglaro pa siya sa babaeng nurse habang kinukuhanan siya ng temperatura sa kili-kili. Kaya ang ginawa ko ay isinama siya dito sa kwarto ni Nanay. Ito rin ang unang pagtatagpo ng mag-Iola. Hindi ko kasi sinasama si Santino kapag dinadalaw ko sivNanay dahil ospital ang pupuntahan ko at maraming may sakit. Kaya naman iniiwan ko na lang siya ng sandali kay Manang Lorna.
Ganun pa rin.
Walang pagbabago.
Nakapikit pa rin siya.
Payat na payat na ang katawan ni Nanay at lalong humaba ang kanyang buhok.
llang araw, linggo, buwan at taon pa ba ang hihintayin ko sa muli niyang paggising?
"Kailan ka ba gigising sa mahimbing na pagtulog, Nay? Alam niyo po ba na halos ikamatay ko ang naramdaman kong sobrang kaba kagabi? Nataranta po ako at halos walang pumapasok sa utak ko na dapat kung gawin. Inaapoy po ng lagnat si Santino at wala akong alam kung paano ko siya aalagaan sa ganun na sitwasyon. Kung sana ay kasama ko kayong nag-aalaga sa kanya baka po hindi siya nagkasakit. Hindi siguro mangyayari na lalagnatin siya ng ganun kataas." Malungkot kong mga kwento kay Nanay. Kung sana ay nagagabayan niya ako sa tamang pag-aalaga kay Santino ay hindi siguro nagkasakit ang anak 1<0.
"Santino, siya si Lola Karina. Siya ang Nanay ni Mama na Iaging kong ikinukwento sayo. Mabait si Lola, anak." Tila naman kinikilala ni Santino si Nanay dahil pinagmamasdan niyang maigi. Mabuti na lamang at hindi niya inaalis ang bagay na nakatusok sa kaliwa niyang kamay at mataman lamang din siyang nakatingin kay Nanay at sa akin.
"Mrs. Sto Domingo."
Boses ng isang babae ang nakapag paglingon sa akin sa pintuan ng pribadong silid ni Nanay. Ang babaeng nurse na kanina ay nakikipaglaro kay Santino ang tumawag sa akin.
Nagtataka naman akong nagtanong.
"Bakit ho?" ngumiti muna siya at saka ako sin agot.
"Kanina pa ho kayo hinahanap at hinihintay ng asawa niyo sa silid ng anak ninyo."
Asawa?
Kunot-noo akong napaisip.
Isa lang ang asawa ko at si Senyorito Simon lang 'yun.
Siya nga kaya?
Si Senyorito nga kaya ang naghihintay sa amin ni Santino?
Waring nagliwanag ang buong paligid ng malaman kong na rito siya sa ospital. Nag-aalala ba siya sa amin?
Sa anak niya?
Sunod-sunod kong tanong sa aking isipan.
"Salamat sayo. Sige, balik na kami ni Santino sa kanyang silid. Pasensya ka na at nakaistorbo ka pa namin." Sagot ko kasabay ng paghingi ng paumanhin. Sumagot naman ang magalang na nurse ng walang anuman. Matapos akong magpaalam kay Nanay ay tinahak na namin ni Santino ang daan papunta sa kwarto kung saan siya nilagak ng ospital.
Nasasabik talaga ako dahil may pakialam naman pala sa amin si Senyorito Simon.
"Senyorito.ll
Pagkuha ko sa atensyon ng lalaking nakaupo sa monoblock na kulay itim na nakapwesto malapit sa karna. Naka damit pang trabaho na siya. Seryoso ang mukha at bakas angtila inip na inip sa paghihintay.
"Senyorito, pasensya ka na kung hindi na ako nakapag paalam sayo kagabi. Agad ko na kasing sinugod si Santino dito sa ospital."
Paghingi ko ng pasensya ng maihiga ko si Santino sa kanyang kama na panay ang linga sa kanyang Papa
"Alalang-alala sainyo ang Lola ko dahil hindi mo sinasagot ang tawag Iliya." Seryoso niyang Wika na hindi man lang nag tanong tungkol sa kalusugan ng anak.
"Nataranta na kasi ako kagabi. Sobrang init ng katawan ni Santino kaya angdinampot ko na lamang ay ang wallet ko. Hindi ko naisama ang cellphone dahil wala na talaga sa isip ko.ll Pagdadahilan ko habang inaayos ang pumaikot na host ng swero ni Santino. Kailangan kung ayusin dahil baka mamaya ay sa halip na puting likido ang nakikita ko at mapalitan ng kulay pulangdugo.
"Hayan ang cellphone mo. Tawagan mo na agad ang Lola ko dahil siguradong hindi 'yun mapakali hangga't hindi ka nakakausap.ll Inilapag niya ang cellphone ko sa lamesang malapit sa kama ni Santino. Tumayo at tumalikod habang patungo na sa pintuan ng silid.
Hindi ako nakatiis.
"Sandali, Senyorito!" pagtawag ko.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit kami narito sa ospital? Kung bakit sinugod ko si Santino sa dis-oras ng gabi? Kung kamusta na siya? Kung ano ang lagay niya? Kung ano ang sakit niya? ll ramdam kong turnigÏl siya sa pag tangkang paghakbang. Nakatalikod na kasi ako sa gawi ng Pinto kaya naman hindi niya nakikita ang nagbabadyang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Sinadya ko talagang tumalikod at nagkunwaring abala sa kung anong ginagawa sa damit ni Santino.
"Hindi ka man lang ba nag-aalala kahit konti sa kalagayan ng anak ko na anak mo rin? Pagpapatuloy kong tanon g.
"Alam mo kung anong sagot ko riyan sa tanong mo. Hindi ko na kailangan ulit-ulitin pa." Asik niyang sagot at tumuloy na sa paglabas ng silid.
Iniwan na naman ako.
Kami ni Santino.
Tumulo ang luha ko at pumatak sa puting kumot sa kama ni Santino.
Ang hirap talagang umasa sa isang maling akala.
Akala ko pa naman kaya siya narito ay para sa anak niya.
Buong akala ko nag-alala na siya sa kalagayan ng anak niya.
Mali pala.
Marami talaga ang namamatay sa maling akala.
Dahil wala nga pala kaming kwenta para sa kanya.
Niyakap ko si Santino ng mahigpit.
"Santino, anak. Mahal na mahal ka ni Mama.
Tandaan mo na mahal na mahal kita.ll
Maramdaman man lamangng anak ko na kahit walang pakialam sa kanya ang ama niya ay nandito naman ako na nanay niya na sobrang mahal na mahal sya.
Pero hindi ko maiwasan ang matakot kung ano ang meron sa bukas.
Paano na lang kung may isip na ang anak ko
at hindi pa rin siya tanggap ng Papa niya?
Paano ko ipapaliwanag sa anak ko ang mga bagay na mismong ako hindi ko naiintindihan?
Kaya kong solohin ang sakit wag lang masaktan ang anak ko. Kung pwede nga lang na ganito na lang kaming mag-ina.
Magkayakap, habang prinoprotekhan ko siya sa kanyang ama na walang habag.
Chapter 25
"Napakatakaw mo na talaga anak. Pero bawal na muna ang mga chocolate drinks. Baka maulit na naman na magka-infection ka sa ihi at maospital na naman. Sorry din at hindi alam ni Mama na hindi pala nakakabuti sayo ang pinapainom ko. Tuwang-tuwa pa naman ako kapag nauubos mo ang isang pakete." Pag kausap ko kay Santino.
'Yun kasi ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng infection sa ihi. llang araw din kami sa ospital. Nais pa nga ng Senyora Loreta na lumuwas dahil nag-aalala sa amin ngunit ako na ang nakiusap na wag na dahil magaling na rin naman si Santinon. Nangako na lang ako kay Senyora na magiging maingat na ako sa pagpapakain o kaya ay pagpapainom kay Santino. Madalas ko kasi siyang painumin noon ng chocolate drink dahil masarap ang lasa kaya naman gustong-gusto niya. Ang hindi ko alam nakakasama na pala sa kalusugan ng anak ko. Kaya simula ng mangyari 'yun ay hindi ko na siya pinatikim ng kahit anong chocolate drink o kahit mga inurning nakatetra pack.
Walong buwan na si Santino at napagana talagang kumain. Kahit gulay pa ang isubo ko ay game na game siyang kainin. Wala siyang selan at hindi mapili. Maganda naman talaga ang gulay sa katawan. Mabuti na rin na habang bata pa siya at sanayin ko na dahil maraming bata ang hindi kumakain ng gulay.
Lalo na rin siyang lumikot dahil marunong ng mangunyapit sa kung saan-saan at saka pilit na rin turnatayo gayong hindi niya pa kayang dalhin angsariling bigat ng katawan dahil sa kanyang mabigat na timbang. Napaka-umbok na pisngi niya at tatlo na ang baba. Hindi ko na rin makita ang leeg dahil natabunan na ng katabaan.
"Tama na ang pagkain mo baka hindi ka na matunawan.'l Gusto ko na sanang iligpit ang mga biscuit at mga prutas na kinakain niya ngunit pumapalaw siya ng iyak sa tuwing ilalayo ko na ang mga pagkain. Busog na busog na siya pero ayaw pa rin tigilan ang pag-ngasab.
"Nakakagigil ang na cutiepatooty ni Mama!"
Pinipigilan ko lamang ang sarili kong huwag kurutin ang pisngi niya dahil tunay siyang nakapanggigil. Lalo na ngayon na kumakain na siya sa lamesa at nakaupo sa sariling high-chair. Sa dalawang kamay niya ay may hawak siyang pakain. Sa kanang kamay ay mansanas habang sa kabila naman ay orange at nagkalat na sa buong pisngi niya ang kaninang biscuit na kinakain.
Hindi ko nga mawari kung sino sa amin ni
Senyorito Simon ang kamukha niya. Pero sabi ni Manang Lorna ay kamukha ko si Santino. Ngunit minsan naman daw ay si Senyorito Simon ang nakikita niya sa mukha ng anak ko. Pero mas lamang daw ang pagkakahawig naming mag-ina.
Napangiti nga ako sa bagay na 'yun.
Dapat talaga na ako ang kamukha ng anak ko.
"Ano yan?" tanong ni Senyorito Simon na nagmula sa labas ng bahay. Medyo nagulat pa ako ng mula sa kung saan ay may nagsalita. Salubong ang kanyang makapal na kilay habang hawak ang kulay puting towel at ipinupunas sa mga braso at leeg. Hula ko ay galing siya sa pagjojogging sa labas. Basang-basa ang kanyang suot na kulay gray na t-shirt na lapat na lapat sa kanyang katawan at tila basa rin ng ang kanyang buhok.
"Ano lyun, Senyorito?" kunot-noo kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung ano ang kanyangtinatanong.
"Ang ginagawa ninyo ng anak mo," sagot niya.
Nag-isip ako.
Ano ba ang ginagawa namin ni Santino at tila naiinis siya?
Kumakain lang naman ang anak ko at ako ay nakaupo lang at nagbabantay.
"Ganyan ba kayo mag-aksaya dahil hindi ninyo naman pinaghihirapan ang perang ginagamit pambili sa mga kinakain ninyong mag-ina? ll sarkastiko niyang tanong sa akin habang sumulyap siya sa mga nakakalat na biskwit sa sahig at sa lamesa kung nasaan ang mga slices ng mga prutas na kinakain ni Santino.
"Pasensya na Senyorito, natapon lang ni Santino ng hindi sinasadya pero hindi naman kami nag aaksaya ng pagkain." Katwiran ko.
"Hindi nag-aaksaya? Anong tawag sa mga nakakalat sa sahig at sa ibabaw ng lamesa?!" asik niya at pagputol sa sasabihin ko sabay turo pa sa mga pagkaing naka-kalat na kung tutuusin ay isang pirasong biscuit lang at puro mugmug na ang iba.
"Pasensya na Senyorito." Paghingi ko naman ng paumanhin para hindi na siya magalit at matapos na rin ang usapan na kung tutuusin ay hindi naman dapat pinagtatalunan. Natural na may matapon na pagkain dahil bata pa lang naman si Santino. Pero hindi ibigsabihin at na hinahayaan ko lang siya sa tuwing may natatapon sa kanyang kinakain.
"Abah! Mahiya naman kayo sa nagtatrabaho para kitain ang pera na pambili ng mga ina aksaya ninyo." Dagdag niya pa.
Hindi na ako kumibo at tahimik ko na lamang na pinulot ang mga tinutukoy niyang na aksayang pagkain.
"Palibhasa hindi ninyo pinaghirapan ang lahat ng mayroon kayo ngayon. Kaya ganyan kayong mag-aksaya na mag-ina. Ang sarap ng buhay ninyo. Narito lang kayo maghapon, kakain at matutulog na lang ng walang kahirap-hirap." Makahulugan niyang komento.
Seryoso?
Mugmug at isang pirasong biscuit na natapon lang ng hindi sinasadya ay nag aksaya na kami? Sinumbatan niya na kami ni Santino dahil lang sa kapirasong tinapay?
"Anu-ano pa kaya ang mga bagay inaaksaya ninyong mag-ina sa pamamahay ko maliban sa pagkain? Tubig? Kuryente? Sabon? Shampoo?" Patuloy niyang pagbubusa. Akala mo babae siyang nag bubunganga sa mga anak na makukulit.
Nakakainit din ng ulo ang kanyang mga
sinasabi. Para bang ang laki ng nagawa naming kasalanan ng anak ko para pahabain niya ang usapan ng ganito. Kung makasumbat siya ay tila ba nilustay namin ni Santino ang lahat ng opera niya.
Paano kami naging maaksayado na mag-ina? Halos gabi lang kami gumagamit ng electricfan dahil ayoko ng aircon dahil masyadong malamig at baka sipunin si Santino. Bumili pa nga ako ng mumurahingclifffan sa palengke na nagkakahalaga ng one hundred fifty pesos na mahinang-mahina sa konsumo ng kuryente. Madali rin ilipat para kahit nasaan nakapwesto ang crib o ang stroller ni Santino ay maisaksak ko basta may malapit na outlet dahil nga pawisan ang bata.
Kapag naglalaba naman ako ay halos hindi ako gurnagamit ng washing-machine dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong natatagalan sa pagpupuno pa lang ng tubig sa automatic na washing-machine.
Kaya kinakamay ko na lamang ang mga dapat kung labhan.
Ang pinagsabunan ko ng mga darnit ay iniipon ko at gin agamit kong panlinis ng c.r at pandilig naman ng mga halaman ang mga pinagbanlawangtubig.
Gayundin sa paghuhugas ng Plato.
Iniipon ko sa maliit na planggana ang tubig at idinidilig ko rin sa mga halaman.
Nakasanayan ko 'yun sa probinsya.
Kahit libre at galing sa poso ang tubig ay tinitipid ko dahil nga sa mahirap din magbomba ng tubig.
Masakit sa braso.
Kaya anong pinaparatangan niya kaming ma-aksaya?
Sa sobrang inis ko at para manahimik na lamang siya sa panenermon ay humarap ako sa kanya at ipinakita ko ang mga napulot kong biscuit at mugmugsa aking palad at walang sabi-sabi kongtinaktak sa 100b ng bibig ko ang mga pinulot kong pagkain .
Nginuya ko at nilunok.
"Wala na," sabi ko at ininom angtubig na nasa baso ni Santino. Baka pati 'yun ay punahin niya.
Mataman lang nakatingin sa akin si
Senyorito habang salubong pa rin ang kilay. Kumibot-kibo at ang mga labi pero nanahimik na lamang at urnalis.
Chapter 26
Kasalukuyan akong abala sa pag vacuum sa kulay brown na malapad na carpet ng sahigsa sala ng bumukas ang front door at iniluwa si Senyorito Simon. Waring pagod na pagod ang kanyang itsura. Pasado ala sais na ng gabi at kauuwi niya lang galing sa kompanya kung saan siya naman ang CEO.
Gusot-gusot na ang kanyang damit at bahagya ng lumihis ang necktie niyang kulay asul sa na nakasabit sa kanyang leeg. Bitbit niya ang kanyang black bag sa kanang kamay at sa kaliwang karnay naman ay ang kanyang cellphone at tuloy-tuloy lamang sa pagpasok at tinungo ang hagdan.
Parang walang nakitang anuman o sinuman. Sa araw-araw ay ganito pero hindi pa rin ako masanay.
Samantalang tumayo naman si Santino mula sa kanyang crib na nakapwesto sa isang sulok at matamang sinalubong ng tingin ang kanyang ama.
Kapag daka ay ngumiti siya at tuwang-tuwang bahagyang tumatalon habang nakahawak sa crib.
Kinawag-kawag pa ng anak ko ang kanyang mga maliliit na braso na tila nais niyang magpakarga sa bagong dating.
Wala mang kahit anong reaksyon kay Senyorito. Basta naglalakad lang siya. Wala siyang naririnig. Wala siyang nakikita.
Sumakit ang lalamunan ko at uminit ang gilid ng mga mata ko. Nakadama na naman ako ng awa sa aking anak.
Parang 'yung batang sabik sa presensya ng isang tatay at natuwa na nakita ng urnuwi.
Ngunit ang dumating na ama ay hindi man lamang tapunan ng kahit konting pagtingin ang kanyang anak na sadya ng nagpapapansin mapansin niya lang.
Kahit konti ba ay wala siyang nadaramang pagmamahal para sa anak namin? Hindi ba siya natutuwa man langna nakikita na may bata na tuwang-tuwa sa kanyang pagdating?
"Senyorito.'l
Hindi ako nakatiis at tinawag ko siya.
00, alam kong masasakit na naman ang kanyang sasabihin ngunit umaasa pa rin ako na kahit konti at sundutin siya ng kanyang konsensya.
Hindi siya huminto at patuloy sa paghakbang.
"Hindi mo man lang pinansin si Santino. Samantalang tuwang-tuwa siya ng makita kang dumating. Hayan at kahit hirap na hirap siyang turnayo ay nagawa niya pa rin upang sumalubong sayo," sabi ko habang pinipilit ngumiti at pilit din na binabalewala ang malungkot at masakit na pakiramdam sa kaloob-looban ngdamdamin ko. "Pwede ba pagod na pagod ako ngayon at gusto ko ng makapag pahinga. Wala akong panahon sa kung anu-anong drama na sinasabi mo. Wala akong pakialam kung may sumalubong sa akin o wala." Pabalang niyang sagot sa akin habang ipinagpatuloy ang paghakbang sa itaas.
Ngunit nagsalita akong muli.
"Ang ibang tatay kahit pagod na pagod sa trabaho ay tuwang-tuwa kapag nakikita lang nila 'yung mga anak na sumalubong sa pag-uwi nila sa bahay. Napapawi na ang pagod nila at nakikipaglaro pa sa kanilang mga anak. Bakit hindi mo gawin 'yun kay Santino, Senyorito. Natitiyak kong totoo ang kanilang sinasabi dahil subok ko Iyun kay Santino. Nawawala ang pagod ko basta makita ko lang siyang nakangitl. Mahinahon kong suhestiyon kahit ang totoo naman ay nakahanda na ako sa anu pa man na masakit na salita na kanyang ibabato sa akin.
Sa pagkakataong 'yun ay huminto na siya sa paghakbang ngunit marahas na humarap sa akin.
Seryoso ang madilim na mukha. Waring nagbabadya ng isang malakas na bagyo na may kasamang malakas na alimpuyo ng hangin.
"At umaasa ka palang gagawin ko 'yun sa anak mo? Hindi ka ba napapagod sa kakasalita? Hindi ka ba nagsasawa na marinig na wala akong pakialam sayo at diyan sa anak mo?" tumaas pa ang gilid ng labi niya ng sambitin ang kanyang mga sinabi.
"Masokista ka ba? O sadyang walang kasing kapal ang mukha mo at patuloy mo pa rin akong kinakausap sa kabila ng ilang ulit na kitang ipinahiya? Wag ka ng umasa dahil mapapagod ka lang at masasaktan ka lang. Kung ako sayo, intindihin mo ng mabuti ang anak mo para hindi nagkakasakit dahil nakakadagdag sa iniisip ng Lola ko!" Mariin niyang dugtong at saka tumalikod muli para ipagpatuloy ang pag-akyat.
"Pa-pa!"
Sasagutin ko pa sana si Senyorito sa kanyang mga tinuran ng biglang nagsalita si Santino. Agad akong napalingon sa aking anak na nakatingin sa gawi ni Senyorito Simon.
Namangha ako.
Para akong naiiyak sa tuwa.
Nakakapagsalita na ang anak ko! at Papa ang una niyang malinaw na salita.
"NarinÏg mo ba 'yun, Senyorito? Tinawag ka niyang Papa." Baling ko kay Senyorito na parang natigilan din ng marinig ang unang beses na pagtawag sa kanya ng "Papa" ng kanyang anak. Mabilis kong hinakbang ang crib at binuhat ang anak ko.
"Ulitin mo nga anak ang sinabi mo? Pa-pa, sabihin mo ulit.ll Utos ko kay Santino.
Masayang-masaya ako dahil sa nagsalita na aking anak.
Nagkakawag naman si Santino na tila tuwang-tuwa rin. Ngunit hindi niya na naulit ang pagbigkas ng salitang "Papa".
Nagsasalita siya pero puro baby talk lamang na tamang siya lang ang nakakaintindi.
Narinig ko ang mga yabag ni Senyorito at nilingon ko.
Paakyat na.
"Akala ko kanina pa siya umakyat."
Naibulong ko sa aking sarili. Buong akala ko kasi ay kanina pa siya umalis. Bakit ngayon lang siya umakyat? Hinintay niya rin ba na ulitin ni Santino ang pagtawag sa kanya ng Papa?
Binalingan ko na lang muli ang anak kong busy na sa paglalaro na motorbike na laruan na ibinigay ng kanyang Mommy Selene. Itinigil ko na ang pag iisip ng kung anu-ano dahil ako lang naman ang bukod tanging nag-iisip ng ganung bagay.
"Next time anak, Mama naman angsabihin mo. Mama naman. Angdaya mo naman anak. Ako ang lagi mong kasama pero Papa ang una mong binanggit." Kunwaring pagtatampo kay Santino. Lumingon naman siya at ngumiti.
Kahit pala hindi pinapansin ni Senyorito ang anak na si Santino ay kilala pa rin siya nito.
Bigla na naman akong na lungkot at napangiti ng may halong pait sa aking naisip. Mabuti pa si Santino kinikilala ang kanyang Papa sa kabila ng siya ay musmos pa lang at wala pang muwang sa tunay na sitwasyon naming bilang pamilya.
Pamilya?
Pamilya nga ba kaming maituturing?
May pamilya ba na kagaya ngsa amin?
Hindi nagpapansinan.
Walang pagmamahal?
Nagbuntong-hininga ako.
Nanalangin na sana isang araw matanggap na ni Senyorito na mayroon na siyang anak kahit hindi niya na ako kilalanin bilang asawa. Ang mahalaga ang anak ko.
Chapter 27
"Naku! Papa kamo ang unang na bigkas ni Santino? ll Manghang tanong ni Senyora Loreta ng maka-videocall ko at naikwento ko ang pagtawag ni Santino ng Papa sa kanyang ama.
Narito kami ni Santino sa garden. Nakaupo ako sa isang upuang bilog na gawa sa kahoy habang si Santino naman ay nakaupo sa kanyang stroller at masayang pinapanood ang mga paru-parong kulay puti, dilaw at may itim na may halong puti na lumilipad-lipad sa paligid at dumadapo sa mga bulaklak na orchids na may iba l t-iba rin ang mga kulay. May violet, white, yellow, orange at may iba pang bulaklak ngunit hindi ko alam kung anong pangalan. May mga halaman din tulad ng dragon tail, peace lilies at naglalakihang palmera. Mayroon din iba't-ibang klase ng allocacia. Lahat ng halaman ay kanya-kanyang angking ganda. Tulad ng tao, mayroong iba't-ibang natatanging katangian. Kaya madalas narito kami turnatambay ni Santino ay dahil bukod sa magandang kapaligiran at sariwang hangin ay pakiramdam ko malapit lang ang presensya ni Nanay na hilig
talaga ang paghahalaman. Dito rin ako madalas manalangin ngtaimtim sa Itaas. Basta't makita ko ang luntiang dahon at mga nag-aagawan ganda at kulay ng mga bulaklak ay gumagaan anuman ang mabigat kong dalahan.
"Opo, nagulat nga po ako ng makapagsalita siya at nakatingin pa sa direksyon ng Papa niya.ll Patuloy ko sa pagkukwento.
"Nakoh! Takot magutom ang apo ko kung ganun." Sabay tawa ng Senyora.
Takot magutom? Ano naman ang kinalaman ng pagbigkas ni Santino sa salitang Papa sa takot magutom?
Tanong ko sa isipan ko.
Ngayon ko lang kasi narinig ang bagay na 'yun.
"May matandang kasabihan kasi na kapag ang un ang tinawag ng bata ay ang kanyang tatay. Ang ibig sabihin raw ay takot siyang magutom." At nasagot na ng Senyora ang tanong sa isip ko.
lyon pala 'yun.
"Bueno, iha kamusta naman kayo ni Simon?
Ganun pa rin ba ang pakikitungo niya sayo?" Napabuntong-hininga ako bago ako sumagot sa katanungan ng Señora.
"Sanay na po kay Senyorito. Wala pa rin po
siyang pagbabago." Saka ako mapait na ngumiti.
Ganun pa man, hindi ko magawang ikwento kay Señora na malarnig rin na pakikitungo ni Senyorito Simon kay Santino. Batid ko kasing masasaktan at malulungkot siya sa oras na malaman niya tungkol doon. Ayokong sumama pa ang kanyang loob. Hindi na baleng ako na lang ang nasasaktan. Masyadong mabait si Senyora at hindi karapat-dapat na saktan.
"Hayaan mo Karen, pasasaan ba at makikita rin ni Simon kung paano kita nakikita bilang isang mabuting tao." Malalim na Wika ng Senyora habang may maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha.
Napansin ko na parang lalo yata siyang nangayayat. Ang pisngi niya ay lalong humumpak. Nangangalumata rin siya na hindi maikakaila ng malaking bilog na itim sa ibaba ng kanyang malamlam na mga mata.
"Lola, napansin ko na pumayat na naman kayo?" Hindi ko mapigilang magtanong. Nag-aalala ako sa kanyang kalusugan. Baka masyado ng napapagod ang Senyora sa mga iniintindi sa hacienda.
Tila umilap ang mga mata ng Senyora ng marinig ang aking sinabi. Hindi 'yun normal. Si Senyora ang tipo ng taong laging nakatingin sa mga mata ng sinumang kanyang kinakausap.
May tinatago kaya ang Senyora?
"Naku, baka naninibago ka lamang. Kalakas ko ngang kumain." sabay tawa ng matandang babae na sa totoo lang ay miss na miss ko na rin gaya ng pangungulila ko sa presensya ni Nanay.
Hindi na kasi nakadalaw si Señora rito sa lungsod kung nasaan kami. Dahil daw nahahapo na siya sa byahe. Hindi rin naman kami maka makadalaw ni Santino sa kanya sa hacienda sapagkat ayoko pa siyang ibyahe. Masyado pa kasi siyang bata at ang isa ko pangdahilan ay hindi pa siya binyagan sa simbahan. Ayon din naman kasi sa matatandang paniniwala ng karamihan na mga Kristiyano. Bawal at hindi pa raw pwedeng ibyahe ng malayuan ang mga batang hindi pa nabinyagan sapagkat lapitin ng peligro. Maari raw ma disgrasya, magkasakit o kaya naman ay "mausug.".
Walang scientific basis sa mga ganung paniniwala nmpero mabuti na rin ang nag-iingat dahil wala naman ding mawawala kung susundin.
"Okay lang po ba ang kalusugan ninyo?" Maya-maya ay naging tanong ko.
"Okay na okay iha, malakas pa ako sa kalabaw!" bulalas ng Señora at saka mahinang
tumawa.
"Lola, alagaan po ninyo ng mabuti ang iyong sarili. Uuwi pa ho kami riyan ni Santino kapag nabinyagan na po siya." paalala ko sa mabait na Senyora.
"00 nga pala Karen, iha, kailan ba ninyo balak mag-asawa pabinyagan si Santino?"
Napaisip na rin ako kung kailan. Pero baka isabay ko na lang din sa unang kaarawan niya ang kanyang binyag para isahang gastos lamang.
"Balak ko po sana sa first birthday niya na lang din po ganapin para po isahang gastos lang."ani ko.
Tiyak kasi na pera ni Senyorito Simon ang gagamitin dahil saan naman ako kukuha ng pera para panggastos sa binyag at birthday. Kung may pera lamang ako ay hinding-hindi ko pa gagastusin kahit isang singkong-duling si Senyorito Simon. Baka isipin niya na naman na inaaksaya namin ang pinaghirapan niyang salapi. Tulad ng isang pirasong biskwit at mugmug na inabutan niya sa sahig. Simula rin ng araw na 'yun ay hindi na rin ako nag merienda at binawasan ko na rin ang pagkain ko. Mahirap ng ma kwentahan na naman ng mga kinakain at ginagamit naming clito sa 100b ng kanyang bahay. Baka isipin niya o kaya pansinin niya ang bigas at mga groceries
kung nababawasan. Mabuti na lamang at hindi ko ginagalaw ang kahit na anong sukli sa perang pang-groceries, pambayad ng ilaw, tubig at internet.
"Karen, hindi ba ang sabi ko sayo ay isa ka ng legal na Sto.Domingo at lahat ng meron kami ay sayo na rin. Lalo pa ngayon na binigyan mo ako ng napakagwapong apo sa tuhod. Kaya wag kang mag-alala sa gastusin. Kung nahihiya kang magsabi sa asawa mo. Bibigyan kita ng sarili mong pera." walang-gatol na sabi ng Senyora na agad ikina-iling ng aking leeg.
"Lola, wag na PO." matigas kong pagtanggi.
"Kakausapin ko na lamang po si Senyorito tungkol sa binyag. Hindi ko po kasi siya makausap dahil po madalas wala siya rito sa bahay at kapag naman po naririto ay puro trabaho pa rin po ang inaatupag.ll hindi ko man nais mahaluan ng lungkot ang aking tinig ay hindi ko maikakaila.
Chapter 28
Narinig kong nagbuntong-hininga si Senyora Loreta.
"Ewan ko ba sa asawa mo. Manang-mana sa
Lolo Andres niya. Ganyan-ganyang ang Lolo ninyo Napaka-addict sa trabaho. Noong araw pa nga ay kung hindi ko hatiran ng pagkain sa kanyang opisina ay nakakalimutang kumain ng tanghalian. Ganun din ang naging problema ko sa Papa ni Simon. Mabuti nga at nagkaroon ng kapatid si Simon sa kabila ng sobrang abala ng kanilang magulang sa negosyo. Ang biyenan mo rin kasi na babae ay nakilala ng aking anak sa business world. Kaya hindi na ako nagtataka na namana ni Simon anurnan ang pag-uugali ng kanyang mga magulang lalo na sa larangan ng negosyo." Kuwento naman ni Senyora.
"Mukha nga pong enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa. Alam ko po nagba buy and sell rin po siya ng mga mamahaling sasakyan."
Bukod kasi sa produktong inaani mismo sa malawak na hacienda na mga pang export sa ibang bansa ay pinasok na rin ni Senyorito ang pagba-buy and sell ng mga mamahaling
sasakyan. Minsan kasi ay aksidente ko siyang nakita at narinig na nakikipag-usap sa kung sino sa kanyang laptop at iyon ang topic nila.
"Gusto niya lang sigurong i-secured ng mabuti ang future ng anak ninyo at ng mga magiging anak pa ninyo sa hinaharap. Sana nga ay magkaroon kayo ng maraming anak. Isa ang bagay na 'yan sa pinagsisihan ko ng mawala ang nag-iisa kong anak. Bakit isa lang ang naging anak ko at hindi ko man langdinagdagan? Kaya ang gusto ko magkaroon kayo ni Simon ng isang malaking pamilya. Punuin ninyo ng mga bata ang bahay at maging ang hacienda." Nakangiting suhestiyon ni Senyora.
Sa narinig na hayag ng Senyora ay parang nais kung turnawa.
Si Senyorito at ako? Magkakaroon ng maraming anak? Kahit minsan nga ay hindi man niya tinapunan ng kahit isang sulyap si Santino.
Paulit-ulit ang pagtanggi niya na hindi niya anak.
Kaya paano kaya kami magkakaanak ng marami? Isa pa, magkahiwalay kami ng kwarto. Diring-diri nga 'yun kapag na sa paligid ako. Angtumabi pa kaya sa akin?
Para akong tanga sa pakikipag usap at tila pakikipag away sa isipan ko na wala namang kaaway.
"Isa rin sa madalas kong dinadalangin ay ang apo kong si Selene. Matalino naman siya at malambing ngunit may pagka pasaway at hindi marunong makisama sa ibangtao lalo na sa hacienda. Sana lang ay magbago siya at maging responsable sa buhay kagaya ng kuya niya.ll May halong lungkot ang tinig ni Senyora. Pansin naman talaga sa ugali ni Senyorita Selene na may pagka spoiled. Madalas at naririnig ko noon na usap-usapan ng mga kawaksi sa 100b at labas ng hacienda na may pagka masungit ang ugali ng bunsong kapatid ng asawa ko. Kahit naman ako ay madalas niyang irapan kahit wala naman akong ginagawang kahit ano. Kapag nga daraan ako sa harapan niya at may kasama pa siyang mga kaibigan ay nagtatawanan silang lahat habang nakatingin sa akin sa direksyon ko. Ewan ko kung sapantaha ko lang 'yun o nagkataon lang. Binabalewala ko na lang at agad na akong umaalissa kung nasaan ako.
"Naniniwala po ako na magbabago rin po ang ugali ni Senyorita Selene. Mukha naman po siyang mabait. Sa katanuyan nga po ay tuwang-tuwa siya kay Santino noong nagpunta po siya rito. Ang dami niya pong dalang pasalubong sa kanyang pamangkin." Kuwento ko naman sa ginawang kabutihan ni Senyorita
Selene Kay Santino kahit pa puro pang-iinsulto sa aking pagkatao ang mga sinasabi niya.
"Mabait naman siya. Napansin ko lang na nagbago ang ugali niya simula ng sabay mawala ang kanilang magulang. Ako naman kasi ay natutok sa pag-aasikaso ng mga negosyong naiwan at hindi ko sila masyadong naalagaan ni Simon." Malungkot muling kwento ng Senyora.
"Hindi PO, Lola. Napaka swerte nga po nina Senyorito at Senyorita Selene sa pagkakaroon ng Lola na gaya niyo. Biruin niyo PO, nakaya niyo pong lahat ang mga pagsubok na kayo lang pong mag-isa. Sigurado po akong hindi kayo nagkulang sa pagpapalaki sa kanila. Sadyang mayroon lang po talaga tayong kanya-kanyang ugali bilang tao." Pagpapalubag ko sa 100b ng mabait na Senyora. Kinaya niya ang lahat manatili lang na tumatakbo ang mga negosyong biglaang naiwan sa pangangalaga niya. May mga kamag-anak naman sila na may mas alam sa pagpapatakbo ng malaking negosyo ngunit mas pinili ni Senyora na siya ang hum awak upang matiyak ang posisyon ni Senyorito Simon kapag kaya niya ng siya ang hahawak. At matapos nga ang ilang taon ay si Senyorito Simon na ang tumatayong tagapagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila. Ganun kalaki ang sakripisyo ni Senyora.
Kaya mahal na mahal siya ni Senyorito Simon.
Nakita niya kasi kung paano ang pagod at puyat ng kanyang Lola upang hindi sila mag hirap na magkapatid.
Kaya rin gusto ko man na magsumbong sa Senyora ay hindi ko magawa. Gusto kong urniyak at sabihin ang lahat ng sama ng loob ko ay hindi ko maisiwalat.
Gusto kong sabihin lahat ngunit kinikimkim ko na lamang dahil alam batid kong masasaktan ng husto si Senyora.
"Karen, iha, Iagi mong ipaglaban kung ano ang sayo. Basta alam mong wala kang ginagawang masama at hindi ka nang-agrabyado ng kapwa ay wala kang dapat ikatakot."
"00 naman PO, Lola. Lalo po ngayon may Santino na po ako.'l Sagot ko naman sa masayang boses at pilit itinatago ang pait sa pamamagitam ng pag-ngiti.
"Kamusta naman pala si Karina?"
Waring may dumaan na kung ano at mas hindi ko na naitago ang lungkot na nadarama ng banggitin ni Senyora and pangalan ni Nanay.
"Ganun pa rin po siya Lola. Wala pa rin pagbabago ang kondisyon niya. Hindi pa rin gumigising at hindi ko po alam kung gigising pa nga po ba siya." Sagot ko sa malungkot na tinig.
"Magdasal lang tayo ng magdasal para sa iyong Nanay. God will provide." Payo sa akin ng Senyora.
Matapos ang kwentuhan namin ng Senyora ay nakadama ako ng saya kahit paano sapagkat nariyan siya lalong-lalo na para kay Santino.
"Paano na kaya tayo anak kung wala si Senyora Loreta?" bulong kung tanong sa anak ko na naglalaro na sa aking kandungan.
Chapter 29
"Karen! Karen!"
Nagulat ako ng biglang pumailanlang ang malakas ng boses ni Senyorito Simon sa 100b ng mansiyon. Halata sa boses na nagmamadali akong makita at tila may importanteng kailangan. Ano kayang nangyari? At ano kaya ang nakain ni Senyorito Simon at bigla na lang akong hahanapin? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan at galit na galit na naman sa akin? Upang masagot na ang aking mga katanungan ay nagpasya na akong magpakita sa kanya. Kaya naman mula sa garden kungsaan kami nagpapalipas ng oras ni Santino ay nagmamadali akong pumasok sa 100b bitbit ang anak ko na nagulat din sa lakas ng pagtawag sa along pangalan ng kanyang papa.
"Karen!" Ulit na naman niyang pagtawag sa pangalan ko. Luminga-linga pa siya sa paligid at tumitingala sa itaas sa paghahanap sa presensya ko.
"Bakit, Senyorito? ll mangha kong tanong. Ngayon lang kasi na nangyari na hinahanap niya ako pagkarating niya sa buhay.
Halatang balisang-balisa ang kanyang mukha. Namumutla ang kanyang mukha at tila namumula ang mata na galingsa pag-iyak.
Ano kanyang nangyari?
"Saan ba kayo nagsusuot na mag-ina at kanina pa ako tawag ng tawag ay ngayon lang kayo lumapit? ll asik niyang tanong.
"Nasa garden lang kami ni Santino at nagpapahangin." Mahinahon kong sagot.
"Pack your things, uuwi tayo kay Lola." Utos niya at saka tumutok sa kanyang cellphone.
Uuwi kami? Bakit biglaan naman? May nangyari ba? Nalilito kong tanong sa aking sarili. Wari pang nanlalamig ako na hindi ko maintindihan. Kinakabahan ako pero bakit naman? Anong nangyayari? May masama bang nangyari?
"Yes, I need a pilot. Yes, yes, ngayon din. Papunta na kami. Make sure na handa na ang lahat. Kailangan na naming makauwi ng hacienda ngayon din." Madiin niyang utos sa kung sino man ang kausap niya sa kanyang cellphone.
Lito parin ako. Naguguluhan masyado ang utak ko.
Pilot?
Ibig sabihin eroplano ang sasakyan namin? At bakit kailangan ganun kabilis upang makauwl kami? Bakit nagmamadaling urnuwi si Senyorito sa hacienda?
" Ano pa ba ang itinatayo mo riyan?!" singhal niya sa akin ng mapansing hindi pa ako kumikilos at sumusunod sa utos niya.
"Pa-pasensya na Senyorito. Bakit ba biglaan ang pag-uwi natin sa hacienda? May nangyari ba kay Senyora? l' waring bigla akong sinalakay ng kaba sa naging tanong ko. Hindi magmamadali ng ganito si Senyorito Simon kung hindi importante. Hindi niya iiwan angtrabaho maliban na lamang kung talagang emergency.
"l have no time to explain! Pack your things kung ayaw mong iwan ko kayong mag-ina dito." Singhal niya na naman sa akin. Nahimasmasan na ako at saka nagmamadaling umakyat sa itaas. Sumunod na rin ako para mag-impake at dalhin ang mahahalagang gamit lalo na ang para kay Santino.
Panay may katawagan sa cellphone si Senyorito habang nakasakay kami ng sasakyan niya. Huminto kami sa isang building at sumakay ng elevator hanggang sa rooftop.
Tama, andun nga ang isang helicopter na naghihintay sa pagdating namin.
Agad may inabot na pantakip sa tenga ang isa sa mga lalaking naka-uniform na naka-abang sa pintuan pa lang ng rooftop.
Pumalahaw ng iyak si Santino dahil siguro sa gulat sa napaka ingay na naririnig mula sa helicopter.
Kinakabahan akong sumakay pero nanigas ang buong katawan ko ng personal akong alalayan ni Senyorito Simon para makasampa sa 100b ng helicopter. Ito ang kauna unahang hinawakan niya ako na hindi para pagbuhatan ng kamay. Nakakalula pala talaga kapag nasa itaas ng kalangitan at hindi pa sanay sa ganung byahe. Ngunit mas kinakabahan ako sa kung ano ang aabutan ko pagdating namin ng hacienda. Ano ba ang nangyayari at bigla kaming umuwi? Hindi ko pa naman nakausap si Senyora Loreta ngayong araw.
Mabuti na lang at madali langtalaga ang byahe kapag nasa himpapawid ka.
Pagdating namin sa probinsya ay agad ding may sasakyan na sumalubongsa amin sa kung saan kami nag landing. Ang akala ko ay tutuloy kami sa hacienda. Ngunit sa isang pamilyar na pribadong ospital kami tumuloy. Pamilyar dahil ilang buwan din ang inilagi ni Nanay clito sa ospital na ito na pagmamay-ari rin mismo ng pamilya ng aking asawa.
Pagkahintong-paghinto ng sasakyan namin ay agad bumaba si Senyorito at halos takbuhin ang entrada ng ospital. Ako naman ay maingat na lamang na humahakbang habang nakasunod sa kanya dahil karga ko ang tulog na tulog na si Santino na nakatulog na sa sasakyan.
" Good Morning, Senyorita." Agad na bungad pagbati sa akin ng mga nurse at hospital staffs na nadaraanan ko na walang pakundangan lamang na nilalampasan ni Senyorito Simon na una nilang binabati.
Senyorita?
Hindi ako sanay.
Ganun pa man ay ibinabalik ko na lang ang pagbati nila sa akin ng nakangiti.
"No! Save Her! Save my Grandmother or I will kick you out of my hospital! ll
Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ni Senyorito Simon mula sa kung saang bahagi ng ospital. Kaya naman binilisan ko ang paglakad at hinahanap siya. Nakita ko siya sa isang silid na nakabukas ang Pinto. Hawak niya sa kwelyo ang isa sigurong doktor base narin sa puting damit na suot.
"Calm down, Mr. Sto.Domingo, maniwala ka.
Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para iligtas si Senyora Sto.Domingo pero sadyang hindi na kinaya ng katawan niya.ll May himig pagpapakumbaba sa naging sagot ng Doktor.
Sa narinig ay agad akong na patingin sa kung sinong nakahiga sa higaan sa 100b ng kwarto kung saan ako pumasok.
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Waring urnurong ang aking dila at wala akong mailabas na boses.
Hindi totoo? Hindi ito totoo!!!!
Sigaw ko sa utak ko.
Naglakad ako ng marahan patungo sa kabila ng ayaw surnunod ng mga paa ko sa dikta ng isipan ko. Nanghihina ako habang humahakbang. Pakiwari ko ay anumang oras ay mawawalan ako ng ulirat at bigla na lang matutumba.
Hinang-hina ako.
Tumulo ang luha ko ng makita ang payapang mukha ni Senyora na animo'y natutulog lamang habang nakapikit.
"Lola." Tawag ko sa kanya ng makalapit ako.
"Lola." Ulit ko at sa pagkakataong iyon ay napahawak na ko sa kanyang hapis na mukha. Hindi ko na napigilan ang humagulgol ng iyak.
Bakit?
Bakit ganito?
Anong nangyari?
"Lola, nandito na po kami. Nandito na po si Santino. Heto na po ang apo ninyo. Lola.
Kargahin na po ninyo. Gumising na po kayo.
Gising na PO, Lola." Pagsusumamo ko sa kanya.
Ngunit walang pagtugon.
Nanatili lang siyang payapang nakapikit ang mga mata gaya ni Nanay.
Hindi siya kumikilos.
Hindi gumuguhit ang matamis niyang ngit sa kanyang labi na madalas na nakapagkit at hindi na aalis.
Wala ang masayang pagtawa na masarap pakinggan at nakakahawang gayahin.
Dahil wala na ang mabait, mapagkumbaba, masayahin at mapagmahal na Lola.
Dahil patay na si Senyora.
Chapter 30
Stage four ovarian cancer. Ang sakit na tumalo sa isang napaka mabuting tao.
Hindi ako makapaniwala na inilihim sa amin ni Senyora Loreta ang kanyang malubhang karamdaman. Hindi alam ngdoktor na tumitingin sa kanya na hindi pala ipinaalam ng Senyora ang kanyang kalagayan sa kanyang mga kamag-anak o kahit sa sarili niyang mga apo. Umiinom naman siya ng mga gamot ngunit tumanggi ng magpa-opera dahil nga sa may edad na raw siya at baka mas lalo pa raw madali ang kanyang buhay sa oras na sumailalim pa sa isang mapanganib na operasyon.
Damang-dama ng buong hacienda Sto.
Domingo ang pagkawala ng presensya ng isang Senyora Loreta. Wari bang ang lahat sa paligid ay walang-buhay. Tila ba kahit ang mga puno at halaman sa kapaligiran ay tumatangis. Maging ang mga hayop ay nakiki simpatya at nakikiramay sa nakakapanlumo na kalungkutan. Ang lamyos at lamig ng simoy ng hangin ay tila naghahatid ng halumigmig na humahaplos na may kasamang pagyakap upang maibsan ang pagdadalamhati sa puso ng bawat isa.
Batid ko ang labis na pagdadalamhati na nadarama ngayon ni Senyorito Simon. Hindi ko pa siya nakakausap simula ng mailibing si Senyora. Umuwi rin galing sa Amerika si
Senyorita Selene na labis din na dinamdam ang pagkawala ng nag-iisang turnatayong magulang sa kanilang magkapatid sa 100b ng mahaba rin na panahon.
Pakiramdam ko naulila rin ako.
Hindi kami magkadugo ni Senyora ngunit itinuring niya akong hindi iba sa kanya. Nadama ko ang pagmamahal niya sa kahit maikling panahon. Wala siyang ipinakitang hindi maganda. Lagi nga siyang nakasuporta sa akin kahit noong hindi pa ako asawa ng kanyang apo. Kaya parang hindi rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang isang masamang bangungot lang ang lahat at magigising rin kaming lahat mula sa malalim na pagakakahimbing.
Sino ba naman ang mag-aakala na may iniinda na pa lang sakit si Senyora?
Kung ako nga na madalas makausap si Senyora ay hindi man napansin na may tinatago na siyang malubhang karamdaman sa katawan.
00 at napapansin kong pumapayat siya ngunit wala talaga akong nakita man lamang na
sintomas na mayroon na pa lang may masakit sa katawan niya.
Masayahin kasi talaga si Senyora. Hindi mo masasabi kung kailan siya nalulungkot dahil sa ngiti niyang hindi naaalis sa kanyang mga labi.
Tuwang-tuwa siya kahit sa simpleng bagay lang.
Naroon ang hindi maubos-ubos na mga kuwento sa tuwing magkausap kami. Labis ang kanyang kasiyahan sa apo niya sa tuhod na nakikipag bungisngis sa kanya sa tuwing siya ay makikita sa screen ng cellphone sa tuwing mag vivideo call silang mag Iola.
Parang nawalan ng isang maliwanag at nagniningning na ilaw ang buong hacienda sa pagkawala ng mabait na Senyora.
Nawalan ng isang matatag na pader na nagsisilbing matibay na proteksyon ng sinumang nagmamahal sa kanya.
"Senyorita Karen, pinapatawag po kayo sa library. Naroon na po Sina Senyorito Simon at Senyorita Selene at kayo na lang po ang hinihintay." Magalang na pagtawag sa akin ni Josie. Ang dalagitang anak ng isa rin sa mga kasambahay ng hacienda. Payat siya pero matangkad at laging nakatirintas ang mahaba niyang buhok na umabot na hanggang lampas sa kanyang bewang. Kung siya ay magiliw ang pakikitungo sa sa akin, ang ibang kasambahay naman ay hindi. Hindi ko malaman kung paano ko sila patutunguhan dahil hindi nila ako pinapansin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip ng ganung bagay o sadyang hindi lang nila ako napapansin. Ang iba kasi ay tinataasan ako ng kilay na hindi ko alam kung bakit samantalang ang iba naman ay magiliw pa rin ang pakikitungo sa akin katulad noong araw na kasa-kasama ako ni Nanay sa pag-aayos ng hardin ng hacienda.
"Ako? Bakit kaya?" nagtataka kung tanong ko kay Josie.
"Hindi ko po alam Senyorita. Pero dapat na po kayong magmadali dahil naiinip na ang inyong asawa." Nakangiti niyang wika na tila kinikilig pa sa kanyang mga sinabi.
Inayos ko muna ang mga unan na nakapaligid sa natutulog na si Santino sa kanyang crib. Hinabilin ko muna kay Josie ang aking anak saka ako tumungo sa library.
Kumatok muna ko sa pinto saka maingat na pinihit ang seradura nito saka marahang pumasok sa 100b.
Tatlong seryosong mukha ang naabutan ko sa library na pawang naiinip na sa kanilang paghihintay.
Parang kinabahan tuloy ako ng sabay-sabay silangtumingin sa gawi ko na para bang isa akong inaakusahan na kriminal sa uri ng kanilang pagtitig lalo na ng aking asawa at hipag.
Ang nakaupo sa study table ay walang iba kundi si Senyorito Simon. Samantalang naka de kwatro pa si Selene sa pang isahang sofa at sa katapat na mahabang sofa naman ay nakaupo sa gitna ang isang may edad na lalaki na ngayon ko lamang nakita. Abuhin na ang kanyang buhok at makapal na angsalamin sa mata na kanyang suot-suot.
Tumayo siya at sinalubong ako.
"Good Afternoon, Mrs.Sto Domingo." Nakangiti niyang bati saka inilahad ang kanan kamay sa aking harap na aking malugod na tinanggap.
"Good Afternoon din PO." Pagbati ko rin naman. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito. Bakit pati ako ay dapat kasama sa kung anurnan ang kanilang pinag-uusapan.
"Attorney Silvestre Clemente by the way." Muli niyang pagpapakilala sa kanyang sarili.
"Karen poll Kimi kong sagot kahit tinawag niya na akong Mrs. Sto.Domingo kanina. Naupo ako sa isa pa sa dalawang pang
isahang sofa katabi ng inupuan ni Senyorita Selene.
Para bang may tensyon na nagaganap at ang bigat ng hangin na dumadaloy dito sa 100b ng library.
Tumikhim si Attorney Clemente at saka kinuha ang mga papel na nakapatong sa lamesa na gawa sa salamin na nasa harapan namin. Inilabas niya sa isang bag na kulay itim ang iba pang mga papeles at nag-umpisang mag paliwanag tungkol sa mga naiwang ari-arian ng Senyora. Wala akong masyadong maintindihan sapagkat wala naman akong interes sa kung anumang kayamanan ang naiwan ngyumaong senyora. Ngunit natigilan din ako ng sabihin ni Attorney Clemente na maliban sa legal na mga apo ni Senyora na legal niyang mga tagapagmana ay kasama rin kami ng anak kongsi Santino sa mga nabanggit na tagapagmana sa huling testamento.
