Fight For My Sons Right Chapter 31-40

  • You Can Use Demo as Registered User :
    user:demo pass:dohdemo


Fight For My Sons Right Chapter 31-40







Written by: KoryanangNegra


Introduction

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁


"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"




Table of  Content

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁












Chapters 31-40

▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁




Chapter 31

Seryoso? !
Nais ko sanang isatinig ngunit nanatili na lamang akong tahimik at nakikinig. Hindi ko rin naman alam kung paano ako magkokomento o kailangan ba akong mag komento.
Wala sa hinagap ko na pamamanahan niya rin kami ni Santino. Kahit si Santino na lang ngunit ang isama pa ako ay parang isang kalabisan. Hindi ako kaano-ano ni Senyora. Isa lang along sampid sa kanilang pamilya.
Ayokong lingunin ang kahit sino sa magkapatid na Sto.Domingo dahil sa pakiramdam ko ay hindi sila sang-ayon sa sinasabi sa testamento. Ngunit dahil may mga pinag-aralan ay nanatili lang silang walang kibo at sibil at patuloy rin na nakinigsa iba pang sinasabi ni Attorney.
llang katanungan pa ang tinanong ng magkapatid bago pa nagpaalam upang magbalik na ng Maynila si Attorney Clemente. Inabutan pa niya nga ako ng isang calling card para kung sakali raw na may mga katanungan ako tungkol sa minana namin ni Santino ay agad ko siyang
makokontak.
"Well, well, well." Agad kong hinanap ang nagsasalita. Si Senyorita Selene na nakatayo pinto ng kusina. Dito kasi ako tumuloy sa kusina ng matapos ang pag-uusap namin kasama si Attorney Clemente. Narito ako upang tumulong magluto. Pina bantayan ko muna ulit si Santino kay Josie dahil tulog na tulog pa rin naman ang anak ko.
Sumandal si Senyorita Selene sa hamba ng pintuan habang pinagkrus ang mga braso sa dibdib at taas kilay na nakatingin sa akin.
"So, anong pakiramdam? l' kalmado ang tanong at deretsong-deresto ang tingin sa akin. Maging ang mga kasama kung kasambahay ay huminto sa kanilang mga ginagawa at nakatingin na rin sa Senyorita.
"A-anong pakiramdam?" nalilitong tanong ko sa kanya. Wala naman talaga kasi akong ideya sa kung anong tinatanong niya.
Tumayo siya ng tuwid at saka humakbang papunta sa direksyon ko. Kumuha ng mansanas na nakalagay sa isang basket na nakapatong sa lamesa at saka inamoy ang prutas na kasing pula ang kulay ng lipstick niyang gamit sa labi.
"From a simple girl na anak ng isang hardinera na nakapangasawa ng isang Haciendero na mas nag level up pa. Dahil bilyonarya ka na." Litanya niya habang sinisipat sipa ang hawak na mansanas na tila may hinahaban.
Bilyonarya?
"Kaya tinatanong kita ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang instant bilyonarya?" Mahinahon niyangtanong ngunit halata naman na nais niya akong patamaan at hindi rin maikakaila na hindi niya gusto ang anumang nasa mga nilalaman ng huling testamento.
"S-senyorita, hindi ko naman alam na isinama ako ni Senyora sa mga pamamanahan niya." Mahinahon namang sagot.
"You know what, I can't believe this!" madiin niyang asik.
Medyo nagulat ako sa biglaang pagpapalit ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagiging mahinahon at biglang bumalasik ang kanyang maamongmukha.
"Ang mana ni Santino hindi ako tutol dahil pamangkin ko siya at kadugo ko siya. But you? Sino ka ba para parnanahan ka rin ni Lola. lyon ang hindi ko maintindihan. Ano bang pinakain mo sa Lola at ganun ka niya kagusto?" sarkastiko niyang tanong sa mukha ko.
"Alam mo bang sa mana na napunta sayo kasama ang kay Santino ay mas mayaman ka pa sa amin ni Kuya Simon?"
Mas mayaman??
Parang hindi ko naman naisip ang bagay na 'yun. Hindi ko naisip dahil sa wala naman akong interes kung gaano man kadami ang perang iniwan sa akin o sa amin ng anak 1<0.
Dahil sa hindi ko na lamang pagkibo ay inirapan na lamang ako ni Senyorita Selene at saka umalis ng kusina.
"Sana all marunong mang-uto."
"At mamikot ng mayaman.l' At sabay-sabay silang mahinang nagsihagikgik.
Dinig ko ang sabi ng mga kasambahay na kasama ko rito sa kusina. Tatlo silang na sa isang sulok at naghihiwa ng mga gulay. Marahil ay kaedaran ko lamang sila at bago lamang din sa hacienda kagaya ni Josie.
Alam kung ako ang pinatatamaan nila lalo na at narinig nila ang mga sinabi ni Senyorita Selene.
"Biruin mo nga naman mula sa basahan nagingmayaman."
Muli kong narinig na kanilang bulungan.
Parang narinig ko ang laging sinasabi sa akin ni Senyora Loreta noong nabubuhay pa siya.
"Hindi na uso ngayon ang paawang bida.
Ang uso ngayon ay mga bida-kontarbida." "Excuse me." Pagtawag ko sa atensyon nilang tatlo.
Ngunit tila hindi nila ako naririnig at patuloy lang sa kung among ginagawa nila.
" Excuse me." Muli kong pagtawag at saka naglakad upang makalapit sa kanila.
Sabay-sabay naman silang pahitamad na lumingon sa akin.
"Narinig ninyo naman siguro ang sinabi ni Senyrita Selene kanina hindi ba?" mahinahon kong tanong sa kanilang tatlo at isa-isa silang tiningnan sa kanilang mga mata.
"Malinaw na narinig ninyo na mas mayaman na ako sa kanila ng asawa ko." Diniinan ko pa ang salitang "mas mayaman."
Sa totoo lang ayokong gawin ngunit sino ang magtatanggol sa akin? Wala na si Senyora habang si Nanay ay nakaratay pa. Ako lang ang bukod tanging magtatanggol sa akong sarili at kay Santino. Kaya dapat lang na maging matapang ako.
"Maraming nangangailangan ng trabaho sa
panahon ngayon. Kaya kung mahal ninyo ang trabaho niyo dito sa hacienda ay ayusin nyo pag-uugali ninyongtatlo." Mahinahon ko pa rin na wika at payo sa kanila.
Para naman silang napahiya at nagsiyuko ng ulo.
Tumalikod na ako para umalis pero muli akong humarap sa kanilang tatlo.
"Alam ko namang magbubulungan na naman kayo ng tungkol sa akin kapag nakatalikod na 1<0. Pero siguraduhin ninyong hindi ko maririnig at malalaman. Dahil alam na ninyo kung ano ang mangyayari. Naiintindihan ba ninyong tatlo?"
"Opo, Senyorita Karen. Pasensya na poll sabi ng isa sa kanila at saka sumunod din angdalawa pa at nanghingi ng pasensya sa akin.
Bumuntong-hininga ako at saka na lumabas ng kusina.
"Kayong tatlo ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo. Tandaan ninyong amo natin dito sa hacienda si Senyorita Karen. Pasalamat kayo at hindi niya kayo pinagtatanggal sa kachismosahan ninyo." Dinig ko pa na sermon ni Manang Josefa na nanay ni Josie sa tatlong kasambahay.
Tama naman pala si Senyora Loreta.
Hindi na nga naman uso ang paawang bida. Wala akong ginagawang masama kaya wala silang karapatan na ako ay husgahan.
Simula ngayon hindi na ako magsasawalang-kibo at tatahimik na lang sa isangtabi.
Lalo at wala si Nanay at wala na rin si Senyora.
Wala na akong kakampi.
Wala na akong tagapagtanggol.
Kaya dapat lang na maging matapang na ako. Hindi lamang para sa sarili ko maging pati na rin sa karapatan ng anak ko. 




Chapter 32


Buhat sa kusina ay mabilis na akong umaakyat sa hagdan patungo sa itaas ng bahay dahil sa kaisipang baka magising si Santino at pumalahaw ng iyak kapag napansing hindi ako kasama sa aming silid. Matapos ko kasi siyang patulugin at mailipat na sa kanyang crib ay tahimik at mabilis muna akong turnalilis ng kwarto para linisin ang kanyang mga bote ng gatas na ginagamit. At makapagtimpla na rin ng bagong gatas para kung gumising at humingi siya ng gatas mamaya sa kalagitnaan ng gabi o kaya'y sa madaling araw ay agad ko ng maibibigay. Limang bote ang hinanda ko kasama ang lata ng gatas at mineral na tubig na aking inilagay sa isang tray saka maingat na muling umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon ng Hacienda. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto ng kwarto na inuukupahan naming mag-ina ng biglang sa kung saan ay may nagsalita na ikinahinto ko sa planong pagpasok sa 100b ng silid.
"Ngayon ay mas malakas na ang 100b mo."
Nagpalinga-linga ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang nakatayo sa teresa ng pangalawang palapag.
Kitang-kita ko ang isang bulto ng tao dahil naka bukas naman ang pinto patungong teresa at na sa dulong kwarto ang inuukupahan namin ng anak ko na katabi na mismo nito.
Nag buntong-hininga na muna ako bago nagpasyang ipihit ang aking katawan patungo sa direksyon ng taong nagsalita.
Naroon siya nakatalikod sa akin habang pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi sa paligid. Hindi nakabukas ang ilaw sa teresa kaya naman ang nagsisilbing liwanag lamang ay ang mga poste ng ilaw na na nakapalibot sa mansyon. Tumingala ako sa langit na waring sa makikita ko sa itaas ay makakaamot ako ng lakas ng loob upang mas lalong maging matapang. Ngunit tila naging maramot ang kariktan ng gabi.
Tinatakpan ng makapal na ulap ang mga bituin na sila sanangtanglaw sa karimlan habang wala ang liwanag ng buwan. Maging ang haplos ng mabining hangin ay naghahatid ng kakaibang lamig na pakiramdam.
Maingat kong inilapag ang tray na hawak sa center table na naroroon. Napansin agad ang bote ng mamahaling alak na nakapatong sa lamesa maging ang babasaging bowl na pinaglalagyan ng ice cubes.
Umiinom na naman pala siya.
"Iba talaga ang nagagawa ng pera. Lalong lumalakas ang 100b." Muli siyang nagsalita ng may laman at may nais patamaan habang sumimsim ng matapang na alak sa kopitang hawak.
"A-anong ibig mong sabihin Senyorito?" tanong ko naman na naguguluhan sa kanyang sinasabi. Ako ba ang tinutukoy niya?
At syempre gaya ng pinaghuhugutan ni Senyorita Selene, mukhang tungkol na naman ito sa hindi ko inaasahang naging "mana ll na galing sa yumaong Senyora. Malamang na malaking bagay talaga ang minana ko kaya lalo silang nainissa akin. Hindi ko naman hiniling kay Senyora Loreta ang anumang ibinigay niya sa akin. Wala akong kaalam-alam na pamamanahan niya ako.
Dahan-dahan siyang humarap sa direksyon ko.
"Marunong ka na pa lang mag banta ngayon  at sa mga kasambahay pa talaga. Baka gustong mong ipaalala ko sayo na baka nakakalimutan mo na doon ka rin naman galing." Litanya niya na may pang-uuyam pa sa uri ng kanyang pagtitig sa akin.
Naalala ko ang eksena kanina sa kusina.
'Yun ba ang tinutukoy niya?
Pinagsabihan ko lang naman ang tatlong kasambahay. Masama na ba ang ipagtanggol ko ang aking sarili sa mga taong mapanghusga?
At isa pa..
Paano nalaman ni Senyorito angtungkol doon? Nasaksihan niya ba?
Naroon ba siya o merong nakapag sabi sa kanya? O baka ang tatlong kasambahay mismo ang nagsumbong sa kanya.
"Kung ang tinutukoy mo ay ang eksena kanina sa kusina. Ipinagtanggol ko lamang ang akingsarili sa kanila. Sa tingin ko naman ay wala namang masama na dipensahan ko angsarili ko.
Hindi nila ako lubusang kilala para husgahan. Wala silang alam sa buhay ko kaya hindi nila ako d apat pag-usapan.ll Tapat kong pagpapaliwanag. Kung mali ang ipagtanggol ang sarili ay urnaano pa ang batas ngtao. Kung tungkol naman sa pagpapa-alaala ko na mas mayaman ako kina Senyorito Simon at Senyorita Selene, hindi ko naman gustong sabihin 'yun. Nadala lang ako. Ngunit totoo pa rin naman ang aking sinabi.
"Oh! really?" tumaas pa ang sulok ng labi ni
Senyorito. Halatang hindi naniniwala sa aking
tinuran.
Sabagay, kailan ba siya naniwala sa akin? Kaya hindi na ako magtataka kung mas paniwalaan niya pa ang mga taong nagsisinungaling kaysa sa akin.
"At ano naman ang sinabi nila sayo? Na pinikot mo ako dahil alam mong malakas ka kay Lola? Na mukha kang pera?" patuloy niyang pagtatanong na may halong pangungutya sa tono ng kanyang boses at maging sa paraan ng kanyang pagtingin.
Hindi ako sumagot. Kahit ano naman ang maging paliwanag ko ay balewala lang. Masasayang lang ang laway ko at lakas kung patuloy pa akong makipag diskusyunan sa isang taong nakasara ang utak.
"Bakit hindi mo ipagtanggol ang sarili mo sa akin ngayon? Ikaw na nagmamatapang kanina sa harap ng mga kasambahay na gaya mo. Ikaw na nakatungtong lang sa kalabaw ay akala mo ay mataas na? Ipagtanggol mo ngayon ang sarili mo." Untag niya sa akin.
Nanatili akong walang-kibo. Tiim ang ang aking bagang at kuyom ang aking mga palad.
Tumawa siya ng mahina ngunit nakaka-insulto.
"Napipikon ka sa mga paratang sayo dahil 'yun naman talaga ang totoo." Deretso niyang sabi sa akin habanh nanlikisik ang mga mata.
"A desperate woman! " tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo.
"Hindi na ako magtataka kung may kinalaman ang namayapa kong Lola kung paano mo ko pinikot. Pero hindi na mahalaga 'yun." Uminom na ulit siya ng alak at saka muling nagsalita.
"Dahil ang mahalaga ngayon ay urnalis ka sa buhay ko." Deretsahan niyang pahayag.
Umalis?
Paano si Santino?
Lalaki din siyang walang tatay gaya ko?
Matigas akong umiling.
Ayoko.
Hinding-hindi ako papayag na mawalan ng Tatay ang anak ko.
Hindi pwedeng magaya sa akin si Santino. Ang hirap ng walang kinikilalang ama.
"Hindi. Ayoko.ll Madiin ang bawat salita at deretsahan ko rin na sagot habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Hinding-hindi ako aalis dahil may anak
tayo." Dugtong ko.
  

 


Chapter 33


Narinig marahil sa buong kabahayan ang malakas na halakhak ni Senyorito Simon. Animo ay batingaw ng kampana ang kanyang boses na lumaganap sa kailaliman ng gabi.
"Bilib na talaga ko sa kapal ng mukha mo! Pinagpipilitan mo pa rin ang bagay na yan! Saan ka ba talaga kumukuha ng takas ng 100b para panindigan ang mga kasinungalingan mo. Wala na si Lola. Wala ka ngdahilan upang magpanggap na isang Santa. Wala ng pupuri sa huwad mong kabaitan. Kaya hubarin mo na ang maskara mo at ilabas mo na ang ikinukubli mong mahabang sungay." Asik niya sa akin.
"Hindi ako nagpapanggap na isang Santa at wala akong tinatago na sungay. Anak mo si Santino at pagpipilitan ko 'yun hanggang sa matanggap mo," sagot ko rin. Hindi ako magpapatinag sa kanyang mga sinasabi.
"Hindi ko siya anak. Kaya wag mo ng ipagpilitan pa! Wag mo ng ipilit dahil wala kang mapapala!" sigaw ni Senyorito.
"lyon ang totoo! Anak mo siya kaya ipagpipilitan ko pa rin kahit ilang ulit mong
itanggi! ll ganti kong sigaw sa pag sigaw niya sa akin.
Muli na naman turnawa si Senyorito. Tawa siya ng tawa na para bang mababaliw na.
" Hindi ko siya anak. Wala akong maalala at kahit ikaw ay wala rin na maalala hindi ba? Kaya paanong may nangyari sa atin? Maliban na lang kung talagang binalak mo ...
Hindi ako nakapagpigil na putulin ang kanyang pinupunto...
"Wala akong binalak! Pinalaki ako ngtama at maayos ng Nanay ko kaya huwag na huwag mo akong pagbintangan." Hinihingal ako sa gigil sa ginawa kong pagsasalita. Pigil na pigil ko ang sarili kong wag magwala at magsalita na hindi kanais-nais. Pilit kong pinanghahawakan ang sarili kong katinuan. Ngunit talagang inuubos ni Senyorito ang mahabang pisi ng pagpapasensya
1<0.
Gigil na gigil ako!
Gusto kong magwala at magsi sigaw dahil punong puno na ako. Bakit ba pinagpipilitan nilang masama ako. Ano ba ang ginawa ko sa kanilang lahat?
Pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila akong lahat. Dinikdik nila ako kahit na durog na durog
na ang pagkatao ko.
"llang beses ko bang sasabihin na hindi ko alam at wala talaga akong alam sa kung anong nangyari sa atin at kung paanong may nangyari sa atin." pagpapatuloy ko pa rin sa mataas na boses na aking pagsasalita. Talagang sumusulak na ang dugo ko. Mula kanina kay Senyorita Selene, sa mga kasambahay at ngayon si Senyorito Simon naman. 
Kasalanan ko bang pamanahan ako ni
Senyora?! Hindi ako nanghihingi ng anuman sa Senyora. Kusa niyang ibinigay 'yun sa akin!" nagsusumigaw kong tinig sa utak ko.
Ngunit hindi na rin ako nakapagpigil at nasa tinig ko.
"At hindi ko kasalanan na pinamanahan din ako ni Senyora Loreta ng kung anong kayamanan niya dahil hindi ko naman iyon hiningi o hiniling sa kanya!" Dugtong 1<0. Total 'yun naman ang nais niyang ipunto kaya nila ako ginaganitong magkapatid. ltutuloy-tuloy ko na para isahang bagsakan na lang.
"Huwag na huwag mo akong sisigawan sa sarili kong pamamahay."
"Na pamamahay ko rin!" matapang kong dugtong at sinalubong ang nag-aalab na tingin ni Senyorito
Nakipag sukatan din ako ngtitig.
Pikang-pika na ako!
Pagod na akong manahimik at tanggapin na lamang ang bintang niya o nilang lahat dahil wala akong gin agawa!
"Malinaw ang mga nilalaman ng testamento ni Senyora Loreta. May karapatan ako at ang anak ko sa lahat ng ari-arian na iniwan niya kaya maliwanag na may karapatan ako clito sa Hacienda." Mariin kongsabi.
Pagak na tawa ang narinig ko kay Senyorito. "At lumabas na nga katotohanan." Nakangisi niyang sabi habang sumimsim ng alak.
"Na mukha ka talagang pera at kayamanan ang habol mo sa akin lalo na sa namayapa kong Lola. Paano mo nagawang um arte? Ang galing mo naman. Dinaig mo pa ang mga beteranong artista sa arte mo lalo na kapag na sa paligid si Lola. Dati ay hindi ka makabasag pinggan samantalang ngayon nakikipagtaasan ka na ng boses. Bakit? Kasi nakuha mo na angtalagang gusto mo. Ang kayamanan na kaydali mong nakuha." Tinaliman na naman angtitig sa akin.
Gumanti ako ng matalim din na titig.
Hindi ako magpapatalo. Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan lalo ngayon at wala na akong matatawag na kakampi. Wala na si Senyora na na laging nakaalalay at laging nasa panig ko. Ngunit pinapangako kong kakayanin ko ang lahat. Alang-ala sa anak ko.
"Wala akong pakialam sa ano pang isipin at sabihin ninyo laban sa akin. Dahil mapapagod lamang ako na ipaliwanag ng paulit-ulit ang side 1<0. Ka-ya ba-ha-la kayo!" Dininiinan ko pa ang tatlong huling kataga kong binanggit at saka ako nagmamadali kunin angtray na inilipag ko kanina sa lamesa at nag martsa patungo sa silid namin ng anak ko. Pagbukas ko ng kwarto ay mabilis na urnagos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang umalpas sa aking mga mata.
Pakiramdam ko hinang-hina ako ngayong araw.
Ganito ba ang pakiramdam ng isang inosenteng pinaparatangang kriminal?
Ang una nilang paratangsa akin ay ang pananamatala ko raw sa kabaitan ni Senyora kaya nagawa kong pikutin si Senyorito Simon upang ako ay pakasalan at maging legal na
Sto.Domingo. Ngayon naman ay pinaduduhan nila ang naging desisyon ng namayapang Senyora Loreta tungkol sa mga iniwan niyang kungsaan kasali ang pangalan ko.
Urniyak ako ng umiyak.
Lalo akong nanghihina kapag iniisip kong
mag-isa na lamang akong lumalaban para sa amin ni Santino.
Nilapitan ko ang anak kong himbing sa pagkakatulog.
Hinaplos ko ang buhok ng aking anak saka ko siya dinampian ng magaan na halik sa ulo.
"Hinding-hindi ka lalaking walang tatay anak. Kung kinakailangang araw-araw kong ipamukha kay Senyorito Simon na anak ka niya ay gagawin ni Mama. Gagawin lahat ni Mama kahit pa magmukha akong nakakaawa habang namamalimos ng pagmamahal ng Papa mo. Kaya kong magpakababa anak. Basta mananatili tayong pamilya. Ipaglalaban kita, Santino. Ipaglalaban ko ang karapatan mo hanggang sa dulo.
At pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.
Hindi naman ako pwedeng hiwalayan ni Senyorito Simon. Hindi niya ako pwedeng iwanan na lang. Malaki ang mawawala sa kanya at damay pati ang nag-iisa niyang kapatid na si Selene.
Kaya hangga l t kaya ko. Hindi ako susuko. Sila ang dapat sumuko.
 




Chapter 34


Na miss ng sobra ang buong hacienda. Pinasyal si Santino sa lugar na aking kinalakihan. Namasyal din ako sa mga itinuturing kong kaibigan tulad ng mga naging kaklase ko dati. Nakakainggit nga sila sapagkat hanggang ngayon nag-aaral pa rin sila at tinutupad ang kani-kanilang mga pangarap. Naiinggit ako ngunit mas mahalaga si Santino sa lahat ng mga naging pangarap dati. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Maaaring natigil ako sa pag-aaral ngunit hindi naman ako tumitigil mangarap at  umaasa akong matutupad ko pa rin ang lahat pagdating ng tamang panahon. Sa ngayon, si
Santino at si Nanay ang mahalaga para sa akin. Sinilip ko rin ang sariling bahay namin ni Nanay kung saan kami dating naninirahan. Naluha ako ng masilayan muli ang aming tahanan. Tahimik at puro tuyong dahon ang makikita sa buong bakuran. Meron na rin nagtataasang mga damo kaya hindi na ako nag aksaya ng oras upang maglinis. Nilinis ko ang loob ng bahay at maging ang labas ng bakuran. Umaasa akongsa muli kong pagbabalik sa susunod ay kasama ko na namin si Nanay. Punong-puno ng mga alalaala ang bahay na ito. Dito lang umiikot ang ang buhay ko maliban sa eskwelahan. Dito, kami lang ni Nanay ang nagdadamayan sa hirap at ginhawa. Masaya kami kahit madalas na hindi naman masagana ang aming pamumuhay. Madalas ang ulam namin ay kung ano-anong talbos lang ng gulay na sariling tanim sa aming bakuran. Wala kaming maraming handa sa kahit anong okasyon na dumatingsa buhay namin. Pasko, bagong taon o kaya ay kaarawan ay masaya na kaming magkasalo ni Nanay kahit sa simpleng sopas lang na madalas ay kulang sa sahog. Ngunit kahit kailan ay hindi ako ginutom ni Nanay. Hindi ko naranasan ang walang makain. Masipag at matiyaga si Nanay sa kahit anong ginagawa niya. Hindi siya nagrereklamo kahit nag-iisa lang siya sa buhay habang pinalalaki ako. Kaya mahal na mahal ko siya. Kaya gagawin ko rin ang lahat, mabuhay lang siya. Sana lang ay madagdagan pa ang mga magagandang alaala namin.
Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe ni Santino pabalik ng lungsod. Iniwan lang naman kami ni Senyorito Simon clito sa Hacienda at lumuwas ng mag-isa.
Kung inaakala niyang mapalalayo niya kami ni Santino sa kanya ng ganun-ganun lang ay nagkakamali siya.
Hindi ako papayag!
Kung kinakailangan na maging desperada nga ako sa paningin ng lahat ay gagawin ko. Wala akong pakialam basta ipagpipilitan kong anak niya si Santino at kung tungkol naman sa "mana". Wala naman din akong pakialam sa bagay na 'yun dahil sanay akong mabuhay ng simple lamang at  tinuruan ako ng nanay ko kung paanong lumaban ng patas sa buhay. Ang masayang ginagastos ang sarili mong pinagpawisan galing sa pinagpaguran mong trabaho.
"Anong ginagawa ninyo rito?" matalim agad  ang mga matangsumalubong sa amin ni Santino ng pumasok kami sa mansyon dito sa lungsod. "Hello! Papa." Sa halip ay naging sagot pero nakatingin ang mga mata sa anak ko.
"Na miss ka na nitong anak mo kaya naman nagmamadali kaming urnuwi dito dahil hindi mo man lang kami isinabay na lumuwas pabalik dito sa bahay natin." Litanya ko habang nakangiti ng matamis ngunit hinaluan ko ng konting arte ng kunwaring hinampo.
Salubong ang kilay na nakamasid sa aming mag-ina si Senyorito. Naka-ilang ulit din kaming nag doorbell bago niya kami pinagbuksan. llang oras ang biyahe namin ni Santino galing sa probinsya. Mabuti na lang at naging mabait ang anak ko sa loob ng bus. Akala ko ay mag iiyak siya dahil sa maiinip ngunit panay lang siyang kumakain, humihingi ng gatas at natutu[og.
"At ano na naman ang palabas mo Karen? Ano naman ang pagpapanggap ang inaarte mo ngayon? Noong isang araw lang ay para kang mabangis na hayop na handang managpang sa galit.” Madiin niyangtanong.
Ngumiti pa rin ako.
Kalma.
Kalma lang ng kalma.
Ayoko ng makipag-away.
Lalo na at kaharap na namin si Santino.
Ayokong naririnig akong sumisigaw ng anak ko.
Noong minsan kasi kaming nagsigawan ni
Senyorito Simon sa harap niya ay pumalahaw siya ng iyak.
"Anong palabas ang pingasasabi mo? Totoo naman na anak mo si Santino at dito kami nakatira kaya natural lang na dito karni umuwi. Asawa mo ako at pamilya tayo.” sabi ko na nakangiti pa rin.
Naningkit ang mga mata ni Senyorito.
Halatang napipikon na naman sa kakulitan ko.
"Hindi ko alam kung saan ka ba talaga kumukuha ng [akas ng loob at sobrang kakapalan ng mukha, Karen! Pero lagi mong itatak riyan sa makitid mong utak na.." lumapit pa si Senyorito sa harap ko habang nagsasalita. Tiim ang kanyang bagang. Pero hindi mo ako kababakasan ng anumang takot at kahit pa ang kabahan ay wala.
"Hinding-hindi ko matatanggap.m ang anak mo lalo na ang maging asawa kita.Tandaan mo 'yan! ll dugtong niya at madiin ang bawat salitang binitawan.
"Ang sweet talaga ng Papa mo, anak. Kaya dapat langtalaga na umuwi na tayo agad dahil wala siyang makakasama dito sa bahay.ll Sa halip ay nasabi 1<0.
"You're crazy! Hindi ko na alam kung anong utak meron ka. Hindi ko rin alam kung nakakaintindi ka ba? May sakit ka na ba sa utak at simpleng salita ay hindi mo maintindihan?" Muli niyang asik sa akin.
"Ano ba ang hindi ko naiintindihan, Senyorito? Hindi ba at asawa mo naman talaga ako? Ikinasal tayo. Nabuntis ako at nanganak.
Kaya narito si Santino na anak nating dalawa. Kaya ano ang hindi ko naiiintindihan?
Tila naman lalong napikon si Senyorito Simon sa mga sinabi ko at nag martsa paakyat sa hagdan at iniwan na naman kami ni Santino.
Nakangiti lamang akong nakamasid sa kanya.
Madilim na madilim ang kanyang mukha habang malalaking hakbang na umaakyat patungo sa itaas ng bahay.
Pero pangako ko kasi sa sarili ko na ba balewalain na lang ang kanyang mga masasamang salita laban sa akin at hindi ko na papatulan kapag inaaway niya ako.
Kaya anuman ang sabihin niya ay hindi ako mag papa-epekto at lagi lamang akong ngingiti. Natatawa ako na napapailingsa sitwasyon  ko.
Nababaliw na nga siguro ako? Sino na naman ang hindi mababaliw sa kalagayan na mayroon ako? Ako lang ang mag-isang lumalaban para sa aming mag-ina.
Ganito pala talaga ang isang magulang.
Gagawin ang lahat para sa kanyang anak.
 




Chapter 35


"Manang Lorna, gusto ko po sanang itinda itong mga halaman ko. Sa tingin niyo po kaya ay may bibili? ll Untag ko kay Manang na tinutulungan akong ayusin ang mga halaman na itinanim ko sa binili kong mga paso. Mahilig rin naman talaga ako sa halaman dahil 'yun ang nakamulatan kong paboritong gawain ni Nanay. Madalas ay ginagaya ko ang kanyang mga gingawang pag-aalaga sa mga halaman sa aming bakuran. Kapag kasi nagkakaroon ng suwi ang mga halaman na nakatanim dito sa malawak na hardin ng mansyon ay agad kong kinukuha sa mother plant at itinatanim sa ibang paso. Ang mga magagandang orchids ay pinanghingi ko pa ng mga bunot ng niyog sa palengke upang doon ko sila ilagay. Ang iba't-ibang klase naman ng mga alocasia ay nilagay ko rin sa kulay pulang paso. Ganun din ang dragon tail, peace lilies, variegated monstresa delicosa na marami ang naghahanap at kung anu-ano pang mga halaman.
Masyado na kasi silang marami kaya naman naisipan ko kung pwede kong ibenta upang pagkakitaan. Gusto ko rin kasi na makaipon ng
pera upang magamit sa nalalapit na kaarawan ni Santino at isasabay ko na rin ang binyag niya.
Gusto ko ng maging ganap na kristiyano ang anak 1<0. Nahihiya naman akong manghingi ng panggastos kay Senyorito Simon. Malamang na pagsasalitaan niya lang ako ng kung ano-anong masasakit na salita gaya ng paulit-ulit na mukhang akong pera. Iniiwasan ko na talaga ang patulan siya at lalong-lalo na ang makipag away sa kanya. Kaya nag-iisip talaga ako ng paraan upang kumita ng sariling pera. Nakita ko kasing uso ang bentahan ng mga kung ano-anong bagay online. Naisipan ko na baka pwede kong ibenta ang mga sobra ko ng mga halaman.
"Abah! Marami ang may gusto ng halaman. Lalong-lalo na itong mga tanim mo. Mahal ang presyo ng mga uri ng halaman na gaya ng mga orchids. Ngayon ko nga lang nakita ang mga orchids na dinala mo rito galing sa probinsya." Sagot naman ni Manang habang inaalisan ng tuyong dahon ang orchids na may kulay lila ang bulaklak.
"Sa tingin niyo po may bibili?" tanong kong muli.
"At bakit hindi mo subukan? Lalo na ngayon ang lahat ay pwede ng ibenta. Sigurado akong maraming bibili dahil marami ang inlove sa mga halaman."
Nabuhayan naman ako ng 100b sa sinabi ni Manang. Bakit nga ba hindi ko subukan? Wala naman sigurong masama kung magtinda ako. Kaya wala na nga akong inaksayang oras. Nag hanap ako ng mga group page sa social media kung saan pwede kang mag post ng mga tinitinda mo. Maayos ko munang kinuhanan ng litrato ang mga halaman na balak kong ipagbili. At hindi nga nagkamali si Manang Lorna. Marami ang naging interesado sa mga halaman ko. Bago ko muna rin ipinost online ay inalam ko muna ang mga presyo. At tama ulit si Manang. Mahal ang presyo ng mga halaman na mayroon ako. Nalula nga ako noong una dahil ganun pala sila kamahal. Ang isang orchids ay nasa limandaan hanggang libo ang halaga depende pa kung anong uri at kung gaano ito kalabong. May mga orchids kasi na rare kung tawagin kumpara sa mga ordinaryo. Marami ang naging interesado ngunit ang tanging makabibili lang ng mga halaman ko ay ang mga nasa malapit kung saan lugar ako naroroon. Sa tapat ng subdivision ako matiyagang naghihintay sa mga sure buyer ko. Pinagtitinginan pa nga ako lalo na ng mga guwardiya dahil marami akong bitbit na mga halaman.
Ang saya sa pakiramdam ng una akong makabenta. Isang kulay lila na orchid ang unang binili sa akin. Bihira raw ang ganung uri ng bulaklak dito sa lungsod. Hugis paro-paro ang talulot ng bulaklak at mamangha ka sa pinaghalo-halong kulay puti, dilaw,kahel ngunit mas nangingibabaw ang kulay ng lila. Kaya hindi na raw nag dalawang isip ang babaeng nasa thirties siguro ang edad na bilhin sa akin ang naturang bulaklak ng makita niya. Noong una nga ay ayaw niyang maniwala na may ganung uri ng orchids. Ngunit ng ipadala ko angvideo na may ugat ang orchids na nakadikit sa bunot ng niyog ay naniwala na siya. Regalo niya raw para sa Nanay niyang mahilig sa halaman lalong-lalo na sa orchids. Isa ang naturang bulaklak sa mga halaman na dala ko mula sa probinsya. Naisip ko kasingdalhin ang kaya kong bitbitin sa mga halaman namin at dito na sila itinanim sa hardin kasama ang mga halaman na dinatnan ko ng naririto. upang alagaan ko rin. Biruin mo, hindi ko akalain na maaari ko pa lang pagkakitaan ang mga halaman na aming inaalagaan ni Nanay. Sampung halaman rin ang nabenta ko ngayong araw. Malaki-laki rin ang pinag bentahan 1<0. Kung ganito palagi ay mabilis akong makakaipon sa 100b ng isang buwan at mairaraos ko na ang darating na unang kaarawan at binyag ni Santino.
"Sabi ko naman sayo. Maraming ang may gusto sa mga halaman. Ang iba nga ay adik sa pangongolekta ng iba't-ibang uri ng halaman.
Lalo na 'yung bihira lang makita." Masaya rin si Manang Loreta ng ipakita ko sa kanya ang mga pinagbentahan ko. Sa halip kasi na tawaran sa mas mababang halaga ng mga mamimili sa presyo na binigay ko ay itinataas pa nila para siguraduhin na sila ang makakakuha.
"Kaya nga PO, Manang. Makakaipon na rin po ako," sambit ko at saka niyakap ng mahigpit si Santino. Hindi ko kasi mabanggit kay Manang na para sa anak ko kung bakit ko binebenta ang mga halaman na malapit sa aking puso.
"Ano ba ang pinag iipunan mo at masyado ka namang pursigido? Malamang na kayang-kaya namang ibigay ng asawa mo kung anuman ang gusto mong bilhin,ll Ani ni Manang.
"Gusto ko po kasing i-challenge ang sarili ko. May pinag iipunan nga po ako at gusto ko po sa sarili kung sikap at tiyaga ko makukuha ang bagay na 'yun." Tanging nasabi ko na lang kay Manang. Ayoko man magsinungaling ay napipilitan ako dahil ayoko pa rin dungisan ang pangalan ni Senyorito Simon.
Asawa ko pa rin siya at siya pa rin ang Papa ni Santino.
"Mabuti nga ang ganyan dahil nakakaipon ka na ay natututo ka pang magnegosyo. Malay mo naman at magkaroon ka ng sarili mong tindahan ng mga halaman."
Napangiti ako ng maluwang.
lyon ang pangarap ni Nanay. Ang magkaroon ng isang malawak na tindahan ng mga iba l t-ibang uri ng halaman. Kung saan tuturuan niya pa ang mga mamimili kung paano alagaan  ang mga halaman na binili sa kanya.
Wala namang imposible.
Sana nga ay matupad.
 



Chapter 36



Halos maubos na ang mga halaman na binebenta ko. Hindi ko talaga akalain na marami ang plant lovers lalo na sa tulad ng isang abalang lungsod kung saan halos lahat ay may kanya-kanyangtrabaho o di kaya naman ay walang space ang bakuran o kanilang mga bahay sa mga halaman. Sabagay, kung talagang gusto at hilig mo ay maraming pwedeng paraan.
Isang tao lang ang buyer ko ngayong araw ngunit sampung klase ng halaman ang kanyang bibilhin. Pinakyaw niya na ang lahat ng mga natitira kong binebenta. Ngayong alas kwatro ng hapon ang usapan naming pagkikita sa harapan ng gate ng subdivision.
"Santino, behave ka lang anak. Aayusin ko lang ang mga halaman na order kay Mama. Malaki ang kita natin dito. May pang handa ka na sa birthday at binyag mo." Masaya kong pag kausap sa anak kongtahimik lang naman na naglalaro sa 100b ng kanyang crib. Narito na naman kaming mag-ina sa hardin. Sinisigurado ko kasi na maganda ang halaman na ibibigay 1<0.
Ayoko rin makatanggap ng reklamo dahil baka
masira ako sa mga mamimili. Sa ngayon, heto na ang huling mga halaman na ibebenta 1<0. Palalakihin at palalaguin ko muna ang mga natitirang suwi. Mas maganda kasi ang presyo kapag malabong na ang isang halaman na binebenta. Na obserbahan ko kasi na mas interesado ang mga buyer na bilhin ang malago na ang dahon sapagkat nakakatiyak daw silang rooted na talaga ang halaman at hindi na basta-basta mamamatay. May punto naman talaga. Ngunit tinitiyak ko naman na hindi ako nagbebenta ng mga halaman na hindi pa buhay. Bago ko ibenta ay sinisiguro kong nakakapit na ang ugat sa lupa kung saan siya nakatanim.
Linggo ngayon at wala si Manang Lorna. Kaya naman obligado akong isama si Santino mamaya kapag hinintay ko ang buyer sa labas. Naisip ko naman na total ay narito naman sa bahay si Senyorito Simon ay baka pwede ko naman sigurong makisuyo sa kanya kahit saglit na minuto lang. 'Yun ay kung tulog mamaya ang anak ko at pwede akong tumalilis kahit saglit. Dumating ang alas tresy media at nag chat na ang buyer ko na on the way na siya sa aming meeting place pero gising si Santino. Kaya wala akong magagawa kundi ang isama siya sa labas.
Medyo may kabigatan ang sampung
halaman kung kaya ilang beses kaming nag balik-balik ni Santino sa mansyon hanggang sa gate ng subdivision habang karga ko siya gamit ang kanan kong kamay at bitbit ko naman ang halaman sa kaliwa kong kamay. Pinasuyo ko munang pakitingnan ng mga gwardya na nakabantay sa gate ang mga halaman na nauna ko ngdinala.
Nadala ko ng lahat ang mga halaman ngunit wala pa rin ang ka meet up ko. Maalinsangan ang panahon ngunit kay dilim ng kalangitan at mukhang nagbabadya ang malakas na pagbagsak ng ulan.
"Naku naman! Dumating na sana ang bibili ng mga halaman, anak. Baka abutan tayo ng ulan dito sa labas," wika ko kay Santino na panay ang linga sa paligid. Bihira lang kasing makalabas ang anak ko sa mansyon at makakita ng ibang kapaligiran. Wala kasing tigil ang mga sasakyan na paroon at parito gayundin ang mga naglalakad na tao na may iba't-ibang direksyon.
Ganap ng alas kwatro kinse ngunit wala pa rin ang ka meet up ko. Medyo naiinip na rin ako dahil baka biglang burnagsak ang ulan at wala kami sa bahay ni Santino. Mabuti at pinahiran ko muna siya ng konting aceite de mansanilya sa kanyang ilong, tiyan at paa upang hindi niya
malanghap ang singaw ng alimuom ng lupa.
Ilang minuto pa ang lumipas ngsa wakas ay dumatingna rin ang buyer ko. Isang may edad na babae na maikli ang buhok at maputi ang balat. Agad naman siyang nanghingi ng pasensya dahil na traffic daw Sila sa daan na nginitian ko na lang dahil katanggap-tanggap ang kanyang rason.
Nakasakay siya ng kotseng kulay puti at marahil ay asawa niya ang kanyang driver na siyang nagbuhat ng mga halaman patungo sa kanilang sasakyan. Matapos ko siyang bigyan ng kaunting tip sa tamang pangangalaga ng halaman ay binayaran niya na ako.
Mabilis na rin akong naglakad pauwi ng bahay. Halos takbuhin ko na ang mansyon sa takot na baka abutan ng pagbagsak ng ulan ngunit kahit anong bilis ko ay naabutan pa rin kami ni Santino kung kailan na sa harapan na kami ng gate ng mansyon. Malakas at malaki ang patak ng ulan kaya agad kaming nabasang mag-ina. Dahil wala naman kamingsisilungan ay sinuong ko na ang ulan total naman ay ilang hakbang na lang ay makakapasok na kami sa loob ng bahay.
Kahit tumutulo ang damit dahil sa tubig ulan ay nagmamadali akong inakyat paitaas ng hagdan si Santino. Hindi na baleng ako ang magkasakit. Huwag lang ang anak ko.
"Kung maliligo kayo sa ulan. Magbaon kayo ng damit ninyo ng makapagpalit kayo agad sa ibaba.
Huwag ninyong dalhin ang ugaling squatter dito at huwag ninyongdumihan ang loob ng bahay 1<0. Hindi ka ba marunong mag-isip? Tumutulo ang tubig sa katawan ninyo pero umakyat kayo dito sa itaas?" boses ni Senyorito Simon. Nakamasid na pala sa aming mag-ina habang nakatayo sa pintuan ng kanyang silid  kung saan katapat lang ng aming silid na mag-ina.
"Pasensya na, hindi ko naman sinasadya. Naabutan kasi kaming mag-ina ng ulan sa labas.
Wala na kaming sisilungan kaya sinuong ko na.
Lilinisin ko na lang ang mga patak ng tubig. Kailangan ko na kasing palitan si Santino at baka sipunin at ubuhin.ll Katwiran ko.
"Wala akong pakialam. Basta linisan mong mabuti ang sahig. Ayokong makakita kahit konting patak!" asik sa akin ni Senyorito Simon. Turn ango na lang ako bilang pagsang ayon sa kanyang inutos. at pumasok na kami ni Santino sa loob ng kwarto
"Anak, pasensya ka na at nadamay ka pa sa pagtitinda ni Mama. Ayan tuloy pati ikaw
naulanan. Kailangan ko kasing makaipon ng pera na gagastusin ko para sa nalalapit mong birthday. Hayaan mo at kapag nakaraos ang binyag at  birthday mo. Tuwing narito lang si Manang Lorna ako tatanggap ng order." Paghingi ko ng pasensya sa anak ko habang pinupunasan ko siya.
Kanina habang tumatakbo ako sa ulanan karga siya ay mas naawa ako sa kalagayan namin. Para kaming mga basang sisiw. Pagkarating pa namin ay kaming ibangtaong pinagalitan ni Senyorito Simon.
Hindi man lang niya naitanong kung anong ginagawa naming mag-ina sa labas ng mansyon. Sa halip na mag-alaala na baka magkasakit kami ay mas concern pa siya na nadumihan ang sahig ng bahay niya.




Chapter 37



"Karen, ang tindi naman ng ubo mo?
Natuyuan ka ba ng pawis?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Lorna ng marinig akong halos hindi na makahinga sa sunod-sunod na pag atake ng ubo. Sinisipon ako at walang humpay na inuubo. Ito ang naging sanhi ng mabasa kami ni Santino sa malakas na ulan noong Linggo. Uminom naman ako agad ng gamot ngunit tila hindi turnalab at tinablan pa rin ako ng sakit.
"Okay lang po ako, Manang. Konting ubo at sipon lang naman po ito at malayo sa bituka." Hinaluan ko ng pagbibiro ang sagot ko. Hindi ko naman kasi maamin ang totoo na nabasa kami sa Lilan ni Santino. Tiyak na magtataka at magtatanong si Manang kung bakit isinama ko pa ang anak ko gayong narito sa bahay si Senyorito Simon.
"Uminom ka lagi ngtubig at maglagay ka ng sapin sa likod mo upang hindi ka natutuyuan ng pawis." Payo ni Manang Lorna at saka kumuha ng isang baso ng maligamgam na tubig at binigay sa akin.
"Ang inaalala ko po ay baka mahawa ko si
Santino dito sa ubo at sipon ko,ll wika ko habang unti-unting ininom ang maligamgam na tubig. Wari naman na gurninhawa ang nangangati kong lalamunan ng masayaran ng mainit-init pa na tubig.
"Magsuot ka na lang lagi ng facemask at  maghugas ng kamay bago mo siya hawakan. Lagi ka na rin gurnamit ng alcohol. Mahirap pa naman na inuubo at sipon ang mga bata dahil masyadong maligalig at hindi mo alam kung ano ang gagawin mo lalo na kapag hinihirit ng ubo."
Tama naman si Manang. Kaya nga ingat na ingat akong lapitan si Santino. Nag suot na ako ng facemask upang kung sakaling bumahing ako ay hindi tatalsik ang laway ko sa kung saan lalo na kay Santino. Lagi rin akong may hawak na alcohol at wala akongtigil sa kakawisik sa kamay ko upang mawala ang anumang mikrobyo na hindi nakikita ng mga mata.
Tuluyan na nga na sumama ang pakiramdam ko pagdating ng gabi. Masakit na masakit ang ulo ko dahil sa sipon at mas tumindi ang pag-ubo ko.
"Anak, diyan ka muna sa crib mo. Hindi ka pwedeng kargahin ni Mama dahil baka mahawa ka sa ubo at sipon ko." Paliwanag ko kay Santino na nakatayo sa kanyang crib habang itinataas
ang mga maliit na braso. Gusto niyang kunin ko siya sa 100b ng kanyang kuna. Halos maghapon nga naman siyang naroon. Marahil ay nagtataka si Santino dahil ngayong araw ay hindi kam nagpunta sa labas upang doon magpalipas ng oras sa hardin. Kung maaari nga lang ay ayoko munang lumapit sa anak ko sa takot na baka mahawa ko siya ng ubo at sipon.
"Senyorito, pwede bang makisuyo na bantayan mo muna si Santino? Masama lang talaga ang pakiramdam ko at hindi ko siya maalagaan ng maayos." tanong at pakiusap ko kay Senyorito Simon. Naglakas 100b na akong kumatok sa kanyang silid. Galing siya sa kanyang trabaho ngunit isang oras na rin naman ang nakalipas buhat ng siya ay dumating.
"What?!" eksaherado niyang tanong.
"Hindi ko kasi maasikaso ng maayos si Santino dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya kung pwede lang ay nakikiusap akong ikaw na muna ang mag-alaga sa kanya.'l Mahinahon kong paliwanag.
"Gusto mong alagaan ko ang anak Imo?" tanong niya ulit.
Tumango ako bilang tugon.
"Kung gusto mong ipaalaga ang anak mo. Bakit hindi mo balikan angtunay na tatay para may magbantay sa anak asik ni Senyorito Simon.
Yumuko ako.
Masamang masama ang pakiramdam ko.
Mainit na mainit din ang hangin na ibinubuga ng bibig ko.
Nahihilo ako at halos maubusan na ng lakas kapag inaatake ng walang humpay na pag-ubo.
Kaya wala akong panahon na makipag-away.
"Ngayon lang naman, Senyorito. Mabait naman si Santino. Ang kaso naiinip na siya sa 100b ng kanyang kuna at gusto na niyang magpakarga. Hindi ko naman siya pwedeng kargahin dahil baka mahawa siya sa sakit ko. Sige na, Senyorito.ll Patuloy kong pakikiusap kay
Senyorito Simon habang salubong ang mga kilay. Suot niya pa rin ang kanyang working attire. Ibig sabihin lang ay may ginagawa siyang importante at hindi niya na magawang magpalit muna ng damit pambahay. Marahil ay may tinatapos siyang trabaho at inuwi dito sa bahay.
"Wala akong pakialam kahit inaapoy ka pa ng lagnat. Umalis ka na at burnalik ka sa kwarto ninyo at baka mahawa pa ako sa kung anong mikrobyo mo sa katawan." Pagtaboy niya sa akin kasabay ng pabalibag na pagsara ng pinto ng
kanyang kwarto.
Napapikit pa ako sa sobrang lakas ng kanyang pabalibag na pagsara sa Pinto.
Hindi muna ako umalis. Naghintay ako ng ilang sandali at baka sakaling magbago ang kanyang isipan at pagbigyan ako.
Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya ulit lumalabas sa kanyang silid.
Laglag ang aking balikat ng nagpasya na akong bumalik sa kwarto namin ng anak ko. Tumatangis ako at naaawa na naman sa sarili.
Hindi na naawa si Senyorito Simon. Hindi niya ba nakikita na may sakit ako? Ganun ba siya kawalang puso sa amin ng anak ko?
"Bakit anak? ll bungad kong tanong kay Santino ng malapit na ako sa kanyang crib.
Wala na akong nagawa kundi ang kargahin siya sa ayaw ko man o sa gusto. Nakita ko na kasi ang anak ko na sumisibi sibi na at gusto ng umiyak. Naiinip na siya sa loob ng kanyang kuna.
"Tahan na, anak. Tahan na, karga ka na ni Mama." Pagaalo ko kay Santino upang hindi na matuloy ang kanyang pag-iyak. Kahit nahihilo ako ay pinilit ko pa rin siyang inehele sa aking kandungan. Ngunit agad ko rin siyang inilapag dahil hindi ko talaga kaya. Hinang-hina ang pakiramdam 1<0. Hinihila ng antok ang aking mga mata ngunit pilit ko pa rin na binubuka dahil sa takot na baka may mangyari sa aking anak kapag nagpatalo ako sa antok.
"Lord, huwag po sanang mahawa ang anak ko sa lagnat, sipon at ubo ko.ll Taimtim kong panalangin habangsa sahig na ng kwarto namin ako sumalampak. Naisip ko kasing mas safe dito kumpara kung mahihiga ako sa kama kung saan pwedeng mahulog si Santino.
Naisip ko na naman ang inasal ni Senyorito Simon ng nakikiusap ako kanina. Tumutulo na lang ang napakainit kong luha dahil nakakadurog ng puso na isipin na wala siyang awa sa aming mag-ina.





Chapter 38


Kahit anong gin awa kong pag-iingat ay nahawa ko pa rin ng sakit si Santino. Nilagnat na din siya at nagkaroon ng ubo at sipon. Dahil nga masama rin ang pakiramdam ko ay hindi ko siya maasikaso ng maayos.
"Senyorito, baka pwede ng makisuyo sayo?
Wala na kasing iinumin na gamot si Santino. Pwede mo ba siyang ibili saglit sa botika? " muli akong surnubok na makiusap kay Senyorito Simon. Ubos na kasi ang gamot sa sipon ni Santino at kailangan niya ng uminom ngayong urnaga. Samantalang nagtext rin sa akin noong isang araw si Manang Lorna na hindi siya makakapasok dahil masama rin ang kanyang pakiramdam. Nahawa rin si Manang sa sakit ko. Matindi rin daw ang ubo at sipon niya.
"Senyorito- ll ngunit tila turnawag lang ako sa hangin. Tuloy-tuloy lang si Senyorito Simon na lumabas ng bahay para pumasok sa kanyang trabaho. Natanawan ko na lang na palabas na sa gate ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung talagang hindi niya ako narinig o sadyang hindi niya ako pinansin.
Gusto ko ng maghesterikal. Gusto kong magwala ng magwala at sumigaw ng malakas. May sakit ako at ang anak ko pero wala man lang akong makatuwang. Wala man lang magbigay ng kahit tubig man langsa aming mag-ina sa aming silid. Kung kaya naman pinipilit ko lang talagang kumilos kahit pa sobrang nahihilo ako at nanghihina. Kailangan kong tumayo para kay Santino. Kailangan ko siyang painumin ng gamot, pilitin kumain at uminom ng kanyang gatas.
Dahil sa tingin ko ay mas lumalala ang ubo at sipon ni Santino. Nakikita kongtila nahihirapan na siyang huminga ay nagpasya na akong dalhin siya sa ospital upang mabigyan ng iba pang gamot. Kahit nanghihina pa ang aking katawan ay pinilit kong lumakad habang karga si Santino patungo sa pinakamalapit na ospital.
"May Bronchopneumonia ang anak niyo Misis kaya nahihirapan siyang huminga at parang hinihingal." paliwanag ng lalaking doktor na payat ang katawan at halos kasing tangkad ko lang. Tiningnan ko si Santino. Ang paghinga niya nga ay hindi normal. Tumataas ang kanyang dibdib habang humihinga.
Wala akong alam sa kung anong mga uri ng sakit. Ngunit nababatid ko sa sarili kong hinuha
na seryoso ang sakit ni Santino.
"Makukuha naman po sa gamot ang sakit ng anak ko, hindi po ba, dok?" tanong ko sa doktor na abala sa kung ano pang binabasa sa resulta ng x-ray at blood test na ginawa kay Santino.
Nahihirapan akong lumunok dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung malala ba ang sakit ng anak ko. Nilalamig ang mga kamay ko. Kung anu-anong scenario ang pumapasok sa isipan ko na lalong nagpapakababa sa akin.
"Kailangan natin siyang i-admit dito sa ospital bago pa lumala ang sakit ng anak mo." Ang naging sagot ng doktor.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at agad ko ng pinaconfine si Santino sa ospita sa takot na baka ano pa ang mas malalang mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa kagustuhan kong kumita ng pera ay ganito ang nangyari sa aming mag-ina.
'Yun nga lang at sa isang pampublikong ospital ko lang napa admit si Santino. Gusto ko sana sa ospital kung nasaan naka confine si Nanay ngunit baka abutin ng libo-libo ang maging bayarin namin at wala akong pambayad. Kaya wala akong pagpipilian kung hindi dito sa public hospital dalhin si Santino. Maayos naman ang pasilidad at malinis ang kapaligiran kung kaya napanatag ako na maseserbisyuhan ng maayos ang ang anak ko. May mga naririnig kasi ako dati na kapag sa pampublikong ospital ka nagpunta ay madumi ang paligid. Narinig ko rin na masungit ang mga doktor at nars dahil mahirap ang kanilang mga pasyente. Ngunit napagtanto kung hindi naman pala totoo. Mababait ang mga doktor at nars na aking nakakasalamuha sa loob ng dalawang araw na narito kaming mag-ina sa ospital. Sa loob ng mga araw na 'yun, iniisip ko kung hinahanap ba kami ni Senyorito Simon? Kung nagtataka ba siya kung bakit wala kami sa bahay? Ngunit agad ko rin sinusupil ang anumang iniisip ko dahil alam ko naman na hindi mangyayari na hahanapin niya kami ni Santino.
Si Manang Lorna naman ay masama pa rin daw ang pakiramdam. Ngunit hindi ko ipinapaalam kay Manang na narito kaming dalawa ng anak ko sa ospital. Tiyak na magaalala siya at baka pilitin ang sariling magpunta rito upang samahan akong bantayan si Santino. Hinawakan ko ang aking cellphone. Tinitigan ko ito at umaasang may matatanggap akong text o tawag at rumihistro ang pangalan ng taong inaasahan ko.
Ngunit para akong tangang naghihintay at umaasa.
Lalo akong na lungkot at naalala si Nanay at Senyora Loreta. Kung narito lang ang kahit isa sa kanila ay may katuwang ako.
Payapang natutulog si Santino sa hospital bed. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay kung saan nakakabit ang dextrose na nilagay sa kanyang kaliwang kamay. Halos madurog ang puso ko ng oras na hinahanapan siya ng ugat upang mailagay ang dextrose. Iyak ng iyak si Santino ng tinusok siya ng karayom.
Nagpupumiglas siya dahil nasasaktan. Palihim akong naiyak ng mga sandaling 'yun. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung sana ay hindi kami naulanan ay hindi ako magkakasakit at hindi ko mahahawa ng sakit ang aking kaawa-awang anak.
"Santino, magpagaling ka na anak. Miss na miss na ni Mama ang kakulitan mo. Miss na miss na ni Mama na nakikita kitang naglalaro." bulong ko sa anak ko habang hinahaplos ang kanyang manipis na alon-alon na buhok.
"Papa."
Nagulat pa ako ng biglang magsalita ang anak 1<0. Nasambit niya ang salitang Papa sa kabila ng siya ay mahimbing na natutulog.
Napangiti ako hilaw.
"Papa mo pa rin ang hinahanap mo kahit hindi ka naman niya pinapansin. Ganun mo ba kamahal ang Papa mo? ll tanong ko habang hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.
Lalo akong nakaramdam ng habag sa anak 1<0. Kahit kailan ay hindi pa niya nadama ang mahalin siya ng Papa niya ngunit kahit sa pagtulog ay tinatawag niya ang pangalan nito. "Hayaan mo anak, hindi tayo susuko.
Ipaglalaban ni Mama na anak ka ng Papa mo. Hinding-hindi tayo SUSUkO. Basta magpagaling ka lang anak. Magpagaling ka na Santino."
 




Chapter 39


"Pwede na kayong umuwi. Basta ipagpatuloy pa rin sa bahay ang mga irereseta kong gamot kay baby Santino."
At nakahinga na ako ng maluwag matapos kong marinig ang sin abi ng doktor na nag rounds ngayong umaga. Tila naalis ang anumang nakadagan sa aking dibdib. Pang-apat na araw na namin ngayon sa ospital at sa wakas ay maaari na raw kaming lumabas at pwedengsa bahay na lang ituloy ang gamutan. Tuluyan na rin humupa ang ubo at sipon ko. Sana nga lang ay magaling na rin si Manang Lorna. Miss na miss ko na rin siya katulad ng pagka miss ko kay Senyora at kay Nanay. Halos dalawang linggo ko na rin hindi nadalaw si Nanay dahil naging abala ako sa pagbebenta ng halaman at ngayon nga naman ay kagagaling lang namin ni Santino sa sakit.
Umabot ng mahigit kinse mil ang dapat kong bayaran sa ospital ngunit dahil sa philhealth ay wala na akong babayaran kahit piso. Malaking tulong lalo pa sa mga mahihirap na mamamayan na kahit pamasahe lang papuntang ospital ay wala. 'Yun naman talaga ang katotohanan. Kapag mahirap ka ay umaasa ka na langsa mga albularyo sapagkat wala kang sapat na pera pang ospital. Sabi nga ng karamihan "bawal ang magkasakitll lalo kong isa ka lang maralita na iniraraos lang ng pilit ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw.
Mabuti na lang at mababait ang mga taong kasama namin sa ward. Pinakisuyo ko muna sa kanila si Santino habang tulog upang maasikaso ko ang mga dapat kong asikasuhin upang makauwi na kami ngayon tanghali. Mula sa pirma ng nurse, sa ginamit naming sapin sa kama, pharmacy at sa kung anu-ano pa. Bago mag tanghali ay nasa labas na kami ng ospital ni Santino.
Masigla na si Santino hindi katulad ng araw na dalhin ko siya dito. Hindi siya makahinga ng maayos at laging aburido dahil sa barado ang ilong.
"Santino, uuwi na tayo sa bahay." Nakangiti kong bulong sa aking anak na hawak na naman ang paborito niyang laruan. Ang motorbike na laruan na bigay ng kanyang Mommy Selene.
"Papa, Papa, Papa."
Sunod-sunod na pagkakasabi ni Santino sa salitang Papa habang seryoso lang na kinakalikot ang kanyang hawak na laruan.
"Hindi darating ang Papa mo Santino. Kahit ilang beses mo pa siyang tawagin ay hindi siya darating." Malungkot kong wika habang nakatanaw sa isang pamilya na nakasabay naming lumabas sa ospital. Isang batang babae na nasa apat na taon siguro ang edad na karga marahil ng kanyang Nanay. Habang ang kanyang tatay naman ang may dala ng mga garnit na kanilang ginamit sa 100b ng ospital tulad ng electric fan, thermos, mga unan at isang bag kung saan siguro nakasilid ang kanilang mga darnit.
Nakakainggit.
Samantalang ako, karga ko si Santino habangtinulungan lang ako ng isa sa mga security guards ng ospital na dalhin ang ilang mga gamit namin upang maihatid kami rito sa sakayan. Isang clip fan na pinasuyo ko lang na bilhin sa isa sa mga tagabantay ng katabi naming pasyente. llang piraso ng darnit na siyang binitbit ko ng ipacheck up ko si Santino.
"Heto po ang bayad." Inabot ko na ang bayad sa sinakyan naming taxi ni Santino. Tinulungan naman ako ni Manong driver na ibaba ang mga garnit ko sa harap ng gate ng bahay ni Senyorito Simon.
Kukunin ko na sana ang susi sa aking bag ng biglang bumukas ang gate.
Si Senyorito Simon ang nagbukas.
"Akala ko tuluyan na kayong lumayas sa pamamahay ko," wika niya habang bakas sa mukha na naiinis sa pagdating naming mag-ina.
Alam mo 'yung pakiramdam na tila kami mga pulubing namamalimos ng kanyang anak clito sa harap ng kanyang bahay.
Nag buntong-hininga ako.
"Bakit naman kami lalayas ni Santino? Asawa mo ko at anak mo siya. Kaya dito lang kaming dalawa sa bahay natin." Kalmado kong sagot at kinuha na ang aking mga ibang bitbitin.
"At anong tingin mo sa pamamahay ko? Aalis kayo ng ganun lang at babalik kung kailan niyo gusto?" asik ni Senyorito na hinarang ang kanyang malapad at malaking katawan sa maliit pintuan ng gate.
"Senyorito, pagod ako. Wala pa akong maayos na pahinga. Kaya utang na 100b saka mo na ako awayin. Gusto ko munang matulog." Pakiusap ko kay Senyorito.
"Wala akong pakialam!" madiin niyang pagbigkas.
"Wala naman talaga. Tinanong mo ba ako kung saan kami galing ng anak mo? Tinanong mo ba kung bakit wala kami ng ilang araw? Hindi mo
naman itatanong dahil wala kang pakialam." hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Galing kami sa ospital kasi naconfine si
Santino. Pero syempre wala ka naman pakialam. Pinasusuyo ko ngang bilhan mo siya ng gamot  pero nagbibingi-bingihan ka kahit naririnig mo ako dahil wala ka naman pakialam.ll Dagdag ko pang sabi.
Dalawang kamay na namaywang si Senyorito at lalong kumunot ang noo.
"Kasalanan mo 'yan! Isa kang pabayang ina kaya laging nagkakasakit ang anak mo." Muli niyang asik.
Napapikit ako at pilit kinakalma ang nagpupuyos kong damdamin.
"00, kasalanan ko na. Kasalanan ko ng lahat. Pero walang-wala ang kasalanan ko kumpara sa kasalanan mo." Matapang kong sabi.
Turnaas at baba ang adam ls apple ni Senyorito Simon. Tila may nais siyang sabihin ngunit nanatili na lamangtumitig sa akin.
"May sakit ako at nakikiusap na alagaan mo siya pero pinagbigyan mo ba ako? Nakiusap akong bilhan mo siya ng gamot pero ginawa mo ba? ll panunumbat ko.
"Ngayon kung wala ka ng magandang
sasabihin. Gusto ko ng magpahinga. "
Nagpakawala muna ng marahas na paghinga si Senyorito Simon bago umalis sa gate.
"Papa, papa, papa." Muling sambit ni Santino. Pumapalakpak pa siya habang nakatingin sa tatay niya na sa harapan lang namin. Ngunit umiwas na lang akongtingnan kung anong reaksyon ni Senyorito sa malinaw na pagtawag sa kanya ni Santino.
"Papa, papa.. 
Tawag muli ni Santino na nakatingin sa aking likuran. Naglalakad na kasi ako patungo sa 100b ng bahay.
"Tama na, Santino. Tama na ang pagtawag mo. Lalo lang nasasaktan si Mama sa ginagawa mo," bulong ko sa kanya.
"Mama na lang angsabihin mo anak. Mama na lang." Dagdag kong sabi kay Santino na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa aking likuran. Hindi ko alam kung naroon pa rin ang kanyang ama. Ayoko ng lingunin pa dahil ako ang mas nasasaktan sa ginagawa niyang pagtikis sa anak namin.




Chapter 40


"Ang laki naman ng binagsak ng katawan ni Santino? l' puna ni Manang Lorna ng makapasok na siya matapos din ang halos isang linggo niyang pagkakaroon din ng sakit.
"Oonga PO, Manang." Malungkot kong tugon. Kapansin-pansin naman talaga ang pagkahulog ng katawan ni Santino. Ang kanyang pisngi ay nawalan ng umbok. Nangangalumata pa rin ang kanyang mga mata sanhi ng ilaw araw na napupuyat kapag inuubo.
"Ganyan talaga kapag malapit na ang kaarawan. Lalo na si Santino na mag celebrate ng kanyang unang birthday," ani Manang.
"Ganun po ba 'yun, Manang?" nagtataka kong tanong sa kanyang sin abi.
"00, kahit naman tayong mga matanda na ay nagkakasakit bago o pagkatapos nating mag birthday. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit 'yun ang paniniwala ng iba." Paliwanag pa ni Manang habang hinihiwa ang bawang at sibuyas na gagamitin sa pag gisa ng aming ulam ngayong tanghalian. Kahit si Manang ay pumayat at halata rin na nanggaling sa sakit.
"Ikaw, Karen? llang kilo ang na bawas pa sa timbang mo? Kumakain ka pa ba? Mas malaki ang ipinaya mo ngayon. Maligalig pa rin ba si Santino at namamayat ka ng husto?"
Bigla kong itinaas ang aking braso at sinuri kong pumayat ba ako.
"Pumayat po ba ako?"
"Sobrang payat mo na. Napakajina mo naman kasing kumain. Paano mo pa makakarga si Santino kung masyado ka ng payat?" wika ni Manang.
"Ewan ko PO, Manang. Kumakain naman ako pero hindi ako turnataba. Hayaan po ninyo at magtatanong ako ng tam ang vitamins para sa akin sa drug store." Sagot ko kay Manang.
Napansin ko naman talaga ng kung payat ako dati ay mas pumayat ako ngayon. Hindi naman sa ayaw kong kumain. Talagang binawasan ko na lang ang pagkain ko. Baka kasi maisumbat na naman ni Senyorito Simon kapag nakita niya akongtumaba. Kung pwede nga lang ay doon na kami ni Santino tumira sa bodega para hindi niya na kami makita.
"Sa isang linggo ay pasko na. Ano ang plano ninyo? Uuwi ba kayo sa probinsya?
Bigla akong napaisip sa naging tanong ni
Manang
Pasko na pala.
"Opo, Manang. Uuwi po kami ng probinsya kaya po magpahinga muna kayo. Enjoy po ninyo ang pasko at bagong taon kasama ng pamilya ninyo,” sambit ko kay Manang.
Ano nga ba ang plano?
Wala naman kaming pupuntahan ni Santino kundi dito lang sa bahay. Sana nga ay may plano si Senyorito Simon. Ngunit ang iniisip ko ay mas ma[abo pa sa di[ang malabo.
"Senyorito, pasko na sa susunod na linggo.
Anong plano mo? Uuwi ba tayo ng probinsya?”
Habang umiinom ng kanyang mainit na kape ay sinamantala ko na ang pagkakataon na magtanong kay Senyorito. Maliban kasi sa ganitong oras ng agahan ay wala na akong ibang pwedeng maging pagkakataon dahil buong araw ay wala siya dito sa bahay.
"Uuwi? bakit mo tinatanong? Dahil ba naroon angtunay na ama ng anak mo at gusto mo ng makita? ll saad niya habang hinihiwa ang kulay pulang hotdog sa kanyang plato.
"Nagtatanong lang. Ikaw ang ama ni Santino at wala sa hacienda Sto. Domingo.” Kalmado kong pagtugon.
"Really? " sagot niya.
"Ito ang unang pasko na hindi ko makakasama ang Lola ko pero narito ka at tinatanong kung ano ang balak ko sa pasko? Palagay mo makakapag celebrate ako ng pasko na wala na si Lola at hindi kasama ang nag-iisa kong kapatid? ll sarkastiko niya sabi.
May punto naman ngunit,
"Pasensya ka na. Si Santino lang naman ang iniisip ko kung kaya nagtanong ako. Ito rin kasi ang unang pasko na kasama na siya sa celebration. " Mahinahon ko pa rin na wika.
Tahimik lang si Senyorito habang ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. Hindi na rin ako kumibo upang paggalang sa kanyang pagkain ng almusal.
"Ang iba kasi na pamilya ay nagbabakasyon kapag may okasyon. Kaya na tanong ko sayo upang maaga akong makapaghanda."
Huminto sa pagbabasa ng dyaryo si Senyorito at saka pagak na tumawa.
"Pamilya? Sinong pamilya? Tayo?" Tanong niya habang itinuro ako.
"Kahit kailan ay hindi kita tinuring na pamilya at hinding-hindi kita ikokonsidera," sambit niya habang binistahan pa ako ngtingin
na mula ulo hanggang paa.
"Kung gusto ninyong urnalis at magbakasyon sa kung saang lupalop ng mundo ay wala akong pakialam. Mabuti nga 'yon at  mawawala kayo sa paningin 1<0."
"Pero senyorito kahit ipasyal mo lang si Santino sa kung saan magandang mamasyal.ll Patuloy kong pakiusap.
"Talaga? Hindi ka ba natatakot na baka kung ipasyal ko siya sa kung saan lugar ay maisipan kong iligaw o kaya naman ay iwanan ko sa gitna ng maraming tao?"
"Tiyak na naman na hindi gagawin Iyun.ll Sagot ko naman at nakipagtitigan sa kanya. "At paano ka naman nakakasiguro? l' kunot-noo na tanong niya.
Bumuga muna ako ng hangin.
"Hindi mo gagawin na iligaw siya dahil anak mo siya. Natitiyak ko." matatag kong sagot.
Tumawa si Senyorito.
"Hindi ka ba talaga nagsasawa na panindigan ang kasinungalingan mo?"
"Hindi ako magsasawa dahil hindi naman ako nagsisinungaling at humahabi ng kwento." Muling pumailanlang ang matunok niyang halakhak.
"Bilib na talaga ako sayo, Karen. Bravo. Excellente." Pumapalakpak pa ang kanyang dalawang kamay na animo ay tuwang-tuwa sa akingsinabi.
"May nakakatawa ba?" nagtataka kong nagingtanong na.
"Ikaw. Ikaw ang nakakatawa dahil ang kapal ng mukha mo." deretsahang sagot ni Senyorito Simon at saka nagpupunas na tissue sa gilid ng kanyang labi.
"Wala naman na nakakatawa sa anumang sinabi ko. Tinatanong lang naman kita kung may plano ka sa pasko. May plano kasi ako.
Makikiusap ako sa ospital kung saan naroon si Nanay na kung pwede ay doon kami mag celebrate ng pasko." lahad 1<0.
"Wala naman akong paki kung saan kayo magpasko. Basta kung pwede nga lang ay huwag na kayong bumalik."
Malungkot ko na lang na pinagmasdan si Senyorito Simon habang nag lakad patungo sa labas ng bahay.
Sana lang ay payagan kami ng ospital upang makasama si Nanay kahit ngayong darating na pasko lang. Noon, kami lang ni Nanay ang ang laging magkasama sa tuwing pasko at bagong taon. Kaya nais ko dati na kung sakaling
mag-aasawa ako ay gusto ko ng maraming anak. Masaya kasi kapag maraming miyembro ang isang pamilya.
Ngunit mas masaya sana kung kasama namin si Senyorito Simon na sasalubungin ang pasko at bagong taon.
 















 






Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url